Chapter 21

1244 Words

FIFTEEN minutes nang namimitig ang mga paa ni Maxene kahihintay sa nobyong si Daniel. Kanina ay tinawagan niya at sinabing magkita sila nang alas-kuwatro sa gate ng unibersidad. Tumanggi ito dahil may usapan raw sila ng kanyang Kuya Migz pero nagpilit pa rin siya.             “Sino ba ang mas mahalaga sa’yo, ako ang basketball mo?” tanong niya rito sa cellphone.             “Babe, ikaw, siyempre, but I can not tell that to Migz. Not yet, at least at alam mo iyon.”             “Ah, basta! Sunduin mo ako nang four o’clock!”             “May problema ba?”             “Oo, meron!”             “What?”             “I didn’t see you the whole day! Nagpunta na ako ng canteen, ng library…pati ‘yung punong tinatambayan ninyo ng barkada mo ay pinuntahan ko na rin pero hindi kita nakita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD