Yezenia Hipolito's P.O.V. Napatawa ng mahina si Hiance at napapiling sa kanyang kapatid. Agad naman na ibinaling ni Hyeighden ang tingin niya rito at masama ang ipinukol na tingin. Naglakad na siya ng tuluyan papasok sa may kusina. Ibinaba ko na ang mga kamay ko at tumigil na sa pagkurot sa pisngi ni Hiance. Namumula na kasi iyon. Baka mapasobra ako at masaktan siya. Baka mag iwan pa ng marka iyon. "So, are you on good terms now with my brother?" he asked and raised his one eyebrow. Napadila ako sa aking labi at nagkibit balikat. "Well, ayos naman kaming dalawa," sagot ko na lang. Naningkit ang kanyang mga mata at napaingos. "Hindi pa kayo nagkakabalikan?" tila hindi makapaniwala niyang sambit. Ako naman ang napasingkit ng mga mata. Parang may kakaiba. May kakaiba sa kanilang dalawa

