Naningkit naman ang mga mata ni Wong Ming sa sinabi ng mayabang na si Qiáo Jian. Halatang ugali nitong itaas ang sarili maging ang pride nito ngunit marami siyang napansing mga kahinaan nito at iyon ang gusto niyang gamitin, ang emosyon nito. "Mahina? Sampid? Ano pa ang gusto mong sabihin Qiáo Jian? Baka nakakalimutan mo, hindi pa tayo nagkakasubukan ng lakas baka kainin mo yang pinagsasabi mo?!" Nakangiting sambit ni Wong Ming habang nakalabas pa ang mga mapuputing mga ngipin nito. Gusto niyang inisin pa lalo ang pesteng binatang ito na nag-iwan ng malaking sugat sa katawan niya upang iligtas sa kamay niya ang kambal nitong kapatid. Kung parehong ganitong sitwasyon ang nangyari noon ay siguradong matatakot o magiging aware siya sa lakas ng kalaban niya ngunit iba na ang maaaring maganap

