ALEXANDRIA Hindi agad siya nakasagot sa tanong ko. Namutla siya at napuno ng pagkabahala ang mukha. Bigla tuloy akong nagduda sa naging reaksyon niya. "Sasagutin mo ba ang tanong ko o manghuhula ako, Dustine?" nakataas ang kilay na tanong ko. Lumunok ito ng ilang beses. Kumibot ang labi nito ngunit walang lumabas na kahit anumang salita sa bibig nito. "A-Alex," nanginginig ang boses na bigkas nito sa pangalan ko. Halata sa boses nito na may tinatago nga itong lihim sa akin. Ang buong akala ko ay magsasalita na ito ngunit ilang segundo na ang nakalipas ay nanatili pa rin itong tahimik kaya ako na ang gumawa ng paraan para magsalita ito. Dahan-dahan akong lumapit sa kinatatayuan nito dahilan para umatras ito. Mabilis kong hinablot ang cellphone na hawak nito na akma pa nitong kukun

