Seven to eight years ago
"I can't take this anymore, I'm breaking up with you."
Chase glanced at his phone to read Tanya's message. His eyebrows furrowed before deleting the message. What is going on with her? He wasn't even aware that they were an item. They were seeing each other, sure. And making out occasionally. But they're not really dating. He shook his head before walking towards his friends inside the basketball court. Malapit na mag-start ang season at dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo na ang practice nila.
And he's got two long quizzes to review for the weekend. There are more pressing matters than a girl who he's not dating, decides to break up with him.
He knew he was being an ass. He should've told her what the real score was. Pero ang akala naman niya kasi ay cool lang si Tanya. It turns out, wala rin pala itong ipinagkaiba sa mga babaeng umasa rin na kaya niya itong bigyan ng label. It isn't his fault he's not ready for what they are offering.
He shook his head as he casually walked towards his team mates. His best friend, Sebastian, AKA the most perfect guy in the world (No homo), passed him the ball he's been dribbling ever since he walked in from the back door of the court.
"Dumating ka pa." puna nito. Masama ang tingin nito sa kanya. He called him many times this morning just to remind him kung anong oras ang practice. May inaasikaso kasi siyang importante sa bahay. He just grinned at him unapologetically. Ito naman ang napailing at nagsimula na itong gawin ang usual na warm up nito. "Late ka na naman."
"Pansin ko nga," sarkastikong sambit niya bago lumapit dito upang diinan ang likod nito.
"Kakatawa yon?"
He made a face at him.
"Saan ka na naman galing? Galit si coach dahil pangalawang late mo na ngayong buwan." sabi ni James, isa rin sa pinakamalalapit niyang kaibigan dito sa eskwela. Kasalukuyan itong nagsusuot ng sapatos nitong pang-basketball.
Nagkibit balikat lamang siya. Hindi na dapat pa malaman ng mga kaibigan niya ang dahilan kung bakit siya madalas ma-late nitong mga nakaraang araw. Kahit pa si Seb na kinokonsidera niya bilang best friend, kapitbahay at kaklase niya simula pa high school. It's none of their business, anyway.
"Ikaw naman, para kang bago nang bago kay Chase!" his other team mate, Red, jumped in. "Syempre nambabae muna yan bago pumunta dito. Ibang bola muna ang nilaro."
Hinagis niya dito ang bolang ipinasa ni Seb kanina. "Tarantado!"
Nagtawanan sila.
"Hey, I heard you're dating that varsity from the volleyball team. What's her name? Kayla? Layla? Tanya?" Red asked. Umakbay ito sa kakambal nitong si Blue who rudely shrugged his arm off. Kahit pa kambal ang dalawa ay hindi na nagkasundo ito. They are as different as day and night. The resemblance stops with their looks. Sa court lamang ata sila nagkakaintindihan dahil ang galing nilang dalawa sa pagpapakiramdaman. Hayop kung magpasahan ng bola ang dalawa.
"We're not dating."
"They're not dating." magkapanabay na sagot nila ni Seb.
"Bakit ikaw ang sumasagot, Seb?" tudyo ni Red sa kanila. "Is it because," tumuro ito sa kanilang dalawa. "kayo talaga ang nagdi-date?"
Napuno ng kantyawan ang court. Nakikinig din pala sa usapan nila ang ibang ka-team mates niya.
He playfully wrapped his arm around his best friend. "May problema ba kung kami talaga?"
Umakma si Seb na hahalikan siya. "Let them talk, babe."
Lalong lumakas ang hiyawan. Naputol lang ang asaran nila nang pumasok ng locker room si Reed, ang captain ball nila. He told them to fix themselves dahil magsisimula na ang practice.
Mabilis na nagbihis si Chase. Habang nagsusuot siya ng sapatos ay nilapitan siya ni Seb.
"Hinahanap ka sa'kin ni Tanya kanina. She looked pissed. Ano bang ginawa mo dun?"
"Apparently, she's telling everyone that we're dating." he answered while tying his shoes. "But now, she sent me a message telling me that we're breaking up."
Seb shook his head. "Itigil mo na nga yang kabalbalan mo, Che. You're always leading women on."
"I'm not leading them on. Sila ang basta basta na lang nag-aassume na may label kami. Just because we're hanging out and making out every weekend doesn't mean we're dating. It's a casual thing, don't they get it?"
"Una sa lahat, bastos ka." binatukan siya nito. "Pangalawa, dapat nililinaw mo kasi sa kanila. Para kang walang nanay. Stop disrespecting women."
Hindi na lamang siya nagkumento sa huling sinabi nito. Basta na lang niya ito niyayang lumapit na sa mga ka-team nila. Seb wouldn't understand, anyway. He has the perfect family, until his mom died. But even so, his dad adored the living s**t out of his best friend. He is well provided for. Seb wouldn't understand his family situation dahil kagaya nito ay perpekto rin ang pamilya nito.
Nang matapos ang practice nila ay tumambay muna sila saglit sa locker room.
"Nga pala, dumalaw muna tayo kay Tita Helga. May sakit daw sabi ni ate Atasha eh." banggit ni Seb sa pinsan nito.
"Pass muna, pre, may aasikasuhin lang ako." sabi niya habang nagpapatuyo ng buhok niya.
"Una sa lahat, twalya ko yan." Seb pointed out. "Pangalawa—"
"Will you stop it with that, una sa lahat, eme eme eme, pangalwa, chorvanes eklavu, s**t? Mukha kang tanga eh." I threw him his towel. Hinablot iyon ni Seb mula sa ulo nito at tinitigan siya nang masama. "May gagawin nga akong importante."
Sinandalan ni James ang locker niya para hindi niya makuha ang bag niya mula roon. "Ano na namang importante ang gagawin mo? Makikipaglandian ka na naman sa mga babae mo?"
"Ano naman sa'yo? Selos ka?"
"Hoy, Chase!" Hinampas ni Seb ang twalya nito sa braso niya. "Baka nakakalimutan mo kung ilang subjects ang naipasa mo dahil sa pagtu-tutor ni Ate Atasha sa'yo at kung ilang meryenda ang nilantakan mo na ginawa ni Tita Helga? Saglit lang naman tayo. H'wag ka ngang mainarte d'yan!"
"Seb's right. May lakad din kami ni Mommy mamaya kaya hindi rin ako magtatagal."
He rolled his eyes at his friends. "Fine!" he said. "Pero mauna na kayo dahil importante talaga ang gagawin ko."
Magpoprotesta pa sana ang dalawa ngunit hinagis niya ang susi ng kotse niya kay Seb. "Take my car, para siguradong sisipot ako. Masyado kayong paranoid."
Group Chat messages
Hunger Games
Saturday 5:36 pm
Perfect Human Being (Seb): Hoy @Fuckboy ng Marketing Department namoka! Asan ka nang leche ka!
Tokis ka gago!!!!
Fuckboy ng Marketing Department: Alisin mo nga yang mukha ko sa group photo gago ka James
Richkid: Ayaw!
Cutie mo jan eh.
Mukha kang tanga
Asan ka na?
Wag mo ibahin usapan
Gagalit na si Ate Tash
Fuckboy ng Marketing Department: Pakyu ka! Sagad!
papaunta na
Perfect Human Being: Papunta mo muka mo! Susunugin ko 'tong kotse mo!
Fuckboy ng Marketing Department: Sunugin mo muka mo
Ano sasakyan ko?
Hoy naliligaw ako
Hoy
Seen
Inanyo!
5:52 pm
Richkid: Seb bili daw tayo patis
Perfect Human Being: Oks
Fuckboy ng Marketing Department: Naliligaw ako pota!
Seen
Fuckboy ng Marketing Department: Parang tanga ayaw sumagot!
Perfect Human Being: Daanan ka na lang namin
Fuckboy ng Marketing Department: Bilis
Baka may nangri-rape ng pogi dito
Seen
8:42 pm
Perfect Human Being: Chase, tigilan mo daw si Ate Ree sabi ni Ate Tash
Seen
Perfect Human Being: Hoy gagi nagagalit si Ate Tash!
Seen
Perfect Human Being: Chase!
Seen
Perfect Human Being: Leche ka! Gago!
Seen