Chapter 5

1096 Words
"KUYA, hindi ka ba lalabas ngayon?" tanong ni Maxene sa kapatid na naglalaro ng basketball. Ang totoo, humahanap lang siya ng tiyempo para matanong ito tungkol kay Daniel. Kahapon pa kasi niya hindi nakikita ang lalaki. Nagpunta siya sa bahay nito kahapon para humingi ng impormasyon kay Trina pero maging ang katiwala ay hindi alam ang whereabouts ng amo nito. "Nope. Ikaw? Sabado ngayon, you should go out with your friends." Nagkibit siya ng balikat. "Ayokong lumabas. Nami-miss ko itong bahay," alibay niya. "Teka, parang hindi ko yata nakikita si Dan—Kuya Dan?" "Pinapunta siya nina Tito sa Isabela. May pinaasikaso daw doon pero ang alam ko ay uuwi na rin iyon kung hindi mamayang gabi ay baka bukas. Nami-miss mo ba?" Marahas siyang napalingon sa direksiyon ng kapatid pero mukhang balewala naman dito ang tanong nitong iyon. Sige lang ito sa pagdi-dribble ng bola at pagsu-shoot sa ring ng half court nila. "Bakit ko naman iyon mami-miss? Puro pang-aasar lang naman ang ginagawa niyon sa akin." "Really? Parang hindi iyon ang alam ko ah..." "Ha? What do you mean, Kuya?" Bigla siyang kinabahan at mabilis na napalapit sa kapatid na naglalaro. "Wala. Ang ibig kong sabihin, okay na pala siya ngayon. Huminto na raw sa pang-aabala sa kanya si Carmie at balita ko, pinili na lang mangibang-bansa noong tao." Kahit paano ay naawa siya sa babae. Hindi naman nito kasalanan kung magmahal ito sa isang tulad ni Daniel. Kaparis niya na parang bulag sa pag-ibig, walang sawa at patuloy pa ring nagmamahal. "Mabuti na rin iyon, Kuya, kaysa naman patuloy siyang umasa gayong siya lang ang nagmamahal." Nakangiti siyang pinagmasdan ng kapatid pagkatapos ay ginusot ang kanyang buhok. Napasimangot siya at madaling inagaw ang bola mula rito. Ilang saglit pa ay naglalaro na silang dalawa ng basketball. ANG 'uuwi na raw' na sinasabi ng kuya ni Maxene ay hindi natuloy. Apat na araw na at miss na miss na niya si Daniel pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikita kahit anino nito. Makailang ulit na rin siyang nagbalik sa bahay nito at maging ang mommy nito ay hindi rin matiyak kung kailan uuwi ang anak. Mukhang nasiyahan raw ito sa pagbisita sa mga kamag-anak sa Isabela at hanggang ngayon ay hindi pa nito naiisipan ang umuwi. Araw-araw ay malungkot siya. Napapansin na rin siya maging ng mga magulang pero hindi niya alintana ang mga ito. Hindi talaga normal ang buhay niya kung wala ang kanyang si Daniel. Napalingon siya sa kanyang cellphone na nasa bedside table niya. Naroon ang numero ng lalaki pero nahihiya naman siyang i-text ito. Ano naman ang posible niyang sabihin rito? Na nami-miss na niya ito kaya't bumalik na ito agad ng Maynila? Pero talagang gustung-gusto na niya itong makausap. Siguro, kahit isang text lang buhat dito ay masayang-masaya na siya. Mabilis na nagdesisyon ang puso niya. Kinuha niya ang cellphone at agad na tumipa ng message roon. Hi Kuya! Haven't seen u for days ha. Kmusta n? Bago pa makapag-isip ay madali na niyang isinend ang message. Isa, dalawa, hanggang tumuntong ng limang minuto ay hindi pa tumutunog ang message alert niya. Bigla niyang sinisi ang sarili. Dapat ay hindi na niya ito tinext. Napahiya pa tuloy siya. Sino nga ba naman siya para pag-aksayahan nito ng panahong i-text? Inis na inis talaga siya at pakiwari niya ay sasabog na ang kanyang dibdib sa hinanakit rito. "Be?" Muntik nang