KABANATA XVI

1347 Words
XVI|VICTIM'S TRAP The silent observer's pov Ang tahimik ng paligid. Walang nagsasalita sa aming lahat. Sobrang nakakabingi ‘yong katahimikan. Gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw. Pero hindi ko magawa dahil nanghihina ako. Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko matanggap na wala na si Koko. Parang kagabi lang n’ung nagkakasiyahan pa kami sa hall para sa pagdedecorate sa magaganap na tertulia, pero ngayon, isang malamig na bangkay ang ang sumalubong sa amin. Isang Koko na puno ng saksak. Isang koko na wala ng buhay. Nakakapanghina nang sobra. Parang ayoko na. gusto ko nang umalis sa lugar na ito. Hindi ito ‘yung lugar na inaasahan ko. Ayoko pang mamatay. Kung may isang hayop man sa isip ko na gagawa nito, si Paulo lang yun. Wala ng iba! Sino pa bang gagawa nito kung hindi siya? Gantong ganto rin ‘yong ginawa niya sa tupa n’ung isang araw, eh, pero ang pinagtataka ko. Ano bang kasalanan ni Koko sa kanya? Natatakot ako na baka isunod niya kami. Pero ang pinagtataka ko, paano niya nagawa ang pagpatay kay Koko gayong nasa labas na siya ngayon ng seminaryo? Hindi kaya bumalik siya para maghiganti? Hindi kaya bumalik siya para isa-isahin kami? "Brothers, may alam ba kayo kung sinong gumawa nito?" Pagbabasag ni Railey sa katahimikan. ‘yong hitsura niya ngayon ay balisang-balisa. Lahat kami ay lugmok. "Si Paulo." Sagot ko sa kanya. Pinagtinginan ako ng lahat. "Paanong si Paulo, eh, diba wala na siya dito?" Galit na sagot ni Christian. Pati siya'y gulong gulo na rin. "P..Paano kung bumalik siya. Paano kung bumalik siya para maghiganti? Paano kung balak niyang isa-isahin tayo?" Dagdag ko. "That's too impossible, bro, nakasarado na ang gate simula pa n’ung umalis si Paulo dito, atsaka alam niyo naman kung gaano kahirap pumasok dito diba? Sa taas ba naman ng mga bakod, sa tingin niyo makakapasok pa si Paulo?" Sagot ni Markus. "Tama si Markus. Maaring hindi si Paulo ang gumawa nito." Sagot naman ni Arthur. "Kung hindi si Paulo? Sino, ikaw? Ikaw ba Arthur?" Napatigil kaming lahat sa sinabing ito ni Christian kay Arthur. Dinuduro pa niya ito dahilan para mag-init ng ulo si Arthur. Ibang Christian ang nasa harap namin ngayon. Nawala na ‘yung Christian na pala-tawa. Malalaman mo talaga ang ugali ng isang tao kapag nagkagipitan na. hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari sa paligid. "Sinasabi mo ba na mamatay tao ako, ha!" Sagot ni Arthur na tila nagpipigil ng galit kay Christian. Mukhang namumuo ang sumbatan sa dalawa. "Hindi nga ba? Kung iisipin natin, sino bang nagturo sa katawan ni Koko? 'Di ba ikaw? Nakakapagtaka lang na nalaman mo agad kung nasaan ‘yong katawan niya." Sagot ni Christian. Mas lalong uminit ang sumbatan nila kaya inawat ko si Christian. "Paanong hindi ko malalaman, eh, umihi ako! Gag* ka ba? " Sagot ni Arthur. “O kita mo, lumalabas ang ugali mo!” “Ginigipit mo ako, eh, tingin mo ay matutuwa ako?!!!” "Tama na yan, guys! May kailangan kayong malaman!" Sigaw ni Railey dahilan para mapatigil ‘yong dalawa. Nakabaling ang atensyon naming lahat kay Railey ngayon. "Bago umalis si Paulo, may sinabi siya sa akin." Panimula niya. "Ano? " tanong ni King. Pati kami'y naghihintay sa isasagot ni Railey. "Sabi niya sa akin, hindi raw siya ang pumatay sa tupa." Sagot nito. "Imposibleng mangyari yan, sa kwarto niya nakita ‘yong dugo ng tupa." Sagot ni Kurt. Napabuntong hininga ako. Kung iisipin, lahat sila may punto, pero hindi ko alam kung sino sa kanila ang tama. "Sabi niya, biktima rin siya ng kung sino. Sinabihan pa nga niya ako na umalis na rin daw ako dito sa loob dahil may demonyo raw dito sa seminaryo. N’ung una hindi ako naniwala sa sinasabi niya pero ngayon, parang tama siya." Paliwanag ni Railey. Sa totoo lang, kinikilabutan ako sa mga sinasabi niya. Hindi kasi malayo ‘yun sa katotohanan. Maaring nagsasabi nga ng totoo si Paulo. Maaring biktima lang din siya kagaya ni Koko. Maaring... Hindi. Hindi pwede. "Oo, tama si Paulo, maliban sa kanya, may isa pang isang demonyo dito sa seminaryo.." Sabat ni Kurt. Napabaling kami ng tingin sa kanya. Gusto kong i-digest ‘yong sinabi niya pero hindi kinakaya ng utak kong pagod na sa kakaisip. "Sino?" Tanong ni Christian. "Tinatanong pa ba yan? Sino bang huling nakasama ni Koko kagabi dito sa atin?" Sagot ni Kurt. Unti-unti kong binalikan ‘yong nangyari kagabi bago kami magsitulog. Iniwan namin si Koko sa hall kasama si kuya Rico. Wait! Si kuya Rico ang kasama ni Koko kagabi! Nabaling ang tingin namin kay Kuya Rico. "Pinagbibintangan mo ba ako?" Biglang nagasalita si kuya Rico na kanina'y tahimik lang. "Ikaw na ang nagsabi niyan." Sagot ni Kurt. Heto na naman sila. "Wag mo akong maidamay-damay dito, Kurt, dahil hindi ko kayang gawin ang binibintang mo!" Sa totoo lang nabibingi na ako sa sigawan nilang dalawa. Gusto kong mag-isip pero hindi ako makapagfocus nang matino. "Talaga ba? Pero ang magnakaw ng relics at pondo ng seminaryo, kayang kaya mo? Isama mo na rin ang panlalason sa mga seminarista." Sabi ni Kurt na nagpatigil sa lahat. Teka, anong sinasabi ni Kurt? “Bakit hindi mo ipaalam kung anong ginawa mo dati, ha!” “Wala kanga lam sa nangyari!!” Sagot ni kuya Rico na nagpipigil. Gusto na niyang sugurin si Kurt. Biglang bumalik sa ala-ala ko n’ung tinanong ko si kuya Rico tungkol sa dahilan kung bakit siya napalabas ng seminaryo, pero sabi niya sa akin, hindi pa sya handang magkwento. Hindi pa ako sigurado pero ito ba ‘yung dahilan? Hangang-hanga pa man din ako sa kanya nong una, pero may tinatago rin pala siyang kakaiba. "Sa tingin mo ba makakalimutan ko ‘yong ginawa mo sa batch niyo dati? Mawalang galang na ha? Pero sino ba sa atin ang may experience sa paggawa ng karumal-dumal na kasalanan? 'Di ba ikaw? Hindi ko nga alam kung bakit ka pinabalik ni Fr. Adriano dito, eh. O baka naman pati siya nililito mo? Dun ka magaling 'di ba? Ang magpanggap bilang isang maamong tupa? Pero ang totoo isa kang mabangis na lobo!” Matalas na sabi ni Kurt. Ngayo’y naiintindihan ko na. “Tang*** parang ang linis-linis mo, ha!” Sagot ni kuya Rico dahilan para sumugod si Kurt sa kanya. Maya-maya pa ay dumikit ang kamao ni kuya rico sa mukha ni Kurt. Mas lalong nagkagulo n’ung manlaban si Kurt kay kuya Rico. Kahit todo awat na kaming lahat ay hindi pa rin sila tumitigil. Nakakapanghina na talaga. Hindi ko naisip na minsan, mangyayari ito, dito pa sa loob ng seminaryo. Nakakalungkot lang… "Tumigil kayo! Wala ba kayong galang sa bangkay ni Koko? Sa harap pa talaga niya!" Sigaw ko habang umaagos sa mga mata ko ‘yong luhang kanina ko pa pinipigil. Pinanghihinahan na ako ng loob. "Akala nyo ba makakatulong kung pagbibintangan natin ang isa't isa? Naturingan tayong mga seminarista pero mas masahol pa tayo sa mga demonyo kung umasta!" Sigaw ko. "Kung magsalita ka naman, Mario. Akala mo perpekto ka, ha! Sino ba sa atin ang palaging tahimik dito? Sa pagkakaalam ko, ang mga tahimik na tao, nasa loob ang kulo. Hindi imposible na, baka ikaw ang pumatay kay Koko. " Halos mapatigil ako sa sinabing ito sa akin ni Christian. Grabe! Pati ako pinagbibintangan na niya. "Isipin mo na kung ano’ng gusto mong isipin sa akin, hindi ko papatulan ‘yang kakitiran ng utak mo!" Sagot ko. "Talaga lang, ha! Sige lang, magpaka-Santo ka pa!" Dagdag pa nito sa akin. Napakuyom ako ng kamao sa sinabi niya. Pinalampas ko ito. Alam kong isa ito sa mga pagsubok na kailangan naming mapagtagumpayan. Mahirap, pero pipilitin. Mahirap, pero kakayanin. Alam kong hindi dapat sa away humantong ang lahat. Alam kong mas magkakagulo kaming lahat kapag pinagpatuloy naming ang pakikipagtalo. Ako ang mas nakakaintidi sa ngayon, kaya ako ang dapat na mas magpakumbaba. Kung lalabanan ko si Christian o kung sino man sa kanila ay baka mas lumala pa ang lahat. Sa halip na sumagot, yumuko na lamang ako saka lumuhod. Pinikit ko ‘yong mga mata ko at saka tahimik na nagdasal. Ito lang kasi ‘yong alam kong makakatulong sa amin ngayon. Dasal na lang talaga dahil sa totoo lang, hindi ko na kaya. Hindi ko na talaga kaya. Sa dulo’y butil butil na luha ang bumagsak sa mata ko habang inaawit ko ang Tantum Ergo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD