“ANO ba kasi ang ginawa mong bata ka?” tanong ni Yaya Metring kay Daniel. “Aba’y darating na ang mga magulang ni Maxene, baka abutan ka dito.” “Hindi ako aalis, Yaya, hangga’t hindi kami nagkakausap kaya please lang, pakisabi kay Maxene na lumabas na dito.” “Aba’y ayaw nga niya e.” “Sige na po, i-try niyo ulit. Please, please, please, Yaya…” “Naku, ang mga batang ire! Ako pa ang bubuwisitin, eh!” Nginitian niya ito nang alanganin. Pumasok na ang matanda sa loob ng silid ni Maxene at siya naman ay naiwang naghihintay sa labas. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng kwarto. Nakangising mukha ni Yaya Metring ang bumungad doon. Agad siyang kinabahan pero nakahinga rin nang maluwag nang makitang kasunod nito si Maxene. Tahimik

