ALEXANDRIA Naninigas ang katawan ko habang nakatayo. Gustuhin ko man gumalaw ay hindi ko magawa. Nanlalamig ang palad ko at para akong tinakasan ng paghinga habang papalapit siya sa akin. Pakiramdam ko ay tumigil ang oras at hindi ko maramdaman na may tao sa paligid ko dahil ang buong atensyon ko ay nakatuon lamang sa blangko niyang ekspresyon. Bakit? Bakit ganito siya kung tumingin sa akin na parang ang laki ng naging kasalanan ko? Hindi ba ako ang dapat na may mas karapatan na sumama ang loob dahil sa kabila ng pagtanggap ko sa katauhan niya, sa bandang huli, ako pa rin ang nasaktan at sinaktan. Hindi niya alam ang mga nangyari sa buhay ko simula ng magkahiwalay kami kaya wala siyang karapatan na tingnan ako na parang ako pa ang may kasalanan. Bumalik lang ako sa reyalidad ng marin

