"How do you feel?" Ang tanong ni Alessandro ng makapasok kami sa kanyang opisina. Hinawakan ko ang magkabila kong pisngi bago ngumiti at sinabing, "Masakit," tapos ay nakita kong napasimangot siya. Nagi-guilty siguro ito dahil si Sandy ang may kagagawan. Actually, hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Ang akala ko ay palalagpasin niya lang ang lahat tapos ay tapos na. Ngayong sinabi na niya at siguradong alam na sa buong opisina na asawa niya ako ay siguradong mapag-uusapan ako. "I'm sorry, it happened because of me." Sabi niya habang hinahagod hagod ang aking mga pisngi. Nakaupo na kami sa couch sa tapat ng office table niya. Parang yung sofa na kagaya ng nasa opisina ng mga chairman sa Korean drama. Ganun na ganon ang set up. "It's not your fault. None of these are your fault. She's jus

