SHANINE Hindi ako umiiwas bagkus umupo kami sa mesa kung saan nakaupo sina Brianna at Adam kasama ang kanilang partner. I feel pity for Natasha dahil nakikita ko ang lungkot sa kanyang mata. Hindi ko naman masisi si Adam kung hindi maganda ang trato niya kay Natasha. "Bestfriend mabuti naman at pumunta ka. Magtatampo ako sayo." Nakangiting saad ng bestfriend ko habang si Adam ay nakatitig lang sa akin. Nagulat nalang ako ng hinahawakan ako sa kamay ni Heath. Nakita ko ang pagtaas baba ng Adam apple ni Adam. "Love, you want some juice? Ikukuha kita." Boluntaryong saad sa akin ni Heath. "Ikaw ang bahala. Kunti lang ah." Nagkukuwentohan lang kami ni Brianna hanggang nakabalik na si Heath. "Love, ito na oh. Kinuha na rin kita ng pasta." Hindi na kasi kami nakaabot sa simbahan kaya dit

