Chapter 10

1296 Words

“SINABI niya iyon?” hindi makapaniwalang tanong ni Alaine nang araw na bumisita ito sa kanila. Nasa school pa si Daniel kaya sa bahay nila ito nagpunta.             “Oo. Sabi pa niya, gusto niya talaga sa babae iyong magandang-maganda. Saka sexy. Kahit daw maging mag-asawa na kayo, dapat daw ay hindi ka magbago sa pagiging maalaga sa figure mo.”             “Hindi ko alam na particular pala siya sa looks.”             “He is. Sabi ko nga, siyempre, lalaki na ang katawan ng babae oras na magkaasawa at magkaanak. Sabi ba naman, wala sa plano niya agad ang mag-anak. Siguro nga kasi, ayaw niyang masira agad ang beauty mo kaya ganoon. Hoy, ang sweet ha. She really loves you, my friend.”             Sa halip na mapangiti ay tila disappointment ang expression na nababanaag niya kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD