Chapter 69

1721 Words

ALEXANDRIA Mabilis na lumipas ang mga araw namin ng kambal sa Siargao at ngayon nga ay isang linggo na kami rito. Halos araw-araw naliligo sa dagat ang kambal na hindi yata alam ang salitang kasawaan. Heto nga at nandito na naman kami sa tabing dagat at binabantayan namin ni Ate Letty ang dalawa. Kapag kasi ako lang ay hindi ko kaya lalo na at makulit si Alessia. Kung saan-saan tumatakbo at ako naman itong ina ay habol ng habol. Mabuti na lang at behave ang kambal nitong si Thadd. Kung saan ang pwesto nito ay doon lang ito at pasulyap-sulyap lang sa mga taong dumadaan. Kilala na nga ang dalawa lalo na ng mga taong madalas na nasa dalampasigan. Cute na cute kasi sila sa kambal. Ngunit kung gaano kagiliw si Alessia sa mga pumapansin sa kanila ay kabaliktaran naman ni Thaddues Alexandro. T

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD