“Are you sure about this?” Kagat ang kuko’ng tanong ko at tumingin kay Rozen. “Weekends ngayon, pero…” Pinanood kong kumilos ang team ko, kasama ang team niya na nagkakaisa ngayon sa pagde-design, pagka-cut, at pagtatahi ng mga tela. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot kasi dapat pahinga nila ngayon, pero ito at pinapasok sila ni Rozen, sa condo niya mismo para magtrabaho sa mga hindi natapos na design. Hindi naman ganun karami pero mahirap pagdating sa details. “Hundred percent sure, baby,” sagot nito at kumapit sa bewang ko. “I want your full time tomorrow for our date,” dagdga niya. “Kaya susubukan natin tapusin ngayon ang ‘unfinished work mo’, okay?” “O-Okay,” sagot ko. “J-Just don't be clingy ha? Wala pa silang alam—” “I want to be clingy, Thisa. And that’s an order.

