Episode 55

1529 Words

"Ma, dalian niyo na po. Baka naiinip na si Papa sa paghihintay sa atin." Sabay tingin ng anak ko sa kanyang relong pambisig. Kasalukuyan ko na pa lamang na isinasara ang front door ng bahay dahil papunta na nga kami ngayon sa ospital kung nasaan si Yael. Hindi ko alam kung alam na ba niya ang nangyari sa amin sa pagitan ng bunso niyang kapatid. Kung sakaling hindi niya pa alam ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin na hindi siya magagalit sa kapatid niya. Ayoko na magkaroon sila ng hidwaang dalawa ng dahil sa amin ni Zandro. Gaya ng kung paano ko mahalin si Ynez ay ganun din ang hangad ko sa lahat ng mga magkakapatid. Ang magkasundo kahit magka-iba ang paniniwala. Magmahalan at irespeto ang bawat isa. Mabait na tao si Yael at alam kong mauunawaan niya kung bakit nagkakaganun si M

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD