Chapter 4

1542 Words
"BAKIT hindi ka na nakakibo? Hindi mo ba 'ko mahal, Be?" Napatitig si Maxene sa maamong mga mata ni Daniel. Is it already time to tell him she loved him? "Mahal...siyempre." 'Matagal na...' "Aba'y dapat lang! Kuya mo kaya ako kaya dapat lang na hindi mo 'ko pabayaang mag-asawa nang wala sa panahon, hindi ba?" 'So iyon pala ang ibig niyang sabihin...' "For the meantime, let's go downstairs; you need to eat your dinner. Kailangan mong kumain para may lakas ka bukas." "B-bukas?" "Yap. Kasasabi mo lang na tutulungan mo ako, hindi ba? We're going to start everything tomorrow. Ikaw at ako, magpapanggap na engaged couple." Napatingin si Max sa dalawang index finger ni Daniel na pinagdaiti pa nito. Noon lang parang pumasok sa sistema niya ang ibig sabihin ng lalaki. Magpapanggap siyang nobya nito sa harap ng pamilya ni Carmie! 'Nananaginip ba ako, Lord? Puwede bang huwag mo na 'kong gisingin bukas?' "K-kuya, hindi ba tayo mabubuko ng Carmie na 'yan?" "Mabubuko tayo if you'll keep calling me 'kuya.' Mula ngayon, sanayin mo na ang sarili mong tawagin akong Be o kaya ay Daniel para mas kapani-paniwala." Hanggang maihatid siya ni Daniel sa komedor ay hindi na siya nakakibo. Natauhan lang siya nang magpaalam na itong uuwi at dampian siya nito ng halik sa ibabaw ng ulo. Gusto niyang manginig sa sobrang kilig. TRUE to his words, maaga ngang dumating si Daniel sa bahay ni Maxene kinabukasan. Nakipag-usap ito sa kuya niya at ipinaliwanag nito ang pangyayari and to his surprise, his brother was approved of the idea. Hindi raw kasi nito gusto si Carmie para sa kaibigan. He even encouraged her to act as normal as she could. Kailangan raw ay maniwala nang husto ang pamilya ni Carmie sa palabas nila. Pagkaalis ng Kuya Miguel ni Maxene ay agad nang sinimulan ni Daniel ang 'rehearsal' nila. Kailangan raw na umakto siyang totoong nobya nito at para maging totoo iyon ay magkukunwari siyang nagagalit dito. Alas-dos daw ng hapon darating si Carmie sa bahay nito at iyon ang oras na babantayan niya. Kailangang sumulpot siya roon pagdating na pagdating ng mga bisita. She was supposed to be mad dahil siya ang totoong nobya. Bahagya siyang umalma sa puntong iyon. "Buong pamilya sila tapos gagawa ako ng eksena? Hindi kaya ng powers ko iyon, Kuya..." "There you go again...call me Be, okay!" "Okay, Be na kung Be! Paano ako aarte nang ganoon mamaya, Be, kung marami silang nanonood sa akin, Be?" tanong niyang sinadyang bigyan ng diin ang 'Be.' Napangiti si Daniel at ilang saglit na tila nahulog sa kinalalagyan ang puso niya. "Kung handa mo talaga akong tulungan, you'll do everything, whatever it takes to make her believe you really are my fiancée. Paano silang maniniwala kung hindi ka magagalit? Remember, nagtaksil ako sa'yo dito. Ikaw ang nobya ko at malapit nang pakasalan two months from now but I kept seeing other woman. Right, Be?" "Two months?" "Hey, of course it was just a facade. Motivate yourself, honey. I need you to do it." "Ah, okay," tangi niyang naisagot. It took Daniel almost an hour to tell her everything she needed to do. Well, hindi naman iyon mahirap para sa kanya. Mas mahirap pa ngang magkunwaring wala siyang damdamin para dito kaysa sa pinagagawa nito. Isa pa, hindi rin naman niya talaga gustong mag-asawa nang wala sa panahon ang kanyang si Daniel kaya handa siyang gawin ang kahit ano para mapigilan ang ano mang plano ng Carmie na iyon. TWO QUARTER na nang dumating ang mga bisita ni Daniel. Tulad nang napag-usapan, madali niyang inayos ang sarili at dala ang isang long stemmed rose ay binagtas niya ang daan patawid sa bahay nito. Sa bungad pa lamang ng pinto ay nakita na niya ang tatlo-kataong bisita ni Daniel. Isang matandang lalaki na may katabing babaeng natitiyak niyang maybahay nito ang nakaupo sa mahabang sofa. Si Carmie naman ay nakatabi kay Daniel, pilit na hinahawakan ang braso ng hindi mapakaling lalaki. Perfect scene. Doon siya umentra. "Hi, Be! Oh, I'm sorry...may mga bisita ka pala?" Inilibot niya ang paningin sa mga ito, pagkuwa'y sinadyang pagtagalin ang tingin kay Carmie at sa kamay nitong nakapulupot sa kanya. "What's this supposed to mean?" tanong niya. Si Daniel ay mabilis na tumayo at humakbang palapit sa kanya. Kasunod naman nito si Carmie. "Baby, let me explain. May naging...I'm sorry, I should've told you earlier." "Told me what? Naparito ako para magpasalamat sa bulaklak na ito pero...what's really happening here?" "Hey, young lady..." Napalingon siya sa matandang lalaki. He cleared his throat before he continued. "My name is Freddie Montereal and this is my wife Melba. Here is my daugther, Carmie and we're here to...well, we're here to talk about Daniel and my daughter's wedding." "What?!" kunwa'y gulat na gulat niyang bulalas. "Be, ano 'to? Can you please tell me what's happening here?" hysterical na niyang tanong. Si Daniel naman ang tumikhim at saka siya hinawakan sa magkabilang balikat. "I need you to understand me, Be. I know you've been very honest and true to our relationship but you see, it's not easy for a man like me to...to..." "Diretsahin mo na nga ako! Ayaw mo na sa relasyon natin at siya ang ipinalit mo sa akin, ganoon ba?" "Lalaki lang ako at masyado kang naging abala sa pag-aaral at mga kaibigan mo. I also have needs and—" "How dare you to talk this way in front of us, Mr. Fulgencio!" galit na galit na sigaw ng ina ni Carmie pero mabilis itong inawat ng asawa. The man was calmed but looked dangerous. "Let them talk, Mommy. We need his answer immediately so let them talk," anito. Muli siyang nilingon ni Daniel at mababakas sa mga mata nito ang paghihirap ng loob. "I love you, Be. Ikaw lang ang minahal ko nang ganito pero sa tingin ko, hindi talaga tayo para sa isa't-isa." Nabigla siya sa tinuran ni Daniel. Hindi iyon ang usapan nila. They both agreed to one thing. Ang kailangan ay umarte siyang nagagalit at ito naman ay diretsang sasabihin sa mga ito na hindi nito mahal si Carmie at sa halip ay siya ang pakakasalan nito. Ano ang mga pinagsasasabi nito ngayon? "Be..." "Patawarin mo sana ako pero kailangan ko itong gawin. I need to marry her—" "No!" napalakas niyang sabi. Agad na namuo ang mga luha niya sa mga mata sa isiping ikakasal ito sa iba. Ang pinakamamahal niyang si Daniel, ang kanyang si Daniel, magiging pag-aari na ng Carmie na ito? "Hindi ako makapapayag! Ako ang fiancée mo kaya't ako ang dapat mong pakasalan!" Tuluyan na siyang pinamukalan ng mga luha pero sige pa rin siya sa pagkumbinse kay Daniel. He shouldn't have changed his mind. Hindi ngayong narito na siya para rito! "May nangyari na sa amin kaya may pananagutan na sa akin si Daniel!" Mabilis na napalingon si Maxene kay Carmie. Taas-noo ito habang nakaingos sa kanya at ang mga braso ay magkasalikop sa dibdib. Mabilis siyang napailing, muling hinarap si Daniel at saka ito hinawakan sa mukha. Inilapit niyang maigi ang sarili rito at sa nanginginig na tinig ay pilit itong pinakiusapan. "Be, don't do this to me. Ako ang mahal mo, hindi ba? Mahal din kita at hindi ko kayang mabuhay nang wala ka sa tabi ko. Please, Be, huwag mo naman 'tong gawin sa akin..." "Hindi ka ba nakikinig? May pananagutan na sa akin si Daniel so you better leave us alone because we need to—" "Ikaw ang hindi nakikinig!" putol niya sa sinasabi ni Carmie. Dinuro pa niya ito ng isang daliri at napaatras ito. "May nangyari sa inyo, fine! Ano ngayon? Buntis ka ba?" "Hindi pa pero—" "Puwes, buntis ako!" Parang iisang taong napabulalas ng pagkagulat ang mga naroon liban kay Daniel. Gayunman ay nahalata rin niya sa mga mata nito ang pagkamangha. "Yes, I'm pregnant at iyan ang bagay na sasabihin ko kay Daniel ngayon kaya ako naparito. Now, if you'll excuse us, we need to talk about us...and our baby." Malakas na hagulgol ni Mrs. Montreal ang bumasag sa pagkagulat ng mga ito. Mabilis itong niyakap ng asawa, pagkuwa'y magkaagapay na humakbang palapit sa kanila. Pagtapat kay Carmie ay hinawakan na rin nito sa braso ang babae at saka huminto sa tapat nila. "Pasalamat ka lalaki dahil may pananagutan ka sa babaeng ito. Kung hindi ay hindi ako mangingiming saktan ka, kahit para man lamang sa anak ko." "Pero Dad—" "It's over, Darling. He doesn't love you and you even told me that earlier. Hindi ito tama simula pa lang." "But how about me?" "You'll survive, don't worry." Iyon lang at madali na nitong iginiya ang dalawang babae palabas ng pinto. Nang tuluyang makaalis ang mga bisita ay saka siya hinarap ni Daniel. Isang suntok naman sa tiyan ang ibinigay niya na nagpaigik rito. "Bakit?" taka nitong tanong. Mabilis na pinahid ni Maxene ang mga luha niya sa pisngi at saka ito hinarap. "Bakit? Ano ito, trip? Pagkatapos mong sabihin sa akin ang mga gagawin natin, biglang ganito? Ginulat mo 'ko doon ah!" "Did I? It wasn't obvious. You could make a good actress, Be! "Tse! Bakit mo iyon ginawa? Bakit mo sinabing pakakasalan mo si Carmie? Paano kung...paano kung—" "I knew you wouldn't let me." "So ganoon? Malakas ang loob mong magpasakay nang ganoon dahil alam mong ipagpipilitan kong agawin ka? What if I changed my mind last minute? Paano ka?" "Trust me Be, I knew you wouldn't." "Hah, ganoon! Paano ka naman nakasiguro?" "Because you have my baby." Mabilis itong nagtatakbo papanhik ng hagdan matapos sabihin iyon. Iiling-iling siyang napasimangot. Maya-maya pa ay namalayan niya ang sariling hinahabol ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD