Iris Hindi ko akalain na mabubuntis ako agad. Kaya naman pala kakaiba ang sakit ng ulo at hilong nararamdaman ko ng umagang iyon. Even before that day ay nakakaramdam na ako ng konting pagsakit ng ulo. Pero hindi ko naisip na dahil buntis na ako. Sa init ng panahon ay talagang natural na ang ganoon sa akin kahit nung nag-aaral pa ako. Kaya naman wala sa hinagap ko na nagdadalang tao na pala ako. Sobrang saya ko at excited, ayaw ko sanang ipahalata kay Alessandro kaya nga lamang ay hindi ko na din talaga naitago. Nang magising ako sa ospital ay sobrang natakot at kinabahan ako. Ayaw kong mapunta ng ospital dahil naiisip ko ang nanay ko at ang mga naging paghihirap niya ng dahil sa sakit niya. Kaya naman sobra din ang naging habilin nito na alagaan ko ang aking katawan at kalusugan na siy

