"Fuck... What do you want?" Galit na tanong ni Adam kay Heath.
"I'm sorry, I need your help. Napaso ako habang nagluluto sa baba. Sabi ko kasi sigurado magugutom kayo tapos niyo mag-ano, 'yong ano!" Boses babae na saad ni Heath.
"What? Ano ang 'yong ano?" Kunot-noo na tanong ulit ni Adam kay Heath na naguguluhan din sa tanong niya.
"Ano ba iyan? Ano ba ginawa mo, Hanna?" Tanong naman ni Shanine. Halata sa boses ng dalaga na inis 'to. Nang makita naman ni Heath na magulo ang buhok ni Shanine biglang napayukom s'ya ng kamao. Bumaba ang tingin niya sa pang-ibabang suot ng dalaga, nang makitang maayos at nakatali pa ang short nito, bigla siyang nakahinga ng maluwag.
"Pasensiya na kayo, napaso ang kamay ko. Gusto ko sana pumunta sa hospital kaso wala naman akong sasakyan."
" Bullshit... You're such a f*****g idiot. Ang dali magluto. How come napaso ka?" Namumulang sigaw ni Adam. Masakit ang puson nito dahil mukhang mabibitin pa s'ya.
"May I see?" Lumabas si Shanine at tiningnan ang kamay ni Heath. Halos buong braso nito ay namumula dahil sa paso. Para na itong manok na ni letchon."
"Babe, dalhin na natin s'ya sa hospital."
"Dalhin mo s'ya. Uuwi na ako. Pumunta lang ako dito dahil gusto kita makasama. Maaga ang flight ko papuntang Hongkong para sa meetings ko."
Sobrang natutuwa si Heath sa loob-loob niya. Kahit masakit ang pagkapaso n'ya ay tiniis niya para lang maawat ang dalawa.
"Next time kung gusto mo magkaayos tayo, huwag kang magdala ng mga pangit at mukhang tikbalang." Dismayadong saad ni Adam habang masakit niyang tinaponan ng tingin si Heath.
"Let's go." Tahimik lang nagmamaneho si Shanine at hindi rin umimik si Heath.
Pagdating sa hospital agad sila dumiretso sa emergency room para bigyan ng unang lunas ang braso ng binata.
"Ma'am, kaano-ano niyo po ang pasyente?"
"We're not related. Magkasama lang kami dahil sa aksidente."
"As in, not friends?" Tanong ulit ng nurse sa kanya na kinabweset niya.
"Miss sabi ko nga hindi kami magkaibigan at hindi ko rin siya kaano-ano. "
"I'm sorry, ma'am. Sa ngayon hindi pa siya puwede i-uwi. Pumirma nalang po kayo dito para mailipat na siya sa silid niya," saad ng nurse sa dalaga. Inabot naman ng dalaga ang ballpen at pinirmahan.
Pagdating sa loob ng silid agad niya tinanong ang binata kung sino ang puwedeng pumalit sa kanya.
"Here's my phone. Tawagan mo ang puwede magbantay sa'yo. I need to go dahil may aayusin pa ako bukas. Tungkol naman sa daddy at kotse mo, gagawan ko nalang ng paraan."
Hindi na sumagot si Heath dahil ang importante sa kanya ay naudlot ang lovemaking ng dalawang magkasintahan. Tinawagan ni Heath si Razel dahil alam niya na hindi siya aayawan ng matalik na kaibigan.
5 am in the morning ng dumating ang binata. Mukhang kagigising lang ito basi sa itsura ng binata.
"Fuck... S-Sino ka?" Palipat-lipat amg tingin ni Razel sa dalawa. Agad ito humingi ng pasensiya dahil ang buong akala niya ay nagkamali siya ng pinasukan. Pagkatapos mabilus na lumabas.
"Bro, ako 'to," mahinang saad ni Heath sa kaibigan. Hindi siya nakilala nito dahil sa suot at make up niya. Maya-maya pa ay bumukas ulit ang pinto.
Pumasok ulit si Razel na pakamot-kamot ng ulo. Naguguluhan s'ya dahil tama naman ang numero na pinasukan niya na pinto pero bakit hindi n'ya kilala ang mga tao.
