After how many hours of working, finally, natapos na rin ‘yong iba. Yes, iba. Hindi pa lahat lalo na ‘yong mga evening gown. Iyon talaga ang nagpapahirap sa akin since kailangan tutukan ang details, the crystals, beads, diamonds, everything na kailangan doon ilagay. Hindi siya madali, nakakangalay lalo na kapag maliliit na diamonds ang gagamitin. Habang nagpapahinga ang iba sa team ko, nag-uusap naman ang team ni Rozen tungkol sa shipments at ibang production. Sila naman ang nakatuka doon kaya hindi na namin pinapakialaman. Ang advantage lang ng team ni Rozen ay maalam sila pagdating sa cutting, coloring, etc., kaya mas napabilis ang trabaho namin. Sabi nga nila, mas marami, mas mabilis. Hindi rin kasi mga tamad. Pag trabaho, trabaho talaga. Takot lang ni kay Rozen na nakabantay kahit kan

