Tatlong araw muli ang nakalipas habang mabilis na tumatalon-talon ang binatang si Wong Ming sa mga sanga ng naglalakihang mga puno. Palabas na kasi siya sa loob ng masukal na bahagi ng Ashfall Forest. Papunta na siya ngayon sa direksyon kung saan naroroon ang Black Clover Tribe na siyang huling lugar kung saan nagkasama sila ng amain niyang si Head Chief Bengwin. Sa loob kasi ng tatlong araw na ito ay marami siyang nakolektang mga bagay-bagay katulad na lamang ng mga pambihirang herbs na karamihan ay para sa panggagamot at pagpapalago ng kaniyang sariling Cultivation. Masasabi niyang masuwerte pa rin siya kahit na maraming mga nangyari nitong nakaraang tatlong araw. Hindi rin nagtagal ay natanaw ni Wong Ming sa hindi kalayuan ang nasabing tribo kung saan ay masasabi niyang may kalaki

