Iris “How am I supposed to do this?” ang tanong ko kay Dennis. Naiinis na ako dahil hindi ko pa rin magawa ng maayos ang binuburda ko. Ilang linggo ko na itong pinag-aaralan pero hindi ko pa rin makuha kuha kung paano. Ang lalaki namang ito ay tinatawanan lamang ako. “You’re very impatient. Halika at tuturuan kita ulit.” sabi niya na ikinangiti ko ng todo. Nakita ko ang kapitbahay namin na si Melissa na nagbuburda, nagandahan ako at sa tingin ko naman ay kaya kong gawin kaya naman sinabi ko kay Dennis na gusto ko ding matuto non. Kaya heto ako ngayon na may ilang linggo na ding pinag-aaralan ang pagbuburda ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin akong natatapos kahit isa. “Ganito kasi, dapat ay ang paghawak mo sa karayom ay hindi parang nanggigil ka. Magaan lang kaya tuloy parang naniniga

