ATBT-3

1423 Words
"What I'm saying is, you should try to date sometimes." Reagan gave her friend Atasha a pointed look. They are trying to make some arrozcaldo for her mother who's down with the flu. "Hindi naman porket sinabi ko na yung perfect guy ang gusto ko para sa'yo eh hihintayin mo na lang na lumapit siya. Ang perfect guy ay hindi hinihintay, inaagaw. Charot!" Muntik niya itong pukpukin ng sandok sa sinabi nito. Kaibigan niya si Atasha from nursing school. They met each other from freshman year and they clicked instantly. Ang problema lamang dito ay masyado nitong pinakikialaman ang non-existent love life niya kung minsan. Her best friend made it her personal mission to introduce her to the perfect guy. She said that she didn't deserve someone short of perfect. Kasi nga sobrang ganda at talino daw niya. Dapat daw sa kanya ay kagaya niya, sobrang gwapo at sobrang talino rin. But dating isn't Reagan's scene. She's too busy working hard. And proving herself. Lalo na sa pamilya niya. She's the eldest daughter in an asian household. It's safe to say na lahat uunahin niya except sa sarili niyang interes. Kaya naman naka-graduate na siya't lahat, NBSB pa rin siya. Hindi iyon dahil sa perfectionist siya, like everyone seems to believe, she just doesn't have the time. "Cmon, don't space out on me!" inambahan siya ng ladle ni Atasha. "Tikman mo nga kung okay na iyan? Asan na ba kasi yung mga lalaking iyon? Inutusan ko lang bumili ng patis, hindi pa rin bumabalik!" tukoy ng best friend niya sa pinsan nito at kaibigang si James. Those guys are so sweet in Reagan's opinion. Mga graduating students na ito sa university na dating pinapasukan nila ni Atasha. Mga varsity rin sila sa basketball team and they made an effort na bisitahin ang may sakit nilang tita. "Medyo matabang pa." sagot niya matapos tikman ang niluluto. "Leche mga gunggong na yon! Ang tagal tagal!" kinuha ni Atasha ang cellphone nitong nakapatong sa ibabaw ng ref. Nagpipindot ito roon bago bago ni-loud speaker at ibinalik ulit sa ref. Mga tatlong ring bago may sumagot sa kabilang linya. "What, Ate? I'm driving." it was Seb, Atasha's cousin. "Asan na yung pinabibili kong patis?" "Wait lang, ito na," Seb answered. "May dala rin kaming amoy patis!" Tumawa si Atasha nang may marinig na nagmumura sa kabilang linya. "Hi, Chase! Bakit late ka na naman?" "Ganun talaga pag pogi, Ate!" narinig nilang sagot nito sa kabilang linya. Natawa silang pareho ng best friend niya. Nagpaalam na ang mga ito dahil nasa malapit na daw sila. Narinig na lang nilang may bumusina sa labas kaya lumabas si Atasha para pagbuksan ang mga ito ng gate. Nagpahuli si Reagan dahil hininaan muna niya ang apoy sa niluluto nila. When she went out nakita niyang nakayakap si Atasha sa isang matangkad na lalaki. "Hindi ka naman amoy patis pero amoy alak ka! What the hell?" sinabayan iyon ng hampas sa braso ni Atasha. "Ang aga aga, Chase!" "Hindi ako uminom! Napaupo lang ako ng mga tambay sa may kanto sa'min!" depensa naman ng lalaki. His gaze landed on her. Nakita niya kung paano kumislap ang mga singkit na mata nito. Kusang namilipit ang mga daliri ni Reagan. It's not that she's not used to men staring at her. He's just looking at her too intensely. Suddenly, his smile widened. "Hi, ang ganda mo po. Bagay tayo." She couldn't help but chuckle at his audacity. Muli ay nakatikim ito ng hampas sa braso mula sa best friend niya. "Shut up, Chase! Off limits yan!" "Aw! Why?!" hinimas himas nito ng brasong nasaktan. "May boyfriend ka ba, miss? Let me know, para alam ko sino aagawan ko ng girlfriend." "Chase!" Abala pa si Atasha sa pagpingot sa tainga ng bagong dating nang makababa sa kotse sina James at Seb. Bitbit na ng huli ang pinabili nilang patis. "Ito na ang mahiwagang patis, Ate Tash! Nagdala na rin kami ng snacks! Tuloy ang lugaw party natin!" "Let's go inside," hinawakan siya sa braso ng best friend niya saka siya hinila pabalik sa loob ng bahay. "Seb, ikadena mo nga yang si Chase, nilalandi si Reagan, baka bayagan ko yan!" "Grabe ka sa'kin, teh! Pano kami magkaka-baby ng friend mo kung babayagan mo ako!" "Napakabastos talaga ng dila neto!" inambahan muli nito si Chase. "Seb! Yang best friend mo! Babanlian ko ng kumukulong arrozcaldo yan!" bumaling sa akin si Atasha. "Don't mind him. Malandi talaga yan. He's my cousin's best friend, so even if I want to get rid of him, I can't. Para ko na rin siyang pinsan." She smiled politely. "It's okay, ano ka ba? I think he's harmless naman." "You'd think!" tumirik ang mata nito. Ikinuwento nito sa kanya kung gaano ka-notorious si Chase pagdating sa pambababae. Sinabi nito na kailanman ay wala itong siniryosong relasyon. Sa edad nitong beinte ay dini-deny nitong nagkaroon na ito ng girlfriend. A series of flings, yes. A girlfriend? Never. Matapos nila dalhan ng pagkain ang mama ni Atasha ay tumambay silang lima sa sala at nagdesisyon na manood ng Netflix habang kumakain ng lugaw. Pagkatapos ng lugaw ay naglabas ng inumin at chichirya sila Seb at James. They were laughing at a TV series scene when Chase moved to occupy Atasha's seat. Tumayo lang ang best friend niya upang tumungo sa banyo. His two friends were still busy bantering about the show's character when he pushed a bowl of popcorn towards her. "Uhm.." "Mas gusto mo ba yung cheese flavored?" he started reaching out for the other bowl when she took the one with sour cream from him. He smiled at her. "I know you must have heard a lot of awful things about me. Nakita ko yung intense bulungan n'yo ni Ate Tash kanina." Bahagyang namula ang pisngi ni Reagan sa sinabi ni Chase. Hindi siya nahihiya rito. Nahihiya siya sa kaibigan niya na kung anu ano ang pinagsasabi tungkol sa binata. "I'm sorry, you have to hear that." she twiddled with her thumbs. "Ano..masyado lang overprotective si Atasha sa akin." "I can see that," he said. Iniharap nito nang bahagya ang katawan sa kanya. Para bang pinapakita nito na nasa kanya lamang ang atensyon nito. "I just couldn't figure out why." Nakagat niya ang labi niya. His eyes are focused on her, trying to read her mind. He's too intense. Hindi maiwasan ni Reagan na mapakislot sa upuan niya. "You're an adult already, you can entertain anyone you want." Hindi siya nakakibo. Ano bang sinasabi nito? "Ayaw mo ba sa'kin?" Napatingin lamang siya dito habang nanlalaki ang mata. Really, the audacity of him astounds her. "I can understand if you don't," he smirked. "After all that you heard about me. Hindi ko naman idedeny lahat ng iyon. I have no intention in proving the rumors wrong. If anything, they are all true. I don't even believe in love, Reagan. But I like you." Lalong nanlaki ang mata niya. She couldn't even speak. He's too forward. "And nothing will stop me from pursuing you." Akala mo naman talaga ay pumayag na siyang magpa-pursue dito. Ang bata pa nito kung anu ano nang sinasabi! "I'm three years older than you." "I know. Mahilig ako sa mga mature women." he said it with a wink. "Pahingi ako ng number mo." Again, the audacity. Wala atang makakapantay sa confidence nito. Or more like, kapal ng mukha! It was kind of refreshing. Guys usually shy away from her dahil nakakatakot daw siya. Mukha daw siyang mambabara at magsusuplada. It isn't always true but Reagan can't deny the times when she literally told someone off just because he's trying to hit on her. She wondered why she couldn't do the same to Chase. He's a walking red flag after all. But at that time, Reagan felt like a bull who's seeing red. Dumating din ang best friend niya after ilang minuto kaya naputol na ang usapan nila ni Chase. Pinalayas ito ni Atasha mula sa tabi niya at pinagalitan. Parang walang anuman na tinanggap lang nito ang mga paratang ng kaibigan niya. Kagaya nga ng sabi nito kanina, wala itong intensyon na tutulan ang mga chismis tungkol dito dahil totoo naman nga. Dapat ay ma-turn off na siya sa mga sinasabi nito. But she couldn't help but steal glances at him while watching the show. Ang nakakatawa pa doon. He was staring at her all the time. Minsan ay kinikindatan pa siya nito. She can't believe she was attracted to someone likw him. Someone who's even younger than her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD