Kabanata 13

959 Words
Serene "Ehem!" Agad akong napalayo kay Sir Adriel nang may tumikhim. Nangamatis ang mga pisnge ko ng mapagsino iyon. "Pasensiya sa istorbo pero kanina pa kayo hinahanap sa loob," nakangising saad ni kuya Nero tsaka ako tinignan ng nakakaloko. Napaiwas naman agad ako ng tingin tsaka nagmamadaling kinuha ang heels ko't nagtatakbong pumunta sa loob. Rinig ko naman ang nakakainis na tawa ni kuya Nero mula sa likuran ko. Bwisit! Nakakahiya! Pagpasok ko sa loob ay agad akong sinalubong ni mama habang kunot ang noo niya. "Sa'n ka ba galing na bata ka? Kanina pa kita hinahanap," kunot noong aniya. Napakamot naman agad ako sa aking batok tsaka umiwas ng tingin kay mama. I cleared my throat, "D-d'yan lang sa labas ma." Binigyan naman ako nito ng mapanuring tingin at akmang magsasalita ulit nang makarinig kami ng sigawan. Agad na napatingin ako sa kinaroroonan nina kuya at napakunot na lang ang noo ko nang makitang nasa lapag na si Niesha habang hawak-hawak ang pisnge. Napatiim bagang ako tsaka nagmartsa sa kinaroroonan nila. "How dare you flirt with Sydrick! You wench!" galit na sigaw ni Tana kay Niesha at akmang sasabunutan ito nang hilahin ko ang buhok niya at hinarap sa akin tsaka siya binigyan ng isang malutong na sampal. Agad na natigil ang kaninang tugtog dahil sa ginawa ko at napalitan ng singhapan. "b***h! How dare you slap my best friend! Sino ka ba sa tingin mo para angkinin at pagbawalan ang kuya kong makipag-usap sa mga babae ha?" gigil na sambit ko tsaka siya hinila gamit ang magaspang niyang buhok. Napatili naman agad siya habang ang nanay niyang katulad niya ring bruha ay pilit akong pinipigilan. Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong tinutulungan nina kuya Syd at Timo si Niesha. "Para sa kaalaman mong bruha ka, wala kang karapatan. Because in the f*****g first place you're just a f*****g b***h who's so f*****g desperate for my brother's f*****g attention!" galit na sabi ko at hinigpitan ang pagkaka-sabunot sa kaniya. Pilit niya namang tinatanggal ang kamay ko sa buhok niya habang napapaigik sa sakit. "No! He's mine! Mine and mine and mine alone!" sigaw niya at tinulak ako. Napa-atras ako ng bahagya tsaka hindi siya makapaniwalang tinignan. I laughed sarcastically then arched my brows. "Ghad! Sa'n mo ba kinukuha ang kakapalan ng mukha mo ha? Let me tell you this b***h, Kuya Syd was never been yours and he will never be yours! So get lost and go to hell!" iritang sigaw ko at akmang susugurin siya ng biglang may yumakap sa beywang ko at pilit akong pinipigilan na makalapit sa bwisit na babaeng 'yon. "Let me go! Bubugbugin ko lang ang bwisit na 'yan!" gigil na sabi ko habang masamang nakatingin kay Tana na tinutulungan maka-tayo ng bruhang nanay niya. "Serene, that's enough." Napailing lang ako dahil sa sinabi ni Sir Adriel tsaka pabalyang tinulak siya at nagmartsa sa kinaroroonan ni Niesha na nakayuko. I hold her hand then glared at Tana, "Makita ko pa 'yang pagmumukhamo sa pamamahay namin, hindi lang 'yan ang aabutin mo!" huling sabi ko bago hinila si Niesha papunta sa kwarto ko. Nang makarating sa kwarto ko ay niyakapa ko agad si Niesha ng mahigpit. "Ok ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko tsaka kumalas sa pagkakayakap sa kaniya't sinipatkung may galos ba siya o kung ano sa katawan niya. Kumulo naman agad anf dugo ko ng makitang may sugat ang labi ni Niesha at bakat pa sa pisnge niya ang kamay ni Tana. "May masakit ba sa 'yo? Sabihin mo at babalik ako sa baba't lulumpuhin ko ang babaeng 'yon," Napatawa naman ito ng mahina tsaka nakangiting niyakap ako. "Thank you bes." Napabuntong hininga na lamang ako tsaka pinaupo siya sa edge ng kama ko. Pagbalik ko mula sa banyo para kunin ang first aid kit ay nasa loob na ng kwarto ko sina mama, kuya Syd at mga kaibigan niya at kinakausap si Niesha. "Ok ka lang ba?" rinig ko pang tanong ni kuya Syd. "Pasensiya na Sha, dahil sa 'kin inaway ka pa tuloy ng bwisit na babaeng 'yon." "Ok lang kuya. Hindi naman ako masyadong nasaktan. Tsaka and'yan naman ang best friend ko eh," Napaismid na lang ako tsaka nilapag sa tabi ni Niesha ang kit. "Anong hindi ka masyadong nasaktan? Tignan mo nga 'yang sarili mo, mukha kang binugbog ng sampong wrestler sa lagay mo!" inis na sabat ko sa usapan nila. "OA mo naman bes," natatawang sabi niya pero 'di ko pinansin ang sinabi niya. "At hindi sa lahat ng oras Niesha, ad'yan ako sa tabi mo para ipag-tanggol ka. Mabuti na nga lang at nakita kita agad, baka ano pang nagawa sa 'yo ng babaeng 'yon. Tss!" ani ko. Natahimik naman sila kaya sinimulan ko na lang gamutin ang sugat niya. "How dare she ruin your beautiful face. Pasalamat pa siya at 'yon lang ang nangyari sa kaniya, dahil kong nademonyo ako kanina, uuwi siyang putol ang ulo sa Amerika!" inis na bulong ko. Mukhang narinig naman nila ang sinabi ko kaya mahinang natawa sina Timo at Kuya Harkin. "Actually, sa kanilang dalawa ngayon ni Niesha, si Tana pa ata iyong nabugbogng sampong wrestler dahil sa lagay niya. Pftt." sabi ni Timo habang nagpipigil ng tawa. Napasimangot naman agad ako. Kung ako lang, hindi ko na tatantanan ang isang iyon. Pasalamat lang talaga siya't pinigilan ako ni Sir Adriel. Nang matapos kong gamutin ang sugat niya'y agad akong umupo sa tabi niya habang naupo naman sa mahabang sofa sina mama. "Pinauwi ko na ang mga bisita. Sinira niyo na rin naman kasi ni Tana ang party, " natatawang sabi ni kuya. Napairap na lang ako. "Tss. Mas mabuti na rin iyon. Baka kasi hindi lang ang party ang masira, baka pati mukha niya pag nagkataon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD