Maagang gumising si Andrea, para puntuhan niya sa hospital si dave. Kahit na halatang mugto ang kanyang mga mata sa kakaiyak. Kahit pagod na ang kanyang katawan dahil sa mga nangyayari sa kanya kahapon ay pinilit parin niyang kumilos. Paglabas niya sa kanyang kwarto ay sinalubong agad siya nang kanyang mommy na si mia. "anak, ok kalang ba" tanong agad nang kanyang mommy nang maka lapit na ito. "yes mom" sabay tango niya dito at pilit niyang ni ngitian ito. Sinipat sipat siya nang kanyang mommy nang makita nito ang kanyang ayos. "saan kaba pupunta" takang tanong nito. "sa hospital mom" walang gatol niyang sagot rito. "andrea, hindi ba pinag tabuyan kana nang mommy ni dave kahapon, kaya anak please huwag ka munang mag pakita doon, hintayin muna natin na maging ok ang lahat" pag makaa

