“Thisaaaaa!” boses pa lang alam ko na kung sino ang nagmamay-ari. Awtomatiko akong napangiti nang makita ko siyang kumakaway sa direksyon namin ni Rozen. Yes, magkasama pa rin kami pero hindi nag-uusap, hindi nagpapansinan. Hinatid niya ako rito nang malaman niyang nasa airport si Linux, ang best friend kong binabae. I got his call when I was about to explain to Rozen kung bakit ako nagsinungaling. Sasabihin ko na sana, pero hindi niya ako hinayaan. Sinabi niya lang na ihahatid niya ako rito. My pride kicked in. Bahala siya kung ayaw niyang pakinggan ang paliwanag ko. Nakakabwisit lang! Nakakainit ng ulo. May dala naman akong sasakyan, pero nagpumilit pa rin siya. If only I had the chance to escape na alam kong gano'n ang mangyayari, tinakasan ko na sana. Pero ang malala, nakalimutan ko

