"Ang gago mo kasi, bro. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak mo at pinaso mo ang sarili mo." Inis na bulyaw ni Hunter sa kakambal.
"Nagsalita ang hindi nagpakagago dahil sa pag-ibig. E, ikaw nga nagsuot ng anting para lang gayumahin si Nene." Tawang-tawa na saad ni Heath sa kapatid.
"Gago, e kayo nga ang may pa kana ng kalokohan na iyon."
"Nagpauto ka naman." Hagalpak ang tawa ni Heath na sobrang kinaiinis ni Hunter.
"Tama na iyan pareho lang kayo uto-uto sa pag-ibig," saway ni Razel sa magkakambal.
Napalingon ang dalawa kay Razel at sabay hinagis ang unan sa binata.
"Ikaw nga din ang pasimuno," saad ni Hunter sa kaibigan.
"At least kahit nagmukhang gago at ingot nakuha mo naman si Nene mo. endanger species na kaya ang mga tulad niya," saad nito sabay pasipol-sipol habang nakatingala sa kisame.
"Walang hiya ka, Montreal. Ginawa mo pang hayop ang nobya ko." Nakasimangot na saad ni Hunter kay Razel.
"Totoo naman ah. Isang salita mo palang sa kanya sampo na. Nagdadahilan ka palang habang siya bistado niya na. Oh di ba bihira ang mga tulad niyang babae. Ngayon ang mga babae okay lang magpakatanga basta may pera pero ang mga tulad nila nina Nene at Shanine ay dapat hindi binibitawan. Kaya mga bro ituloy niyo lang ang pagiging abnoy niyo." Hagalpak na saad ni Razel sa dalawa na kinakunot ng noo nila.
"Abah, nakakarami kana, Montreal. Ano naman ang abnoy? Hindi ko alam Alien ka pala."
"Si Nene nagturo sa akin niyan. Abnoy it means baliw." Nakangising saad ni Razel kay Hunter.
"Tama na nga 'yan. Ilabas niyo na ako dito." Paki-usap ni Heath.
"Seriously, I'm happy for you, bro. Ngayon lang kita nakitang masaya muli. Ibang-iba sa mga babae mo araw-araw. Kung si Shanine ang babaeng muling magpapasigla sa buhay mo, hindi na ako mangingialam. And I know ganun din sina Daddy at Mommy."
"Ako din mga, kambal. By the way, nandito ako para ibigay ang adobo na 'to. Busy ako sa trabaho pero dahil love na love ko kayong dalawa, pumuslit ako para sa 'nyo." Nakangiting saad ni Sky. Ang kapatid nilang babae.
"Hi, Ate Sky. Ang ganda mo talaga." Masayang saad ni Razel. Hihirit pa sana ang binata ngunit hinila na ito ni Hunter papalayo sa kapatid nila.
"Dito ka sa amin. Maghanap ka ng ibang babaeng lolokohin, Montreal. Huwag ang kapatid namin."
"Grabe kayo sa akin. Gwapo naman ako at may ginintuang puso." Pakisap-kisap pa ito ng mata habang nagpapa-cute sa dalaga.
"Asus! Sa ginintuang puso puwede pa ako sumang-ayon, pero ang guwapo mukhang may mali ." Hirit pa ni Heath sa kaibigan.
"Tama na nga iyan. Pareho kayong tatlo na guwapo. Kumain na kayo." Anyaya ni Sky habang inaayos ang dalang pagkain.
"Ang bango. Mukhang mapaparami ako ng kain. Kagabi pa ako gutom dahil sa kakabantay sa pintuan nila." Reklamo ni Heath habang inaabot ang paper plate.
Mabilis na kumuha ang dalawa ng paper plate at kumuha ng kanin at adobo. " Ang sarap naman nito. Swak ang anghang niya."
"Tama ka Heath. Ang sarap talaga. Ang dami ko na nakainan na restuarant pero ito ang pinakada-best na adobo." Sarap na sarap na saad ni Razel habang dumudukot ng karne.
"Me too. Nakatatlong sandok na ako ng kanin. Pero mas masarap parin ang adobo ng aking nobya." Bidang saad naman ni Hunter.
"Sky, saan mo ba binili ito para makabili din ako. Gusto ko ipatikim ito kay Mama at Kuya Gabriel." Seryosong saad naman ni Razel. Simot na simot nilang tatlo ang kanin at ulam.
Napangisi si Sky at nag-beautiful eyes pa ito sa tatlo. Bigla naman nagkatinginan ang tatlong lalaki.
"Heath, Hunter, I think may mali sa kapatid niyo. Ngisi palang parang ayaw ko na alamin." Kinakabahang saad ni Razel.
"S-Saan mo ba ito binili, Ate Sky?" Nauutal na saad ni Hunter. Nakuha niya agad ang ibig sabihin ng kaibigan. At nagdadasal siya sa isip niya na sana mali sila ng iniisip.
"Doon sa restaurant ni Mang Doming. Ang sikat na restaurant malapit sa pinapasukan ko. I think ang name noon ay Mahiwagang Food Resto." Biglang naduwal si Razel sa sinabi ni Sky at ganoon din ang dalawa.
"Walang hiya. Hindi ba't exotic foods lahat ng luto nila?" Naluluhang saad ni Heath.
"I'm sorry mga kapatid ko, pero si Mommy ang nag-utos na bilhan kita ng ahas na adobo para bumalik ang lakas mo. Pasensiya na kayo dahil sinusunod ko lang ang utos ni Kumander." Nakangising saad ni Sky sabay beautiful eyes.
Halos hindi magkasya si Hunter at Razel sa pintuan ng bathroom habang si Heath ay sa plastik na sumuka.
Pagkalabas ng dalawa parang mga sinapian ang mga itsura nito. "I think kailangan ko na rin magpa-admit. Wala na akong masusuka pero feelings ko may lalabas pa." Saad ni Hunter na nanlalagkit sa pawis.
"Ang isipin niyo nalang masarap naman di ba?"
"Oo nga sis. Walang kasing sarap. Walang hiya ka talaga." Inis na inis si Heath sa pang- aasar ng kapatid. Para gusto niya nalang sunugin ang sarili kaysa kumain ng adobong ahas.
"Since nandito na kayo. Babalik na ako sa kompanya. f**k, parang may sumasa bit parin sa lalamunan ko." Pailing-iling na saad ni Hunter habang palabas ng pinto.
"Heath, hindi na rin ako magtatagal dahil may trabaho pa ako. Ingat at iwasan ang pagiging babaero mo."
"Masusunod Mommy. Grabe ka dinaig mo pa si Mommy kung umasta."
Pagkaalis ng dalawa nagmaktol si Razel dahil siya na naman ang naiwan.
"f**k. Lagi ka nalang iniiwan sa akin. Daig ko pa ang baby sitter."
" 'di lumayas ka kung ayaw mo ako makasama."
"Wala naman akong choice." Napakamot sa ulo si Razel dahil sa magkambal na Geller. Marami silang magkakaibigan pero sila talaga ang solid sa lahat.
"Saan tayo ngayon? Ihahatid ba kita sa bahay mo o doon sa pagawaan ng armas mo?"
"Sige, doon mo na ako ihatid sa factory ko. May shipment last day. Iwan ko kung natuloy dahil wala akong cellphone simula naaksidente kami."
"Hindi ka pa ba nadala bro sa nangyari sa past life mo? Kailan ka pa titigil sa mga illegal activities mo. Marami naman legal na negosyo. Look at your twins matagumpay at mapera naman kahit hindi gumagawa ng masama."
"Bro, I know concern ka lang sa akin. Mabilis ang pasok ng pera sa negosyo na ito. At isa pa dito ako magaling."
"Basta umaasa parin ako na balang araw maisipan mong tumigil sa negosyo na iyan."
"Thank you, bro. Naniniwala talaga ako na magiging santos ka ng mga magkakaibigan dahil pinakada-best ka sa lahat."
"Hayop ka Geller ang seryoso ko tapos puro ka kalokohan. Nahawa ka na doon sa future sister inlaw mo."
Puro tawanan sila sa loob ng sasakyan nang biglang may humarang na sasakyang pula sa harapan nila. Agad sila bumaba. Isang babaeng hot at sexy ang lumabas.
"Fuck... Ikaw na naman Shanine? Alam mo ba sa ginawa mo, muntikan kami maghalikan ni Razel sa loob."
Ngumisi lang si Shanine sabay hagis ng susi kay Heath. "Nakita ko kayo kaya sinundan ko nalang kayo. Gusto ko lang ibigay 'to sa'yo. Kunin mo nalang ang bagong sasakyan mo sa binilhan ko. Nakasulat diyan ang address. Bye, fuckboys." Kumindat ito sa dalawa sabay taas ng gitnang daliri at saka pinaharorot ang sport car niya.
"Abah, tinawag tayong f**k boys e dalawa palang naman ang girlfriend ko." Pagmamaktol ni Razel.
"Dalawa na ba? Akala ko kalahati palang ang isa?"
"Gago, ganoon narin ang total niyan. Aangal ka pa e nadamay nga ako."
"I like her. Okay lang tawagin niya akong gago, fuckboy o kung ano-ano pa. Basta ay ako kinikilig," saad ni Heath sabay beautiful eyes.
"Walang hiya ka may pa beautiful eyes ka pa. Kinikilig kana sa lagay na iyan? Sa utak ka yata pinana ni kupido dahil malapit kana maging abnormal."
"Tara na nga. Gago ka talaga, Montreal. Ang dami mo ng kasalanan sa akin."
Hindi napawi ang ngiti sa labi ni Heath habang nagbibihaye sila. Samantala si Razel panay krus ito dahil sa kinikilos ni Heath.