KABANATA XVII

843 Words
XVII| THE POSSIBLE CULPRIT The nerd's pov "That's too impossible, bro, nakasarado na ang gate simula pa n’ung umalis si Paulo dito, atsaka alam niyo naman kung gaano kahirap pumasok dito 'di ba? Sa taas ba naman ng mga bakod, sa tingin niyo makakapasok pa si Paulo?" Sagot ni Markus. He's right. Markus is right. Kung iisa-isahin mo ang barikada na nakapalibot sa seminaryo, imposibleng may makapasok dito not unless nasa kanya ‘yong susi. Dalawa lang naman naghahawak ng susi sa amin, eh, si Fr. Adriano at si kuya Rico. Ngayon mas lumalakas ‘yong kutob ko na si kuya Rico ang may pakana ng lahat. "Tama si Markus. Maaring hindi si Paulo ang gumawa nito." Sagot ko. "Kung hindi si Paulo? Sino, ikaw? Ikaw ba Arthur?" Napatigil ako sa sinabing ito ni Christian sa akin. Dinuduro-duro pa niya ako na para bang sinasabi niya na ako nga ang pumatay kay Koko. "Sinasabi mo ba na mamatay tao ako, ha!" Sagot ko. Umiinit na naman ang dugo ko. "Hindi nga ba? Kung iisipin natin, sino bang nagturo sa katawan ni Koko? 'Di ba ikaw? Nakakapagtaka lang na nalaman mo agad kung nasaan ‘yong katawan niya." Sagot pa niya sa akin. Napakuyom ako ng kamao. Gusto ko na siyang suntukin pero kumalma ako. Really? naisip niya yun? Sorry pero mali ‘yong mga deduction niya. Kung ako ang killer hindi ko gagamitin ang bulok na style para makatakas sa posibleng paninisi ng ibang tao. Masyadong old school ‘yong reason na kung sinong unang nakakita ng bangkay, siya ang pumatay. "Paanong hindi ko malalaman, eh, umihi ako! Gag* ka ba? " Sagot ko sa kanya. Nag-iisip ba si Christian o ‘yong utak niya sa siko ang pinapagana niya? I am really surprised na isa ako sa pinabibintangan ni Christian sa pagkamatay ni Koko. May hidden agenda lang ako kaya ako pumasok dito sa seminaryo pero hindi ako mamatay tao. Pero kung i-proprovoke nila ako, kayang-kaya kong patayin kahit sino. Kahit ilan. Nakakatawa lang dahil napaka-lame ng mga deduction ni Christian sa akin. Siguro kung mag-aapply ito bilang detective sa isang kaso ay ibabasura agad ‘yong forms niya. Hindi naman sa nagmamalaki ako pero may kaunting alam ako sa pagreresolve ng mga mysteries sa paligid dahil anak ako ng isang detective, si papa. Habang si mama naman ay isang police woman. Bata pa lang ako tinuturuan na nila ako kung paano magdecipher ng mga codes, tinuruan rin nila akong sumuri ng mga katawan ng tao kung ilang minuto o oras na siyang patay. But I have to admit, hindi ko pa napa-practice ito sa real situation. Ngayon pa lang. Kung susuriin ko ang bangkay ni Koko, masasabi kong lima o anim na oras na siyang patay at sa pagkakaalam ko nasa 4th stage na siya ng kamatayan na mas kilala bilang livor mortis. Ibang-iba na kasi ‘yong kulay ng balat niya ngayon, ‘yong labi niya, puting-puti na. Ibang-iba sa totoong kulay ng balat niya n’ung nabubuhay pa siya. Samantalang ‘yong mga sugat niya ay patuyo na. Kung kakalkulahin ko, mga ala-una ng madaling araw siya pinatay. Kung sino man ‘yong pumatay sa kanya, marahil ay nahirapan siya sa pagpatay kay Koko. Sa ayos kasi ng pintuan ng last cubicle ay tila pinilit iyong sirain ng kung sino. Hindi ko lang alam kung si Koko ang sumira nun o mismong ‘yong killer. Sa ayos din ng katawan ni Koko sa sahig ay kitang-kita mo na nanlaban siya. Sa hitsura pa lang ng mukha niya ay kitang kita mo na gulat na gulat siya. Kitang-kita rin sa leeg ni Koko ang kalmot ng kuko, masasabi kong mahaba ang kuko ng taong pumatay sa kanya. Kung mahabang kuko ang pagbabasehan para i-reveal ang pangalan ng pumatay, apat ang supect ko. Si Anthony, Kurt, Rico at King. Sila lang naman may mahahabang kuko dito, eh. Kung ilalaban ko ito, masyadong mababa ang ebidensya para huliin kung sino ang may sala. Muli kong tinitigan ang katawan ni Koko, sinulyapan ko ‘yong mga sugat niya. May saksak siya sa leeg, sa balikat at maliliit na hiwa sa.. Teka! Napatigil ako ng mapansin kong parang may secret note na isinulat ‘yong killer sa braso ni Koko gamit ang patalim. Itinaas ko ‘yong manggas ng suot niyang damit. Tama nga ako, may secret note nga sa braso niya. ‘yong mga hiwa sa braso niya ay hindi lang pala basta sugat lang kundi isang code. Mukhang may gustong sabihin ‘yong killer sa amin. Pero ano tong mga numerong ito? "4,15,14,21,19,21,19,7,14,15,14,9,19" yan ‘yong laman ng secret note. 13 numbers? A..Ano 'to? Napatigil pa ako nang may makita akong itim na bagay sa nakakuyom na kamay ni Koko. A..ano na naman ito? Itim na tela? I..Imposible kayang nakuha niya ang telang ito sa suot ng killer? T..Teka, kung susuriin, gawa sa clothman ang tela na iyon. ‘Yun ‘yung tela ng Clerical naming. Teka, imposible kayang nakaclerical ‘ung pumatay? Ang tanong, bakit siya magsusuot nang ganun sa paggawa ng krimen? Anong kaluluwa ang meron siya? Pero kung galling nga ito sa itim na Clerical, tatlong tao lang ang meron nito sa amin! Imposible kayang isa sa kanila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD