"Huminahon ka muna Wong Ming, magpapaliwanag ako. Sila ay mga anak ko, hindi ko aakalaing magbubunga ng kambal ang pagmamahalan namin ni Milanya. Masyadong mabilis man ang pangyayaring ito na maging ako ay nagulat rin ng matuklasan ito ngunit ito ang totoo. Magpahanggang ngayon man ay hindi ko kasundo ang mga ito kaya kung maaari ay kumalma ka muna."Mahabang sambit ni Head Chief Bengwin na msy himig ng pakikiusap. Makikita sa mga mata nito na hindi nito gustong magkagulo rito. Bilang nakakatanda at pinuno ay gusto nito ng kaayusan. Nagulat man si Wong Ming ay pinilit niyang maging mahinahon para sa itinuturing nitong amain niya. Hindi niya gustong galitin ito o inisin man lang dahil sa pagmumukha ng dalawang nilalang na gusto siyang paslangin ng mga ito. Ayaw niyang pantayan ang mga masas

