Yezenia Hipolito's P.O.V. Pero para matupad ang pangako ko sa aking anak ay dapat gumawa ako ng hakbang. Buong araw akong hindi pumasok sa trabaho. Kailangan kong pag isipang mabuti ang mga dapat kong gawin. Una sa listahan ko ay ang pag uwi sa amin sa Cavite. Gusto kong doon ako manganak, kung saan din ako napanganak. Isa pa ay naroon ang parents ko kaya hindi ako masyadong mahihirapan sa pagbubuntis. Lalo na at alam kong hindi ako papabayaan ni Mama. Pero ang inaalala ko ngayon ay kung paano ko sasabihin sa kanila na hindi na kami magkakasama ng ama ng batang dinadala ko. Napabuntong hininga ako at napalabi. Napasabunot ako ng mahina sa aking buhok at tinungga ang fresh milk na nasa harapan ko. First of all, bago ako umuwi sa Cavite dapat ay maayos akong umalis dito sa Pampanga. I