"P-Puwede po ba magtanong? Kasi ho hinahanap ko ang room ng kaibigan ko at ito ang numero na binigay ng nurse." Nauutal na tanong ni Razel.
"Putang-ina, Montereal. Hindi mo ako nakikilala? It's me, your friend." Inis na saad ni Heath sa binata.
"Damn! What happen to you? B-Bakit ganyan ang mukha mo. Patingin ng tattoo mo sa puwet kung ikaw ba iyan? "
"Gago, ako nga 'to. Mahabang kuwento," saad ng binata sabay nguso sa dalaga na nakahiga sa sofa. Agad naman lumingon si Razel at napatitig sa magandang babae na nakahiga sa sofa. Kahit natakpan ng kalahating buhok nito ang kanyang mukha maaninag parin ang ganda nito.
"Bro, who is she?"
"Siya talaga ang una mong tinanong? Hindi mo ba ako tatanungin kung ano ang mga pinagdaanan ko nakasama ko 'yan. Alam mo ba muntikan ko na makita si San Pedro dahil sa kanya."
"Gago, baka si kamatayan. Ang dami mong minus 15 sa langit dahil sa mga babaeng niloko mo." Lingid sa kaalaman ng dalawa na gising ang dalaga at malaya silang pinapakinggan.
"Actually, ang ganda n'ya, bro. Who is she? Mine ko nalang s'ya puwede?"
"Gusto mo, sunugin ko din ang braso mo?" Napakunot ang noo ni Razel nang napagtantanto kung napaano ang braso ni Heath. Alam n'yang may ginawa na naman 'tong kalokohan.
"Wait lang, bro. Gusto ko lang s'ya titigan ng malapitan." Agad lumapit si Razel sa dalaga. Yumuko 'to at sinilip ang buong mukha ng dalaga. Ngunit nagulat siya nang biglang may malamig na bagay ang dumampi sa balat n'ya.
"Umalis ka sa harapan ko kung ayaw mo gripohan kita, " saad ni Shanine. Para kay Razel ang boses ni Shanine ay parang sonata na ang sarap pakinggan. Ngunit napawi lahat ng himahinasyon niya ng biglang dumiin ang bagay na nakatusok sa tagiliran niya. Ibinababa niya ang tingin sa tagiliran niya at napaatras siya nang makita ang maliit na kutsilyo.
"I'm sorry. By the way, ako pala si Razel kaibigan ni Heath."
"Hindi nakakapagtaka dahil pareho kayong asshole at idiot."
"Damn. S'ya lang 'yon." Napailing si Razel sa tapang ng babae. Lumapit 'to kay Heath at pabulong na nagsalita.
"Bro, ayaw ko na s'ya mine. Sa'yo nalang siya. Masyadong matapang parang mangangagat lagi."
"Akin naman talaga s'ya."
"Huwag na kayo bumulong. Ayaw ko sa 'nyo pareho," sabay pakita ng maliit na voice recorder.
"Holy niya ako." Numumulang saad ni Heath.
"Gagp, tayo dalawa." Pabulong na sagot naman ni Razel kay Heath.
"Yes, tama kayong dalawa. I heard everything. Ang cellphone sa tabi mo ay naka on ang voice recorder. Next time na guluhin mo ako, hindi lang sunog sa braso ang aabutin mo."
"Langhiya, bro. Maghanap ka nalang ng iba. Problema aabutin natin d'yan tulad sa kakambal mo."
"Since, andito na ang kasama mo. Aalis na ako. Kokontakin ka nalang ng sekretarya ko para sa kotse mo," seryosong saad nito. Ngunit hindi pa 'to nakalabas ng pinto ng biglang bumalik ito at sinikmuraan ang dalaga.
"Alam mo ba kung hindi ka sana distorbo kanina, sigurado nag-uunahan na ngayon ang mga pulis, military, mafia, nurse, doctor, billionaire at agent sa finishing line," saad ng dalaga at tumalikod na.
"Bro, bakit hindi ako na-inform na may racing pala tayo?" Inosenteng tanong ni Razel.
"Kahit kailan bobo ka talaga, Montereal." Kahit masakit ang pagkasuntok ni Shanine hindi ininda ng binata dahil masaya s'ya na hindi nagtagumpay ang dalawa.