Naiilang akong tumawa sa mga kasama ko at baka akalain nilang may asawa talaga ako. Lagot talaga sa akin ang Rozen na ‘yon. Pahamak kahit kailan. Anong pumasok sa isip niya at sunod-sunod ang pagdeliver niya dito ng mga pagkain? Gumaganti ba siya dahil umalis ako? Napahilot na lang ako ng sentido, iniisip kung paano ‘to uubusin. “Ma'am Thisa? Totoo po ‘yong sinabi ng rider? May asawa po kayo?” si Rica na lumapit agad sa akin. “Kailan pa po kayo kinasal?” “Oo nga po, Ma'am Thisa. Bakit hindi namin alam?” segunda ng isang intern. “Sayang naman at hindi kami nakapunta.” Hilaw akong ngumiti. “Wala akong asawa. Pinagt-trip-an lang ako ng kung sino dyan. Anyway, itong mga pagkain, i-uwi niyo na lang kesa masayang. Hindi ko kayang ubusin ‘yan lahat.” “Ayon! Salamat po, Ma'am Thisa! Magka-as

