Sunod-sunod na putok ang maririnig na umalingawngaw sa loob nang husgado. Duguang bumagsak si joy o jane at parang wala na itong buhay na bumagsak, dahil binaril ito nang mga pulis. Samantalang isinugod naman nang hospital si dave na nawalan nang malay. Pagkarating nila sa hospital ay sinalubong agad sila nang mga doctor at nurses. Mabilis agad naman nitong inasikaso ang katawan nang binata. Habang nasa loob nang operating room ang katawan ni Dave ay hindi mapakali si andrea, lagi nitong sinisisi ang sarili nito habang panay iyak nang dalaga. "anak tama na sa kakaiyak please, mag dasal nalang tayo na sana maging tagumpay ang operation ni dave" alo ni mia rito kay andrea. "mom, ilang buhay pa ba ang madadamay dahil sa akin" hagulhul nito. "anak hindi mo kasalanan ang lahat, hindi natin

