XV| THE REVELATION
The introvert's pov
Today is the day. Ito na ‘yong pinakahihintay naming lahat. Hindi man kami kumpleto para sa Tertulia mamaya, alam kong masaya pa rin ang kakalabasan nito. Mukhang mas magiging masaya pa nga dahil wala si Fr. Adriano na magbabantay sa amin. Haha! Ewan, parang naiilang kasi ako kapag meron si father sa paligid. Parang kalkulado ko lahat ng galaw ko, kasi tingin ko, inooberbahan nkiya ako. Ngayon na wala siya, pwede na uminom ng mompo!
"Bro Lucas, asan si Koko, nakita mo ba?"
Napatigil ako sa paghuhugas ng plato na pinagkainan namin ng agahan nang lumapit sa akin si Anthony para magtanong kay Koko.
"Hindi ko siya napansin, bok, eh? Ba’t mo ba siya hinahanap?" Tanong ko.
"Kanina ko pa kasi siya hinihintay sa pantry, bok, kaming dalawa pa man din ang nakatokang maglinis dun. Hindi ko matapos-tapos kasi wala akong kasama." Sagot ni Anthony habang may hawak na walis tingting sa kaliwang kamay habang nakabusangot ang mukha.
"Tanong mo na lang sa iba, bok. Baka nakita nila." Sagot ko sa kanya dahilan para lumapit siya kay Railey na nagma-mop sa loob ng refectory.
"Bok Railey, nakita mo raw ba si Koko?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi pa, eh. Parang hindi ko nga siya nakita kaninang agahan at kaninang lauds. Check mo na lang sa kwarto niya, bok, dahil baka tulog pa, o baka may sakit.” Sagot ni Railey.
"Oo, baka nga tulog pa yung lokong ‘yun dahil napuyat sa kaka-decorate. Puntahan mo na lang sa kwarto niya." Suhestion ko kay Anthony.
"Sige mga bok. Salamat." Sagot naman niya saka ito lumabas ng refectory.
Haays. Loko-loko ding koko yun, ah! por que wala si Padre na nagbabantay sa amin, hindi na rin sya sumusunod sa tamang oras ng paggising tsk. Hindi maganda ‘yong ganung kagawian. Dapat kahit walang rektor na nakakakita sa'yo, o nagbabantay sa’yo, hindi pa rin magbabago ang kilos mo. Haha. Biro lang, makapagsalita ako akala mo parang di ko naman ginagawa ‘yun minsan.
Nang matapos akong mag-urong ay dumeretso agad ako sa taas kung nasaan ‘yong mga kasama ko sa Tertulia performance. Napag-usapan kasi namin na magpraparactice kami pagkatapos ng mga nakatokang gawain namin sa araw na ito. Paakyat pa lang ako sa 2nd floor nang mapatigil ako sa paglalakad. Nakita ko kasi si Anthony na hanggang ngayon ay nasa labas pa rin ng kwarto ni Koko. Hanggang ngayon ay kumakatok pa rin siya doon. Ibig sabihin, hindi pa niya nagigising si Koko? Grabe naman po pala si Koko kung makatulog. Tinalo pa ang mantika! Pwede ng mag-gisa at magprito ng longganisa haha!
"Hindi pa ba gising?" Tanong ko habang palapit sa kanya.
"Hindi pa, eh. Kanina ko pa 'to kinakatok." Sagot niya. Ramdam ko ‘yong inis sa mga galaw niya kaya natatawa na lang ako.
"Baka naman kasi wala talagang tao diyan sa loob, malay mo kanina pa siya na nasa labas. Nagtanong ka na rin sana sa iba bro. Malay mo nasa hall pala.”
"Nagtanong na ako, bro, hindi rin daw nila napansin. Kaya nga pumunta na ako dito, eh. Wala rin siya sa hall. Mukhang tama ka, napasarap ata talaga yung tulog itong si Koko." Sabi nito.
"Hindi na tulog mantika yan. Buksan mo na kaya, baka nabangungot na siya." nagaalaala kong sabi.
"Nakalock sa loob, eh."
"Pwersahin na natin kung ganun. Ipaliwanag na lang natin kay Padre kung bakit sinira natin ‘yong pinto. Baka kasi may nangyari nang hindi maganda kay Koko sa loob." Sabi ko tumango si Anthony sa akin. Hindi naman ako nega mag-isip pero may point si Anthony. Sa pagkakataon na ‘yun ay nagsimulang kumabog ang dibdib ko.
"Sige. Pagbilang ko ng tatlo, pwersahin na natin ‘yong pinto. Isa, dalawa, tatlo!"
Kablaaag!
Nabuksan na namin ‘yong pinto pero wala kaming nakitang Koko sa loob. Inikot ko pa ‘yong mata ko sa paligid pero nagulat na lang ako sa nakita ko.
Maliban sa isang sahig na puro dugo, may nakasulat din sa dingding ng kwarto ni koko gamit ang dugo. Isang sulat sa dingding… na, teka, galing kay 13th Seminarian? S…sino ito? A..ano ito?
The corny joker's pov
"Magpatawa na lang kaya tayo o kaya acting na nakakatawa para enjoy ang performance natin mamaya." Suhestion ko sa mga kagrupo ko sa terturtila performance. Hindi pa rin kasi kami nakakapagpractice ng kung ano ang ipeperform namin. Ganun kagaling ang grupo namin.
