“May kailangan ba akong sabihin?” ang tanong ko naman na naguguluhan. “What was that all about?” ang tanong niya? “Ang alin?” tanong ko din. Naguguluhan na talaga ako dahil hindi ko ma-gets kung ano ba ang sinasabi niya. “Why did you talk to me like that earlier?” ang tanong niya ulit. Yun bang nakikipaglokohan ako sa kanya? Bakit ayaw ba niya? Ayaw niya talaga na ipaalam sa office na asawa niya ako? “Sorry, akala ko ay OK lang makipagbiruan sa boss namin.” sabi ko na lang. “If it wasn’t me who said that, would you still say something like that?” “Yes, pero hindi yung part na pagtulog sa couch.” “So, you're telling me that you said that because I am your husband?” ang tanong niya kaya tumango ako. Siempre ay dahil lang talaga iyon sa asawa ko siya. Kung ibang tao yon ay hindi k

