Kabanata 12

1120 Words
Serene Friday morning. Everyone's so busy for the party later. At nakakatuwang ni anino ng mag-inang Shan at Tana ay hindi ko mahagilap. Ang sarap lang sa feeling lalo na't walang bwisita ngayong araw rito sa bahay. "Bunso," Napatingin ako kay kuya ng tawagin ako nito. Mukhang kakatapos lang nitong maligo base sa basang buhok nito. Kahit na malayo-layo ng kaonte ang distansiya namin ni kuya ay nanunuot pa rin sa ilong ko ang matapang na amoy ng pabango ni kuya. Napangiwi ako, "Ang sakit naman sa ilong niyang pabango mo kuya! Saan mo ba nabili iyan?" Sumama naman agad ang mukha nito tsaka ako iritang tinignan. "Aba hoy! Mahal bili ko nito, baka akala mo!" inis na sabi niya. Napairap naman agad ako. "Oh ano ngayon? Mahal nga bili mo, mabaho naman. Yuck!" Inirapan naman ako ni kuya tsaka ako tinalikuran. "Mabaho ba talaga?" rinig ko pang bulong niya tsaka inamoy-amoy ang sarili tsaka ako mabilis na iniwan dito sa sala. Napabungisngis na lamang ako dahil sa kalokohan ko. Sa totoo lang ay hindi naman talaga mabaho, sadyang gusto ko lang siyang asarin at sirain ang araw niya. Pambungad lang sa kaarawan niya NYAHAHAHAHA! Naglibot na lang ako sa buong bahay. Nakakapanibago kasi, ang daming tao ngayon dito sa bahay. Ewan ko nga kung saan nanggaling ang mga 'to. Maya-maya pa'y nakasalubong ko si mama. Nang makita ako ay kaagad itong lumapit sa 'kin. "Nasa'n ang kuya mo, Serene?" Ngumiti naman agad ako kay mama tsaka siya hinalikan sa pisnge. "Good morning ma. Asa room niya po ata." "Ah gano'n ba? Sige paki-sabi na lang sa kuya mong bumaba siya maya-maya, ay sasabihin lang ako," sabi ni mama tsaka muling nagpatuloy sa paglalakad. Nakasunod lang naman ang tingin ko sa papalayong bulto ni mama tsaka napakibit-balikat. KINAGABIHAN. Maraming bisita na ang naka-abang sa ibaba. Habang kaming dalawa ni kuya ay naghahanda pa lang. I wore off shoulder red velvety dress paired with black high heels and a light makeup. Nakalugay lang din ang hanggang beywang kong buhok habang ang dulo nito'y naka-curl. When I was already satisfied with my look ay kaagad akong pumunta sa kwarto ni kuya. Naabutan ko naman siyang nas harap ng salamin habang inaayos ang tux na suot. Syalen 'di ba? Nakangiting lumapit ako kay kuya tsaka siya niyakap ng mahigpit. "Happy 26th birthday kuya ko," malambing na bati ko sa kaniya. Tumigil naman siya sa ginagawa tsaka ako hinarap. "Asus! Naglalambing na naman si bunso." "Gurang ka na kuya, hihi. Pero until now wala ka pa ring gf," natatawang sabi ko tsaka kumalas sa pagkakayakap sa kaniya. Napasimangot naman si kuya tsaka pinisil ang magkabilang pisnge ko. "Pang-asar ka talaga Sereneeeee!" gigil na aniya. Tinampal ko naman agad ang kamay nito tsaka siya sinamaan ng tingin. Putcha! Feel ko matatanggal pisnge ko. Huhuhu ang sakittt! Imbis na maawa sa 'kin ay tinawanan niya pa ako. Walang hiya talaga, hmp! Natigil lang kami ni kuya ng may kumatok. Maya-maya pa'y bumukas ang pinto at bumungad sa 'min ni kuya ang organizer ng party tsaka sinabing maghanda na dahil magsisimula na raw ang party. Sa muling pagkakataon ay binati ko si kuya tsaka siya iniwan sa kwarto niya. Hayst sana naman ay hindi masira ang gabi ko sa pagmumukha ni Tana. ___ "Yo! Happy birthday 'tol!" masiglang bati ni kuya Nero kay Kuya. Nasa isang