mapalundag si Maxene nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid. For a second, she hoped it was Daniel but it wasn't him. Mommy niya ang sumungaw sa dahon ng pinto. "Baby, what are you doing here? You're supposed to enjoy your day, hija. Walang pasok sa eskuwela, hindi ba?" Matamlay siyang napatango. "Foundation week, 'Ma. Ayoko lang talagang pumasok." "And may I know why?" malamyos nitong tanong sabay upo sa gilid ng kanyang kama. She shrugged her shoulders. Kung puwede lang niyang sabihin rito ang nararamdaman ay ginawa na niya but she knew it would only cause trouble. Of course, her parents loved Daniel but it was on a different level. Madalas nga niyang marinig ang disapproval ng mga ito sa ginagawang panliligaw ni Daniel sa kung sino-sinong babae. Pinagsasabihan din ng mga ito ang kapatid niya na huwag raw pumaris sa kaibigan nito. Daniel had been a son to them but they were not approved of his being playful to women. Hindi niya gugustuhing sa mga susunod na araw ay siya naman ang pagsabihan ng mga itong umiwas kay Daniel. Hinding-hindi niya iyon kakayanin. "I'll be fine, 'Ma. May nakasagutan lang ako sa school kaya ayokong pumasok kung wala rin lang klase. Simpleng misunderstanding lang among friends but don't worry, we'll soon talk about this matter." "Are you sure?" paniniguro nito na tinugon niya ng isang ngiti at pagtango. "All right, I'll leave you for now. Three days kami ng daddy mo sa Dubai ha. Be good." "Of course. Promise me to keep safe, okay." Hinagkan niya ang ina sa pisngi at matapos ang ilang bilinan ay lumabas na ito ng silid. Hustong kasasara lang ng pinto nang tumunog ang kanyang cellphone. Madaling lumipad ang paningin niya sa kinaroroonan niyon. Mabilis niya iyong kinuha at binasa. 'Ayos, Be. Musta?' Tatlong salita lang pero parang mapapatalon na siya sa ibabaw ng kama sa sobrang saya. Hindi siya makapaniwalang nag-reply si Daniel! Talagang nami-miss na niya ang kumag. 'Himala. Mukhang nag-enjoy ka sa bundok?' sagot naman niya agad. She wanted to keep him while he was on the mood to text. 'It's actually nice to be back here." Saglit siyang na-disappoint. Parang wala namang interes makipagpalitan ng text ang mokong. Mukhang out of courtesy lang kaya ito sumasagot. Dahil doon ay bahagya siyang natigilan sa pag-iisip ng ire-reply dito. Nasa gaanoon siyang akto nang muling tumunog ang message tone niya. 'Kmusta nman ang Be q? How's your day?' Doon siya tuluyang kinilig. Daniel was really sweet. How could women resist his charm? Nag-type siya nang pagkahaba-haba pero sa huli ay nagbago rin ang isip niya. Ipinasya niyang maikling message na lang ang i-send kay Daniel para hindi naman siya masyadong obvious. 'I'm always fine. G2g, Kuya. Need to wake up early tom pa.' Pagka-send niya ng message ay saka naman niya iyon pinagsisihan. Hindi pa siya kuntento sa kapirasong palitan nila ng messages ni Daniel. Inis na inis siya sa sarili sa nagawa. Kung bakit kasi napaka-impulsive niya. Noon muling tumunog ang kanyang gadget. 'Orayt. Take care of our baby while Daddy is out of town ok. He-he. Slip tyt, Be...' Nanlaki ang mga mata niya sa reply na iyon ng lalaki. Maagap niyang tinakpan ng unan ang bibig at saka tumili nang ubod lakas. Hinagis rin niya sa paanan ng kama ang cellphone para mapigilan ang mga kamay na muling mag-text sa kanyang si Daniel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD