Namatay nga siya. Buong akala ko ay hindi. Pero wala akong dapat na pagsisihan. Hindi ako nagsisisi na namatay siya dahil dapat lang naman sa isang demonyo na katulad niya ang kamatayan na naging hantungan niya. Kung hindi ko inilayo si Zandro ay baka kung anong ginawa niya sa anak ko. Baka pati ang anak ko ay makaranas ng kalupitan sa mga kamay niya. Napapikit ako ng maadiin ng maalala ang nakaraan. Sa lahat ng mga masasamang ala-ala na meron ako ay iyon ang ayaw na ayaw ko ng balikan pa kahit kailan. Hindi kami pwedeng manatili ni Zandro sa isang lugar dahil sa tuwing kukutuban ako ng masama ay agad na kaming nag-aalsa balutan at naghahanap na muli ng ibang matitirhan. Ganun ang daming buhay namin ng anak ko. Palipat-lipat at walang permanenteng tahanan. Sa akin lang si Zandro