table lang kami nina kuya Nero, Kuya Harkin, Timo and Sir Adriel since dito ko talaga gustong umupo. Ayoko makisama sa kina mama, hindi naman kasi ako maka-relate sa usapan nila. "Salamat. Asan na regalo ko?" nakangiting bungad naman ni kuya sa mga ito. Napaismid naman ang mga ito tsaka pinakita kay kuya ang middle finger nila. Sabay-sabay pa talaga sila kaya 'di ko mapigilang matawa. "Ito oh, regalo." ani kuya Harkin. Napairap naman si kuya tsaka sinamaan ng tingin ang mga kaibigan niya. "Ewan ko sa inyo. Mga fake friends kayo!" Natawa langang mga ito tsaka inasar-asar si kuya. Maya-maya pa'y nakita kong paparating si Niesha. Nakangiti pa siya ng malawak at nang makarating sa harap ni kuya ay nilahad nito ang kamay na may hawak na maliit na box. "Hi kuya Sydrick. Happy birthday! Sorry kung ito lang, wala na kasi akong maisip na ibigay sa 'yo," nahihiyang ani niya. Napakamot naman sa batok niya si kuya tsaka ngumiti kay Niesha. "Seriously Sha, it's fine. And thank you sa gift." ani kuya. Kita ko naman agad ang pamumula ng pisnge ni Niesha dahil doon. Napailing na lang ako. Kinilig ang bruha haha. Pinaupo ko na lang siya sa tabi ko habang muling nag-usap sina Kuya at mga kaibigan niya. Naramdaman ko namang siniko ako ni Niesha. Nang mapatingin ako sa kaniya ay halatang nagpipigil siyang tumili. "Kita mo 'yon, bes? Nginitian ako ni Sydrick! Kinikilig akoooo!" Napairap na lang ako. Ang OA talaga ng isang 'to. Nginitian lang eh. "Ewan ko sa 'yo Niesha," naiiling na sabi ko na lang at hinayaan siyang magpantasya kay kuya. Nagpa-alam na lang ako kina kuya. Tumango lang naman ito kaya nagmadali akong pumunta sa likld ng bahay kung nasaan ang pool. Wala, trip ko lang mapag-isa ngayon. Mags-senti muna ako, ahihi. Charot. Tinaggal ko ang heels na suot bago nilagay sa gilid ko tsaka umupo sa edge ng pool at nilublob ang paa sa tubig. Nanuot naman agad sa akin ang malamig na tubig idagdag mo pa ang malamig din na simoy ng hangin. Maya-maya pa'y naramdaman kong may naglagay ng kung ano sa balikat ko. Napahawak na lang ako rito tsaka napa-angat ang tingin sa taong naglagay nito. "It's cold out here," aniya gamit ang malalim na boses. Ngumiti lang naman ako tsaka hinigpitan ang kapit sa coat ni Sir Adriel. "Thank you," ani ko. Umupo naman si Sir Adriel sa tabi ko. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa binasag niya ang katahimikan. "You look beautiful with that dress, nice." Namula naman agad ang pisnge ko dahil sa sinabi niya. Napatingin pa ako sa kaniya na nakatingin din pala sa akin. "Talaga?" He smiled and it feels like I was drowning. Sheyt! Ang gwapo ni Sir Adriel pag ngumingiti! Kyahhh! "Yes. Very." saad niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Ngayon ko lang din napansin, sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. At amoy na amoy ko rin ang mabangong pabago niya pati na rin ang hininga niya. Wala sa sariling napakagat ako ng pang-ibabang labi ko dahil sa kakaibang pakiramdam na naramdaman ko habang katabi siya. Nang muling magtama ang mga tingin namin ay hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko't nagawa ko ang bagay na iyon. Dahil ng muling magtama ang mga tingin nami'y nakita ko na lang ang sariling hinahagkan ang mapupulang labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD