KABANATA XIX

784 Words
XIX| TRUST NO ONE The weird's pov "King, palagi mong tandaan na ang buhay ay isang laro, isang laro na kailangan mong ipanalo. lahat ng tao sa paligid mo ay ka-kumpetensya mo kaya naman huwag ka kaagad magtitiwala sa kanila, baka sila pa ang maging dahilan para matalo ka." Naalala ko pa noong sinabi sa akin yan ng lolo kong sundalo na kamakailan lamang ay namayapa na. Noon ay hindi ako naniniwala sa kanya pero ngayon, mukhang ‘yung mga katagang iiniwan niya sa akin ang dapat kong panghawakan sa laban ko para magpatuloy pa ako sa laro ng buhay. Totoo ‘yong sinabi ni lolo. Hindi dapat ako basta-basta nagtitiwala sa ibang tao dahil maaring sila pa ang maging dahilan ng pagkamatay ko. Lalo na ngayon na nasa isang gyera ako na hindi ko alam kung sino ang kalaban. Isang gyera na maaring buhay ko ang maging kapalit. Kaya naman tama ako sa naging desisyon kong mag-isa kaysa sumama sa kanilang lahat na nasa labas para hintayin ‘yong pagdating n’ung tatlong lumabas ng seminaryo para humingi ng tulong. Kahit na nasa labas na ‘yong isa sa pinaka-suspect ko na si kuya Rico ay hindi pa rin ako mapanatag para sa kaligatasan ng buhay ko, dahil unang-una, hindi lang naman si kuya Rico ang nasa listahan ko ng pwedeng pumatay. Katunayan ay tatlo silang nasa listahan ko. ‘yong dalawa na si Kurt at Christian ay kasama pa rin namin na naiwan dito sa loob. Mas mabuting lumayo ako sa kanilang dalawa kaysa ilagay ko sa bingit ng kamatayan ‘yong buhay ko. Halos dalawang oras na akong nandito sa kwarto ko. At halos dalawang oras na rin simula nang iwan ko sina Mario, Kurt, Arthur, Lucas, Markus at Christian sa tapat ng saradong gate. N’ung iniwan ko sila'y nag-aaway pa sila, ewan ko nga kung napansin nila ‘yong pag-alis ko, eh. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakaramdam ako ng pagkagutom at pagka-uhaw. Huli kaming kumain kaninang umaga pa, pagkatapos ng pitong oras ay wala na. Simula kasi noong makita namin ‘yong bangkay ni Koko sa Cr. Ay hindi na pumasok sa utak namin ‘yong kagutuman. Katunayan, nagluto si kuya Rico para sa tanghalian namin kanina pero wala ni isa sa amin ang nagtangkang kumain n’ung niluto niya. Sino ba naman kasing gugustuhing kumain sa luto ng isa sa mga pinaghihinalaan niyo, 'di ba? Ayokong malason nang wala sa oras. Ayoko pang matapos ang laro ng buhay. Mas gugustuhin ko pang magutom kaysa kumain n’ung niluto niya. Mahirap na! Pero ngayon, hindi na kaya ng sikmura ko. Gutom na talaga ako. At hahanap ako ng paraan upang mapunan ang kagutuman ko. Dahan-dahan kong binuksan ‘yong pintuan para sumilip sa labas. Natatakot kasi ako na baka may biglang bumulaga sa akin tapos saksakin na lang ako bigla. Mas gusto kong mamatay nang lumalaban kaysa mamatay sa ganong paraan. Nang makumpirma kong walang tao ay dahan-dahan akong lumabas ng kwarto ko. Habang dahan-dahan akong naglalakad papunta sa refectory ay napatigil ako. Nakarinig kasi ako ng mahinang ingay mula sa refectory na nag-eecho sa east wing kung nasaan ako ngayon. Parang may maliliit na padyak ng isang.. Tupa? Halos mapatalon ako sa kinalalagyan ko nang may sumulpot na anino sa harap ko. Tila may naglakad. Nakiramdam muna ako saglit bago ako nagpatuloy. “May tao ba diyan?” Tanong ko pa pero wala ni isa man ang sumagot. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Mayamaya pa ay may bumulaga sa harap kong isang anino. Hindi ako maaring magkamali. Iyon yung nagkalad sa harapan ko kanina. Nasa dulo ito ng east wing kung saan ako papunta ngayon. Pinilit kong aninagin ‘yong mukha niya pero hindi ko makita, nakapatay kasi ‘yong mga ilaw n’ung mga oras na iyon. Basta ang alam ko lang ay nakaitim siya tapos nakahawak ng.. Patalim? Bakit siya may hawak na patalim? S..siya ba ‘yong killer? Unti-unti akong napaatras sa kinalalagyan ko. Pero habang umaatras ako ay humahakbang rin palapit sa akin ‘yong taong nakaitim na may hawak na patalim. "S..sino ka? "Sabi ko habang paatras ng paatras. Hindi siya sumagot patuloy lang siya sa paglalakad palapit sa akin. "S..sino ka!" Pag-uulit ko kaso hindi pa rin siya sumasagot. "I..Ikaw ba ‘yong The 13th Seminarian?" Nanginig ako ng tumango siya. I..ibig sabihin siya nga.. I..Ibig sabihin katapusan ko na. Aatras pa sana ako pero hindi ko na nagawa, Nasa dulo na ako ng west wing. Na-corner na niya ako. H..hindi pwede ito! Habang palapit siya nang palapit sa akin ay unti-unti ko ring naaaninag ‘yong hitsura niya. Dun ko mapagtanto kung sino siya. Halos mapanganga pa ako ng makita ko kung sino ‘yong taong iyon. I..Ibig sabihin ay siya ‘yong pumapatay? Siya ‘yong the 13th Seminarian? Sisigaw pa lang sana ako kaso huli na ang lahat. Tapos na ang laro ng buhay ko. Tapos na ako
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD