ALEXANDRIA Kinabukasan, para hindi na magyaya ang kambal na maligo sa dagat ay pinasyal namin ni Dustine ang dalawa. Nagpaiwan si Ate Letty dahil may gagawin daw ito. Nilibot namin si Thadd at Alessia sa Siargao sa kaya ng aming oras. Tuwang-tuwa ang dalawa lalo na si Alessia na vocal sa pagpapakita ng emosyon nito. Si Thadd naman, kahit seryoso ay sigurado ako na nag-e-enjoy ito. Hapon na ng makabalik kami. Nauna na si Dustine sa beach house dahil naglakad-lakad pa kami ng mga anak ko sa baybayin. Kailangan din kasi nito magpahinga dahil sa susunod na araw ay babalik ulit ito sa Maynila. Dinalaw lang kami nito rito at para tingnan ang kalagayan namin. Masarap maglakad dahil hindi na mainit ang dampi ng sikat ng araw sa balat. Gustong-gusto naman ng mga anak ko na walang kapagurang gu