"Hindi kami marunong magpatawa." Sagot naman ni Kurt na nakasimangot. Rejected kasi ‘yong gusto niyang magsayaw raw kami. Sabi ko sa kanya, bulok na ‘yong ganong performance. Mas maganda ang bago.
"Oo nga hindi naman kami joker kagaya mo na mukha pa lang nakakatawa na." Kumento naman ni Railey na ka-grupo ko rin. Tinignan ko siya ng masama. Grabe siya, ha? Nahiya ako sa kagwapuhan niyang parang password ng account niya sa f*******:. —Siya lang ang nakakaalam. Hahaha!
"Madali lang naman yun. Tuturuan ko kayo." Pag-uulit ko.
"Tss. Sige na nga. Mukhang wala na rin naman kaming magagawa, eh. Pero Teka, ano bang naiisip mong idea?" Tanong ni Kurt sa kin.
"Bali naisip ko, magli-lipsync tayo. Parang dubbing ganun. ‘yong mga pelikulang korean para masaya tapos ano.-"
"Christian!"
Napatigil ako sa pag-eexplain sa mga kasama ko ng may magtawag sa pangalan ko. Napalingon ako dun sa taong yun. Si Anthony pala. Pawis na pawis at hingal na hingal. Tinakbo ata ang 1 kilometer run.
"Oh bakit ka andito, bro? Nag-uusap pa kami, dun ka muna. espiya ka ‘no? Baka gayahin mo idea namin ha?!" Biro ko kay Anthony pero hindi man lang ito ngumiti. Seryoso lang ang mukha niyang nakatingin sa aming tatlo. Haays! Ang lungkot siguro ng buhay ng taong ito. O baka gusto pala niyang lumipat sa grupo namin dahil pangit yung performance na ipapakita nila. Haha.
"Mga bro nawawala si Koko." Biglang sabi nito na ngpatigil sa tawanan namin. Nagpanting agad ‘yong tenga ko sa sinabi niya.
"Ano?”
"Wala si Koko sa kwarto nya. " sabi nito.
"Porque wala sa kwarto niya, nawawala na?" Sabat naman ni Christian na nasa likuran ko.
"Oo nga pinakaba mo pa ako. Hanapin mo muna kasi. " Sagot ko naman.
"Hindi nga mga bok, kanina ko pa siya hinahanap. Kaya nga ako nagtanong sa inyo kanina 'di ba? Pero kanina n’ung pwersahin namin ‘yong kwarto niya, nakita naming wala siya sa loob at eto pa. Duguan ‘yong kwarto niya n’ung makita namin yun ni bro Lucas."
"Ha?"
"Ano?"
Sunod-sunod naming tanong. Unti-unti nang tumatakbo sa kaba ang puso ko.
“Hindi magandang biro ‘yan.”
“Hindi ako nagbibiro! "Sundan niyo na lang ako para makita niyo na totoo ‘yong sinasabi ko." Sabi ni Anthony saka nagsimulang maglakad.
"Alam na ba ‘to ng iba?" Tanong ni kurt na tila nag-aalala ang boses.
"Siguro, kasi naghiwalay kami ni bro Lucas kanina, sinabihan na rin siguro niya ‘yong iba pa." Sagot ni Anthony.
Nang makarating kami sa kwarto ni Koko ay isang mabahong amoy ang sumalubong sa amin. Amoy iyon ng nabulok na dugo na nasa sahig ng kwarto niya. Napatakip pa ako ng ilong dahil parang masusuka na ako sa amoy. Mayamaya pa ay dumating na rin ‘yong iba. Pati sila'y alalang-alala. Kinikilabutan ako. Ano bang nangyayari!!
"Anong nangyayari dito?” Nagtatakang tanong rin ni Arthur.
"Hindi ko alam, basta pagkabukas namin ni bro. Lucas ganito na." Sagot ko.
Inikot ko ‘yong mata ko sa loob ng kwarto ni Koko. Napako ‘yong tingin ko sa isang sulat. Isang sulat na tinta ng dugo ang ginamit.
"Guys! Tignan niyo ito." Sigaw ko saka ko binasa ng malakas ‘yong nakasulat sa dingding, "Pasensya na, kaibigan kita, pero ginawa ko lang ang alam kong tama. Dahil kung pinatagal ko pa ang isang tulad mo, baka malaman ng iba ang sikreto ko. Nagmamahal sa'yo, the 13th Seminarian."
Pumintig nang mabilis ang puso ko sa nabasa ko. Ayoko mang isipin na tama ‘yong iniisip ko, pero isa lang kasi ang ibig sabihin ng nabasa ko.. Baka pinatay na n’ung nagsulat nito si Koko. Gusto kong umiyak.
"Brothers! Punta kayo dito sa Cr dali! " Sigaw naman ni Arthur na nasa dulo ng east wing kung nasaan ‘yong cr.
Dali-dali kaming nagsitakbuhan dun. Bawat hakbang namin ay tila kasabay ng pagpintig ng kumakawala naming mga puso
"Anong meron?" Tanong ni Railey kay Arthur. Itinuro lang ni Arthur ‘yong last cubicle ng Cr.
Nang ibaling ko ‘yong tingin ko sa last cubicle ay tumambad sa akin ang isang tupa na nakasabit pinto. At sa sahig nito ay ang katawan ni Koko na wala nang buhay