Habang nagpapahinga ang aking asawa sa bahay ng isang linggo ay patuloy naman ako sa pagpasok sa office. Ayaw ko sana dahil mas gusto kong makasama siya kaya nga lamang ay kailangan ko talagang pumasok. May mga kailangan akong gawin na nangangailangan ng aking atensyon at hindi pwedeng iasa kay Vince. Pinagtutulukan na ako ni Iris tuwing umaga para lang pumasok at sinisiguro sa akin na OK lang siya. Wala din akong nagagawa dahil kailangan talaga kaya naman nangako na lang ako na tatawagan siya na siya ko din namang ginagawa. "Alessio," Sabi ni Vince sabay lagay ng invitation sa aking table. Napatingin ako sa kanya ng nakakunot ang noo dahil alam naman niyang hindi ako uma-attend sa kahit na anong okasyon maliban kung ito'y pang kumpanya lamang. "I'd rather stay at home than attend that."

