ALEXANDRIA Nakapikit at nakangiti na sinamyo ko ang malamig at sariwang hangin na sumalubong sa akin. Ang sarap sa pakiramdam ng hangin lalo na kapag ganitong papa-gabi na. Maging ang alon ay tila nag-uudyok na magtampisaw ako sa tubig. Pero dahil malamig at pa-gabi na ay pinili ko na lang na maglakad-lakad. Naglakad pa ako sa buhanginan saka nilibot ang tingin sa abot ng aking tanaw. Iilan na lang ang tao na nakikita ko dahil malapit na sumapit ang takip-silim. "I missed you Philippines," usal ko sabay pikit at muling sinamyo ang sariwang hangin. Matagal din bago ako nakauwi dito sa Pilipinas mula sa anim na taon kong pamamalagi sa bansa ng London. Kakauwi lang namin kaninang umaga at pinili ko na dito sa Siargao, Surigao del Norte dumiretso. At kahit may jetlag pa ako at naging bu

