“HELLO? Babe, hello!” Inilakas pa ni Maxene ang boses nang pakiwari niya ay bababaan siya ng telepono ni Daniel. Alas dos na ng madaling-araw nang marinig niya ang ugong ng kotse ng nobyo. Sadyang hinihintay niya ang pagdating nito. Sinilip niya ito mula sa bintana ng sariling silid at nakita niyang papasok na sa gate ang sasakyan nito. Hinintay muna niyang makababa ito ng sasakyan at nang makitang nagbuhay na ng ilaw sa silid nito ay agad niya itong tinawagan. Mabilis naman nitong sinagot ang cellphone pero laking gulat niya nang sa halip na sumilip sa bintana ay isinara pa nito ang kurtina niyon. “Babe, ano ba! Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” asik niya rito. Ilang nakaiinip na sandali pa ang lumipas bago ito sumagot. “Come on,

