Chapter 2: Proposal

2016 Words
Yezenia Hipolito's P.O.V. "Nice to meet you," he whispered. "Again," and he smirked at me. Nakasandal pa rin ako sa aking kotse at nasa harapan ko pa rin siya. Amoy na amoy ko ang kanyang bango at mas lalo akong nahihipnotismo sa kanya.  "Ahmm," hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nangangapa ako ng mga salita. "You left your pumps on my condo," tinaasan niya ako ng isang kilay. Mas lumapit pa ang mukha niya sa akin. Ako naman ay hindi man lang umiiwas. "Can I get them back?" sa wakas ay nakapagsalita na ako ng maayos. Malakas ang t***k ng puso ko. Hindi pa rin ako sanay na pinapansin niya ako. Akala ko pa naman ay matatapos na iyon noong iniwan ko siya pagkatapos ng nangyari sa amin. "Of course," tumayo na siya ng maayos at namulsa. "Kailan?" tanong ko. I look like I am desperate for my black pumps. Pero ang totoo ay gusto ko lang na mas magka moment kami. "You know what. You are the first girl who left me after a wild night in bed," hinawakan niya ang baba niya at tumitig ng mataimtim sa akin. Napalunok ako. "What?" hindi makapaniwalang tanong ko. So hindi lang ako? Natural, Yezenia! Sa gwapo niyang iyan sa tingin mo ay ikaw lang ang papatulan niya? Ah! Neknek mo! "Why did you left?" he asked. Now I get it kung bakit siya nandito. It was his frist time to be left after a wild night in bed. So he took me as a challenge. Akala niya siguro ay hard to get ako. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. "I need to go home. May inasikaso ako," pagsisinungaling ko. Tumango tango siya na para bang ayaw maniwala sa akin. "Glad that I am the boss now here," imbis ay saad niya. He is loving the idea just like how I love it too. Tumunog ang cell phone ko kaya naman kinuha ko iyon mula sa aking bulsa. "Excuse me," I said and answered the call. "Saan ka na? Iyong utang mong kwento sa akin," pagmamaktol ni Yana mula sa kabilang linya. "Saan ka ba? Pupuntahan na lang kita," sagot ko habang nakatingin sa taong nasa harapan ko. Pinapanood niya rin akong makipag usap. Tila ba interesado siya sa usapan namin ng katawagan ko. "I'm here. The same bar," she answered. Napakunot ang noo ko. "What? Bakit nasa bar ka na naman?" tanong ko. Naku naman. Ayaw ko pa namang pumunta sa bar ngayon. "You're going to a bar?" akusa sa akin Hyeighden. Para bang nanggigigil siya sa sinabi ko. "Uyy sino 'yung nagsalita?" sabat naman ng nasa kabilang linya. "I am meeting my friend," I explained to him. Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Really?" "Yana, I will just call you kapag nandyan na ako," pinatay ko na ang tawag at hinarap muli ang lalaki. "If you are thinking na kaya ako pupunta sa bar para makipagkita sa ibang lalaki. Then you're wrong," pagmamataray ko. Itinaas niya ang dalawa niyang palad. "I didn't said anything." "But your expression says that," ngumuso ako at binulsa na ang aking cell phone. Ayaw ko man siyang iwan. Ayaw ko man putulin ang pag uusap namin ay kailangan kong puntahan iyong kaibigan ko. Baka magpakalasing pa iyon doon. "I'm going," saad ko at tumalikod na sa kanya. Binuksan ko na ang pinto ng kotse ko at sumakay na. Kumatok siya sa bintana at sumenyas na ibaba ko iyon. Ginawa ko naman ang gusto niya. "Bakit?" "I will go with you," he said. "What?" gulat na tanong ko. Pakikurot nga ako ng magising ako sa panaginip na ito. Is this for real? "I said I will go with you," he clarified. Tumingin ako sa kotse niya. "How about your car then?" I asked. It's not like that I don't want him to go with me. Pero paano siya uuwi? "Ihahatid mo ako pa uwi," maawtoridad niyang saad. Sinagot ang tanong sa aking isipan. Tumitig lang ako sa kanya. Ilang segundo rin iyon kaya napangisi siya. "Move," he said. Binuksan niya ang pintuan. Hindi na ako lumabas at sa loob na lang ako dumaan para makalipat sa kabila. Mabilis akong nagtipa sa cell phone ko. May pagkamadaldal si Yana at baka masabi niya bigla ang feelings ko para kay Hyeighden. Nagsisimula pa lang kami kaya ayaw ko munang ma spoiled iyon. Baka agad ay matapos ang kasiyahan ko. "You're so eager to text, huh," he mocked. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Hindi ka ba busy?" bagkus ay tanong ko. Humarap siya sandali sa akin at nagkibit balikat. Pagkatapos ay nagpatuloy na sa pagmamaneho. Hindi ako nirereplayan ng kaibigan ko kaya naman hindi ko alam kung nakita niya ba ang ipinadala kong mensahe o hindi. Nang makarating kami ay napakagat ako sa labi ko ng may kasama pang ibang babae si Yana. Nandito si Ryuri! Na sobrang daldal. Napatayo silang dalawa at binati ang kasama ko. "Good evening po, Sir," sabay pa nilang sambit. Na sa may mga sofa sila rito sa bar kaya kasya kaming apat. Umupo na ako at pinadyak ni Ryuri ang aking paa. "Bakit kayo magkasama?" ma-issue niyang bulong. Hindi ko siya pinansin at kunwari ay wala akong narinig. Bumaling ako kay Yana at siya naman ang mapang asar na nakatingin sa akin. "What will you drink?" tanong ng katabi ko. "Sure ka ba na hindi ka busy?" pagtatanong ko ulit. Baka kasi nakakaabala na ako. Isa pa ay kakalipat niya lang sa company nila rito sa Pampanga kaya for sure ay maraming inaasikaso. Pinangnikitan niya ako. "Pinapaalis mo ba ako?" mataray niyang tanong. "Ah, ganyan lang si Yezenia, Sir. Palabiro," sagip ni Ryuri. "Nahihiya lang siguro sa inyo. Crush ka pa naman niya," panlalaglag nito. Nanlaki ang mga mata ko dahil doon at pinadyak ko siya ng mahina. Siya naman ngayon ang hindi pumansin sa akin. Gumaganti dahil hindi ko siya pinansin kanina. Ang isa ko pang kaibigan ay wala man lang balak na iligtas ako sa kahihiyan. Nakitawa pa and take note ah, malakas na tawa. Hyeighden smirked at me. Tumayo siya pagkatapos at nagtungo sa counter. Pagkaalis na pagkaalis niya ay tumayo ako at nilapitan ang napakadaldal kong kaibigan. "Kainis ka talaga, Ryuri," pagmamaktol ko. "Tinulungan lang kitang umamin sa crush mo," parang bata nitong sambit. Binalingan ko ang isa. "Isa ka pa. Hindi mo man lang ako tinulungan," ngumuso ako at umupo na. "Ikaw naman kasi may pasabog ka pala hindi mo man lang sinabi," pagmamaldita ni Yana. "Ihh. Basta kasi. Hindi niyo pa alam ang full story," salaysay ko. "Whatever. Hindi mo man lang sinabi sa akin na close na pala kayo ng love of your life," dugtong niya. Parehas na nanlaki ang mga mata namin ni Ryuri. Agad na napa peace sign sa akin si Yana. "Ano? Totoo ba? Mahal mo si Sir Hyeighden?" gulat na gulat na tanong ng isa. Nanlalaki ang kanyang mga mata. "Did I heard my name?" salita ng kakabalik lang. Napasinghap kaming tatlo. Tila ba nabantay na may ginagawang masama. Nag isip ako agad ng magandang idadahilan. "Ah, sinasabi lang namin na sana maging mabait kang boss sa amin," nagmamadali kong saad. I awkwardly smiled and glared at my friends. Hindi ko alam kung ano ang naglalaro ngayon sa isipan niya. Narinig niya kaya ang buong sinabi ni Ryuri? Sana naman ay hindi. Hindi pa nga nagsisimula ang love story namin ay mapupunta na yata agad ito sa ending. Ang saklap naman talaga. "Alright," saad nito at tumango. Umupo na siya sa tabi ko. "Here's your drink," abot niya sa akin ng inumin. Napahinga ako ng maayos at tinaggap iyon. "Orange juice?" takang tanong ko. "Are you mocking me? Umiinom naman ako ng alak," natatawang saad ko. "That's the point. Umiinom ka ng alak kaya juice ang binigay ko sa'yo. Gets?" Napatigil ako. Is he being teritorial right now? Ayaw niya akong uminom ng alak kaya juice ang ibinigay niya sa akin. Or I am just assuming things? Gosh. Hindi man ako lasing ay namumula naman ang mukha ko. That night puro juice lang ang ininom ko. Hinatid ko rin si Hyeighden sa kanyang condo unit. Inaasar niya pa ako sa narinig niya kanina. Na may crush ako sa kanya. Kinabukasan ng gabi ay bumisita sa akin ang dalawa. Iyong utang ko kasing kwento ay hindi ko pa nasasabi. Nagdala sila ng mga pagkain. Mag fu-food trip kami. May chicken wings, pizza, at milktea. "Simulan mo na," naka cross ang mga braso ni Yana sa harapan ng kanyang dibdib. Prente silang naka upo ni Ryuri sa may sofa ko. Naghihintay sa aking kwento. Hindi naman na maitatago kay Ryuri iyon. Isa pa ay pinagkakatiwalaang kaibigan ko rin naman siya. Ilang taon na kaming magkasama sa trabaho. "I said my plan to you, na i-cocomfort ko si Hyeighden dahil nga broken hearted siya kay Liarra. That night when we go to the bar, pinuntaan ko agad siya. I thought I failed..." kwento ko. Kinuwento ko ang buong pangyayari. But the wild night is not detailed. Privacy ko na iyon. "Oh my gosh, Yezenia! Kaya ba siya ganoon ka alaga kahapon sa'yo," hindi makapaniwalang sambit ni Yana. "So you are saying na ang matagal mo ng minamahal sa wakas ay pinatulan ka na?" tanong ni Ryuri. Yup. She already knows about my long time feelings for Hyeighden. "Yes. And I never thought na magiging ganoon ang pakikitungo niya sa akin." "Baka naman kasi magaling ang performance mo kaya hindi ka makalimutan." "Sulitin mo na ang pagkakataon at paibigin mo na siya. Kesa naman bumalik siya ulit sa cheater na Liarra na iyon." "I will," I said with determination. I don't have a plan yet but I surely will give all my best to make him fall for me. Another day came and work is continous. Busy ako sa pagcheck ng mga numbers ng lumapit sa akin ang secretary ni Hyeighden. "Miss Hipolito, Mr. Heneson is calling you," he said with formality. Tumango ako. "I will just go there," sagot ko. Na una ng umalis sa akin ito. Tumingin ako sa may salamin at inayos ang nagulo kong buhok. Tumingin ako kay Ryuri at tumango sa kanya. Bakit kaya pinapatawag niya ako? Noong si Sir Hiance rin naman ay pinapatawag ako para mag report. Baka naman magrereport din ako? Pero sasabihin naman agad iyon sa akin para madala ang listahan eh. Naka upo na ang secretary niya sa assigned table. Dumiretso na ako sa pintuan at kumatok bago pumasok. "Bakit po Sir?" tanong ko. Nakasandal siya sa kanyang swivel chair at nakatitig sa akin. "I have something to say to you," he started. Tumayo siya at lumapit sa akin. "I have a proposal," dugtong niya. "Proposal?" napakunot ang noo ko. "What do you mean?" I asked. "Take a sit first," he said and goes back to his seat. Kalmado akong umupo sa upan sa may harap ng la mesa niya. Binuksan niya ang drawer at may kinuhang file roon. Pagkatapos ay inabot niya sa akin iyon. "Ano 'to?" "Open it and read," he casually said. Binuksan ko na at binasa iyon. Sa unang pahina ay tungkol sa agreement. Nang makalayo layo na ang nababasa ko ay nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pinaka point ng file. "What?" gulat na tanong ko sa kanya. "Isn't it, huh, you know I can't say it. Pero nasa trabaho tayo ngayon," napakagat ako sa labi ko. "Oh, so you don't want to talk about that here in our workplace? Then let's talk about it inside my condo unit," he suggested. Napatayo ako at napatalikod. "Don't you like my proposal?" he said with a hint of naughtiness in his voice. Bumuntong hininga ako at humarap sa kanya. "Are you sure about this?" I asked seriously. Tumayo siya at napataas ng kilay. Pinamulsa niya ang kanyang mga palad at nagtungo sa aking harapan. "I am," he said and captured my lips. "Meet me at my condo tonight if you want my proposal," he said and smiled. Napapikit ako at napangiwi. I don't know what to think right now. Papayag ba ako o hindi?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD