XVIII|THE HINTS
The general beadle's pov
Ilang oras nang tumatakbo sa high-way ‘yong sinasakyan namin ni Fr. Adriano pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nakakarating sa dapat naming puntahan. Masyadong malayo ang Cathedral sa liblib na seminaryong pinanggalingan namin kanina.
Tahimik akong tumingin sa dinaraanan ng sasakyang minamaneho ni Padre. Kung kanina ay puro building ang nakikita ko, ngayon ay matatayog na puno na ang sumasalubong sa paningin ko. unti-unti na ring dumidilim ang paligid. Hudyat na wala na kami sa siyudad.
Teka, nasaan na nga ba kami? Parang kanina lang, kaharap ko pa ang mga kapatid kong seminarista pero ngayon ay parang anlayo-layo ko na sa kanila. Mas mabuti na rin siguro na iwan ko muna ang buhay ko sa seminaryo pansamantala nang sa gayon ay makalimutan ko ‘yong krimen na ginawa raw ni Paulo kahapon. Tsk! Naalala ko na naman ‘yong taong iyon, buti na lang talaga at nakaalis na siya ng seminaryo dahil kung hindi… Hindi talaga ako matatahimik.
"Ang lalim yata ng iniisip mo, Rjay?" Napatigil ako nang biglang magsalita si Padre. Nakatingin ito sa akin habang hinihintay ang kasagutan ko.
"Po? Wala po. Wala po akong iniisip." Pagsisinungaling ko. Umiwas ako ng tingin.
"Talaga lang ha? So, para saan ‘yong tatlong buntong hininga?" Tanong pa niya sa akin habang nakangisi. Napabuntong hininga uli ako. Wala nga yata talaga akong maililihim kay padre.
"Ah, iniisip ko lang po ‘yong mga kapatid kong iniwan natin sa seminaryo, kamusta na po kaya sila?" Sagot ko.
"Anong oras na ba?" Tumingin si Padre sa relos niya."Oh, it's 6:30 pm already, maybe they are now decorating the Seminary hall for tomorrow's Tertulia." Sagot ni Padre. Tumango ako, marahil tama si Padre kasi yun ang narinig kong ibinilin niya kanina bago kami umalis sa seminaryo kaninang 3:30 pm. Wait, ibig sabihin 3 hours na naming binabagtas ni Padre ang daan papuntang Cathedral? Antagal na rin pala.
Ilang minuto pa ay namayani uli ang nakakabinging katahimikan sa loob ng sasakyan kaya naman kahit nagdadalawang isip ako ay buong tapang kong tinanong ‘yong isang katanungan na matagal ko nang gustong itanong sa kanya.
Bumuntong hininga uli ako.
"Padre.." Panimula ko.
"Go ahead. Parang may gusto kang sabihin kanina pa." Mukhang nabasa ni Padre ‘yong utak ko.
"A..aware po ba kayo sa ginawa ni Rico noon sa seminaryo nang si Fr. Richard pa lamang ang Rector?" Tanong ko. Bahagyang bumagal ang pagpapatakbo niya ng sasakyan saka niya ako bahagyang nilingon.
"Rico? Are you pertaining to Rico Lopez? Your batchmate? " tanong ni padre. Tumango ako sa kanya.
"Yes of course, alam na alam ko. Why?" Tanong niya. Bumuntong hininga ako.
"K..kung ganoon po bakit pa rin po niyo siya tinanggap na magbalik-loob siya sa seminaryo?" Tanong ko. Nilingon niya ako muli ng bahagya saka ngumiti.
"Bakit naman hindi?" Sagot nito. napakunot ako ng noo.
"Pe..pero 'di ba po a..ano..—"
"Pero makasalanan siya? Is that what you want to hear from me?" Napalunok ako nang sunod-sunod sa sinabing ito ni Padre. Tumango ako at yumuko. "Hijo, hindi lahat ng pumapasok sa seminaryo ay perpekto, pero ang mahalaga, kinakalimutan nila ang mga sarili nila para magsakripisyo sa ngalan ni Kristo. Wag mong isipin na para lang sa mabubuting tao ang seminaryo."
"O..okay po, padre. Patawad po. Pero paano po pala kung may pumasok na isa sa mga seminarista na iba ang pakay?" Tanong ko nang nakangiti.
"Pakay na ano? Kagaya ng? would you mind to elab..-"
"Pumatay po, padre. Paano po kung balak niyang patayin lahat ng kasama niya sa loob?" Sagot ko. Kasabay ng paghinto niya ng pagpapatakbo ng sasakyan ‘yong biglang pananahimik niya. Tila hindi niya alam ang isasagot sa tanong ko. Teka, may mali ba sa tanong ko?
The chick magnet's pov
Naniniwala ka ba ang nakakakilala sa iyo ang siya ring papatay sa'yo?
Ako? Oo, naniniwala ako. Dahil tiyak ko na kakilala ko lang ang nakakaalam ng bawat galaw at kahinaan ko na pwede niyang gamitin para patayin ako. Nakakakilabot mang isipin pero ‘yan ang totoo. Kaya nakakatakot magkaroon ng maraming kaibigan, eh. Mas lumalaki kasi ‘yong porsyento na nasa panganib ang buhay natin.
N’ung pumasok ako dito sa seminaryo, akala ko magiging safe na ako sa ano mang pagbabanta sa buhay ko. Pero ngayon, mukhang nagkamali ako. Sa mga sunod-sunod na nangyari dito ay unti-unti na akong nilalamon ng takot. Takot para sa sarili ko. Takot para sa kaligtasan ko. Maari kasing isa lang sa amin ang pumapatay, hindi ko man kilala kung sino, pero alam kong hindi iyon si Paulo.
Maaring andito pa siya, nagtatago lang sa isang maskara, nagpapanggap na parang tupa, pero ang totoo, isa pala siyang lobong gala. Lobong gala na handang sumakmal sa leeg ng isang tupa. Naniniwala ako na lahat ng tao may tendency na maging killer, pinakatahimik man yan o pinakamabait, lahat pwedeng makapatay. Depende na lang sa kung ano ang pinagdadaanan, depende rin sa pinaghuhugutan.
Ayon sa nabasa ko dati, may nagiging killer dahil sa sila’y nasasaktan. May nagiging killer dahil sa inggit. May nagiging killer dahil sa galit. Kung ano man ang dahilan ng killer, maaring dahil iyon sa hindi pagkakaintindihan. Kaya kung iisa-isahin ko lahat ng mga kasama ko dito, lahat sila pwede kong pagbintangan.
Una sa listahan ko si kuya Rico.
Sa kanilang lahat, siya ‘yong pinaka-pinagsususpetsahan ko, kumbaga kung porsyento ang pag-uusapan, 100 percent ang rate niya. S'ya kasi ‘yong pinaka-huling nakasama ni Koko n’ung gabing nasa hall kami. Isang ebidensya iyon na siya nga ang pumatay. Isama mo pa ‘yong mga bad record nya dito sa seminaryo. Kung nagawa niya ‘yong mga bagay na ‘yun noon, hindi malayong kaya nya ring gawin ang pagpatay kay Koko ngayon.
Pangalawa, si Christian. Kung may isa man sa amin ang huling nakaaway ni Koko bago siya mamatay, si Christian iyon. Kilala si Christian bilang isang palatawa. Masiyahin siya pero nakakainis rin minsan. Lahat kasi ng bagay, dinadaan niya sa biro. Kagaya na lamang kagabi n’ung nasa hall kami, nag-sumbatan sila ni Koko sinuway siya nito na tumulong. Kung sa tutuusin, tama naman si Koko, eh. Imbes kasi na tumulong si Christian ay puro patawa lang ginagawa niya. Iniisip ko tuloy ngayon kung sapat bang ebidensya ‘yong pag-aaway nila kagabi para patayin ni Christian si Koko.
Pangatlo, si Arthur. Sa aming lahat, siya ang pinaka-close ni Koko, pero hindi rin ibig sabihin nito na hindi niya kayang patayin si Koko. Nakakapagtaka lang dahil hindi rin malinaw sa akin ‘yong alibi niya kanina n’ung tinanong siya ni Kurt kung paano niya nakita agad ‘yong bangkay ni Koko sa Cr. Ano yun? Instant? Marahil siya ‘yong pumatay kaya alam na alam nya kung saan niya nilagay ‘yong bangkay at kung ano agad ang irarason.
Pang-apat sa listahan ko ay si Kurt. Sa totoo lang, hindi ko masyadong nilalapitan si Kurt dahil medyo mahangin sya. Palagi kong naririnig sa mga kwento niya na magiging Santo raw siya pagdating ng araw pero hindi ko man lang makita ‘yun sa mga kilos niya. Parang lahat nga yata ng sinasabi niya ay taliwas sa lahat ng kinikilos niya. Marahil ay sapat na ebidensya na iyan para magawa niya ang pagpatay. Sabi nga nila, ang mga killer daw mapagbalat-kayo. Kung sino pa ‘yong akala mong santo, siya pa pala ang diyablo.
Panglima, si Mario. Si Mario ang pinakatahimik sa aming lahat. Hindi ko siya lubos na kilala dahil malimit siyang magkwento sa buhay niya. ‘Yun bang tipong parang may tinatago? Ewan ko kung yan ‘yong perfect term pero parang may wall na humaharang sa kanya para ipakita ang tunay na ugali niya sa iba. Kaya nga sobrang nagulat ako nang sumigaw siya kanina para patigilin kaming lahat sa pag-aaway, eh. Hindi ko maimagine na kaya pala niyang gawin iyon. Maaring may tinatago talaga siya. At maaring isa sa tinatago niya ay ‘yong pagiging mamamatay tao niya.
Pang-anim, si Markus. Si Markus ay minsan ding nakainitan ni Koko n’ung 3rd day namin dito sa seminaryo. Kung sa tutuusin, maliit lang naman ‘yong dahilan ng hindi nila pagkakaintindihan, eh, pero hindi ibig sabihin nun na maliit lang din ang porsyento na kaya niyang patayin si Koko.
Pang-pito, si King. Bata pa lang ako kilala ko na si King. Magkaibigan kasi ‘yong mama ko at ‘yong mama niya. Pero hindi ibig sabihin nun na close kami. Oo, naging kaibigan ko siya once pero nilayuan ko rin siya n’ung malaman kong weird siya. Iba kasi siya man-trip, kakaiba ‘yong trip niya. Iniisip ko nga ngayon na baka isa sa mga bagong trip niya ang pagpatay ng tao. ‘Wag naman sana.
Pang-walo, si Railey. Ang time keeper ng grupo. Siya ang unang nagigising sa aming lahat at siya rin ang huling natutulog. Maari kayang isinagawa niya ang pagpatay kay Koko sa oras na tulog na kaming lahat? Maari!
Pang-huli sa listahan ko si Lucas. Kung may isang tao dito na masasabi kong likas na mabait, si Lucas ‘yun. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi niya kayang pumatay, sabi nga nila, ang mabait na tao, nasa loob ang kulo.
Mahirap manghusga, pero alam kong isa sa kanila ang gumawa. Kaya dapat bago pa mahuli ang lahat, malaman ko na kung sino sa kanila ang the 13th Seminarian.
"Paano tayo makakalabas dito, eh, nakasarado naman pala ang gate!"
Napatigil ako sa kakamasid sa mga kasama ko nang basagin ni Kurt ang katahimikan. Nandito kaming lahat ngayon sa harap ng tarangkahan kasama ‘yong bangkay ni Koko na binalot namin sa kumot.
Kani-kanina lang n’ung napagpasyahan naming lumabas na sa seminaryo. Napagtanto kasi naming hindi na talaga kami safe dito. Lalo na't nakakita si Arthur ng isang secret note na nagsasabing "SINONG SUSUNOD?"—Isang katanungan na gumambala sa aming lahat. Isang katanungan na nagsasabing hindi lamang si Koko ang mamatay. KUNDI KAMING LAHAT.
"Nasaan ba ‘yong susi? At..atsaka di ba may mga sinurrender tayong mga cellphones? A..asan na ‘yung mga yun?" Aligagang alilgagang tanung ni Mario. Halatang desperado na rin siyang makalabas dito.
"Ang alam ko iniwan ni Padre kay kuya Rico ‘yong duplicate ng susi." Sagot ni Arthur. Hinanap ko si kuya Rico sa paligid pero hindi ko siya makita.
"Eh, nasaan na ba si kuya Rico?" Tanong ni Mario.
"Umalis siya, ang sabi niya kukunin lang daw niya saglit ‘yong susi sa kwarto niya." Sagot ni Arthur sa tanong ni Mario.
"Ba't ang tagal niya? Balak ba niyang gabihin dito?" Sigaw ni Kurt.
"Easy lang, pwede ba? Walang sisigaw, hindi nakakatulong ‘yan pagsigaw-sigaw niyo." Sabat ni Railey halatang pinaringgan si Kurt.
"Oh, ayan na siya!" Sabi ni King sabay turo ni likod naming lahat. Nang ibaling ko ‘yong tingin ko ron ay nakita ko si kuya Rico na papalapit sa amin.
"Guys, nawawala ‘yong susi!" Hingal na hingal niyang sabi. Nagpanting ‘yong tenga ko sa sinabi niya. Ano? Nawawala ‘yong susi? Teka! Paano na kami makakalabas nito? Hindi pwede ito!!!
"Nawawala ‘yong susi o winala mo talaga? Isa ba yan sa mga plano mo para hindi kami makaalis dito?" Napapikit ako sa patutsadang ito ni Kurt. Nangangamoy away na naman ito. Pwede bang tama na? nakakainis na. nakakapagod na ring umawat. Pagod na ‘yung katawan ko. Pagod na ‘yung utak ko.
"Wag mo akong simulan, Kurt." Halatang timping-timpi na si kuya Rico sa mga sinasabi sa kanya ni Kurt.
“Eh.. yung mga cellphones? D..diba may telepono sa lobby?” Tanong ni Mario.
“Wala na rin.. Hindi ko alam kung saan napunta.” Sagot ni Kuya Rico.
“Imposible!”
Pero kung iisipin, may punto si Kurt sa mga sinasabi niya. Magtataka rin ako kung paanong mawawala ‘yong susi ng basta-basta? Not unless may kumuha o baka tinatago niya talaga.
"Ano sa tingin mo ang dapat na isipin namin? Ikaw ang may hawak ng susi dito, tapos biglang mawawala sa oras na kailangan natin? Aba’y nakakapagtaka naman!" Dagdag pa ni Kurt. Ibinaling ko ‘yong tingin ko kay kuya Rico, kumukuyom na ‘yong kamao niya.
"Hindi ko na talaga gusto ‘yong tabas ng dila mo, Kurt, mas matanda pa rin ako sa'yo kaya sana igalang mo pa rin ako." Sigaw ni kuya Rico.
"Paano ko igagalang ang killer na katulad mo?" Sagot pa ni Kurt na nanlilisik ang mga mata na nakatingin kay kuya Rico.
"Anong sabi mo?" Akmang susugod na naman sana si kuya Rico pero pumagitna na ako sa kanila.
"Mag-aaway na naman ba kayo? Please naman brothers, sana naman tumigil na kayo, oh! Pwede bang imbes na mag-away kayo, mag-isip na lang tayo ng paraan kung paano tayo makakalabas dito?"
Napatigil sila. Tumahimik ang paligid marahil ay napagtanto nila na tama ako. Wala naman kasi talagang mangyayari kung mag-aaway lang sila, eh. Mas mapapagulo lang nila lalo ‘yong sitwasyon. Dinadagdagan pa nila ang sakit ng katawan ng bawat isa.
"Ano na ang plano natin ngayon? Tutunganga na lang ba tayo?” Tanong ko sa kanila. Tumingin sila sa akin.
"Sirain na natin ang gate." Suhestion ni Christian. Umiling ako. Hindi madali ‘yong iniisip niya.
"Kakayanin ba natin? Masyadong makapal ‘yong mga bakal na ginamit dito. Akyatin na lang kaya natin?" Sagot ko.
"Nagpapatawa ka ba? Paano mo ‘yan maaakyat?" Sabat ni Kurt sabay turo sa mataas na gate na nasa harapan namin. Napatigil ako sa sinabi niya. Tama siya, masyadong matayog ang mga bakod dito sa seminaryo, mahihirapan kami kung aakyatin namin iyon isa-isa. Atsaka kung ginawa namin iyon, maiiwan ‘yong katawan ni Koko sa loob.
"Kaya kong akyatin ‘yan pero kailangan ko ng tulong." Sagot ko pero parang walang pumansin sa sinabi ko. Tila nag-iisip sila ng plan B.
"May duplicate naman si Father ng susi 'di ba?" Tanong ni King. Napakunot ng noo si Kurt sa sinabi ni King.
"Oo, meron. Pero ‘wag niyong sabihing balak niyo pang hintayin ang pagdating nila kuya Rjay at Father sa lunes bago tayo makalabas dito? Nahihibang ka na ata?" galit na sabi ni Kurt.
"Kung ‘yun ang tanging paraan, ganun na lang. Hintayin na lang natin si Fr. Wala naman tayong magagawa, eh." Sabat pa ni Arthur.
"Hindi ako papayag! Ayokong mamatay dito. May maggaawa tayo kung matutulungan tayo." Narinig kong sagot ni Kurt na di mapakali sa kinatatayuan.
"Tama si Kurt, hindi tayo pwedeng magtagal dito sa loob. Paano na lang kung ubusin tayo ng killer dito?" Sagot ko sa kanila.
"Kaya dapat may dalawa sa atin ang lumabas para humingi ng tulong." Suhestyon pa ni Arthur sa amin.
"Sang-ayon ako sa sinabi ni Arthur." Sagot ni Markus.
"So, sinong gustong lumabas para humingi ng tulong? Sana ‘yong pinakamatangkad na lang para hindi mahirapan sa pag-akyat." Tanong ni Arthur. Inikot pa niya ‘yong paningin niya sa aming lahat. Napako ‘yong tingin niya sa amin ni Railey. Mukhang kami ang tinutukoy niya.
"Sino bang matangkad sa atin?" Tanong pa ni Markus.
"Ako susubukan ko pero kailangan ko ng tulong niyo. Alalayan niyo ako para makakayat ako." Sagot ko, tumango sila.
"Sinong sasama kay Anthony?" Tanong ni Arthur. Walang umimik. Mukhang ako lang ata mag-isa ang gustong lumabas ng seminaryo para humingi ng tulong. Kung sa tutuusin, okay lang sa akin kung mag-isa na lumabas, kaysa naman sa may kasama nga ako, killer naman pala. Eh, ‘di, napurnada pa ‘yong buhay na iniingat-ingatan ko?
Mayamaya pa ay nagtaas na rin ng kamay si Railey. Buti naman, dahil kung patangkaran ang labanan, mas matangkad siya kaysa sa akin.
"O sige, sino pang gustong sumama kay Anthony at Railey?" Tanong ni Arthur sa mga natira.
"Ako, hindi ako matangkad pero handa akong sumama sa kanila."
Napatingin kaming lahat sa taong nagtaas ng kamay, nang ibaling ko ‘yong tingin ko sa taong pinanggalingan ng boses ay bigla akong kinabahan. Tila ba nag-uunahan ang kaba sa dibdib ko.
Teka.. S..Siya ‘yong sasama sa amin ni Railey? B..bakit siya? Tama ba na ‘yong taong una sa listahan ng mga pinagsususpetsahan ko ay makakasama hihingi ng tulong sa labas ng seminaryo?
Ayokong isipin na tama ang nararamdaman ko pero mukhang ito na ang huling araw ko dito sa mundo.