Yezenia Hipolito's P.O.V. Hindi ko alam ang magiging reaction ko. Matatawa ba ako? Mahihiya dahil sa ginawa nila o maiinis sa kanila? "Ginawa niyo talaga iyon?" hindi pa ring makapaniwalang sambit ko. Nakanganga pa rin ako dahil doon. Tumayo silang dalawa at nag apir. "Alam mo naman na ayaw na ayaw kong naagarabyado ang isa sa ating tatlo," ngumisi si Ryuri at pinagbangga ang palad at ang fist bump niya. Mabilis na sumang ayon si Yana. Napatayo na rin ako. "I know. But I just didn't expect that. Anong naging reaksyon niya?" medyo natatawa kong tanong. I am imagining Ryuri and Yana walking like a badass and banging Hyeighden's office door. Tapos pagkapasok nila ay sinuntok at sinabunutan ito. Napaka savage naman talaga ng mga kaibigan ko. Yana flipped her hair. "He is so shookt. Pe

