Shanine Nagpaalam ako kina Mommy at Daddy na sa sariling bahay ko muna ako uuwi. Tinatanong nila ako tungkol kay Heath at sinagot ko naman sila kung ano talaga ang tunay na namamagitan sa amin. Noong una nagalit si Daddy pero kalaunan wala narin siyang nagawa. I know na disappointment ko sila pero ramdam ko pa rin ang pagsuporta at pagmamahal nila sa akin. "Good afternoon hija. Kumain kana." Alok ni manang sa akin. "Thank you. Napasarap ang tulog ko at tanghali na pala." Pag-upo ko sa mesa naalala ko na dito pala si Heath umuwi kagabi. "A-Ahh, manang nakita mo ba si Heath? Paggising ko wala na siya." Nahihiyang tanong ko kay manang. "Oo... May meeting daw siya ngayon kaya maaga siyang umalis." "Ganon ba. S-Sige salamat." "Ma'am doon na ako sa kusina. Tawagin mo nalang ako pagmaykai

