"Hindi kita hahamunin kung hindi ko sukat ang iyong lakas at abilidad na meron ka. Hindi ako hangal katulad mo." Mahinahong wika ni Wong Ming habang makikitang gusto nitong ipamukha ang kapalaluan at kayabangang meron si Qiáo Jian na siyang nagdulot rito ng confidence ngunit nagdulot din ng maling desisyon nito. "Hindi... Hindi mo ko matatalo Wong Ming. Ako ang pinakamalakas sa henerasyon natin. Walang makakapantay sa akin!" Galit na galit na sambit ni Qiáo Jian habang hindi nito matanggap ang mga pinagsasabi ni Wong Ming sa kaniya. Isa lamang itong nilalang na mula sa labas ng Ashfall Forest at ang kaniyang sariling kagitingan ay tila gusto pa nitong tibagin. Pakiramdam niya ay lason ang mga salitang binibitawan ni Wong Ming sa kaniya. Hindi siya matatalo ng sinuman, hindi ito at hindi

