Kung gayon ay nasa bingit ng kamatayan si Wong Ming sa kasalukuyan? Bakit hindi mo sinabi noong una pa lamang? Hindi ko aakalaing seseryosohin nila ang labanang ito to the point na magkakapatayan ang mga ito!" Matiim na wika ni Head Chief Bengwin habang makikitang hindi ito komportable sa naging usapan at mga nalaman niya. Hindi niya sukat aakalaing malakas este napakalakas pala ni Qiáo Jian na siyang panganay sa magkambal na anak niya kay Milanya. Kung gayon ay masasabi niyang namana nito ang abilidad nito sa lahi ng asawa niyang si Milanya. Hindi niya alam kung matutuwa siya rito o hindi dahil ang kapangyarihang meron ito ay ginamit nito sa kinupkop nitong si Wong Ming sa loob ng apat na taong ito. Wala siyang kaalam-alam sa pambihirang kakayahan na ito ni Qiáo Jian ngunit ngayon a

