Chapter 7

2115 Words
Entry 10 Dear Diary, This past years, bumisita ang Papa ng Roma sa Pilipinas. Maraming nakiisa, yes, but I’m afraid mas marami pa ang pimples ko kesa sa mga dumalo ng misa ni Papa Francisco. Buti pa ang Papa, announced ang pagbisita e. E `yong pimples ko? Gate crasher much? Walang paalam, abiso, gano’n? Pakyawan? Kailangan isang bagsakan talaga? Okay lang sana kung kinabukasan walang pasok. Pero meron e. And what’s worse, nataon pang date namin ng kubot na Onin. Being a woman of decency, I reached out to him. Pinaalam ko na kung puwede i-postpone muna ang date kasi may pimples pa ako. By the way, pinalitan niya `yong date ng ‘date’ – from Saturday to today. And much to my surprise, this was how he answered: Una, hindi ito date. Ikalawa, kailan ba nawalan ng pimples `yang mukha mo? Ang astig nga e. Walang absent. Kung ikaw nasa kalagayan ko, Diary, anong gagawin mo? Anong gusto mong simulan? Ako? Well, gusto kong magsimula ng himagsikan, ng pag-aaklas, ng sigalot. Seswang, grabe siya. Ba’t gano’n? Hindi man lang marunong mambola or something. Eto rin naman kasing mukhang `to, lakas mang-bad vibes. Kasura. Siguro, dahil `to sa kakasalamin ko sa bagua. Tsanggalang Lotus Feet, sa`kin pa ata pinasa ang sumpa! Nahurot na lang ang concealer cream, `di pa rin mag-let it go `tong tigidig ko! Pistingyawa! Kinakantahan pa ata ako ng ‘Stay with me’ e. Besides bagua, sekreto lang natin `to, ha? Nagpunta kasi ako minsan sa Quiapo. Bumili ako ng produkto ng isang albularyo - oil siya na may krus sa loob ng boteng lapad. `Pag pinahid daw sa mukha, `di maglalaon e kikinis ka na. In-apply ko siya kagabi samantalang nanonood ng Naruto Shipuuden. Ngayon, anyare? Nag-kagibunshin technique. Actually, kanina balak ko ngang umabsent. Wala. Nahiya na ako e. Sinermonan pa ako ni madir na parang eto lang daw, `di na `ko papasok? `Di big deal sa kanya kasi maganda siya. I knew nasabi lang `yon ni mama para i-push ako pumasok. But actually, diary, that made me push myself to believe na, oo, hindi ako maganda. Na wala na `tong pag-asa (referring to my face). Dati, kutis lang source of frustration ko, ngayon pati mukha kasama! Walangya. Gusto ko dukutin mga mata ng madlang people sa school for looking at me in some despicable way. May mga tumatawa, nangungutya, bewildered, amazed, may iba rin namang napaka-vocal at literal na nag-komento ng “kawawa naman”. `Di ko na sana mararamdamang kawawa ako e kung `di ko lang talaga narinig `yan. So from first to last class, I wasn’t on my element. Binurol ko na mukha ko sa armchair while convincing myself na mas maganda pa sa akin si Mirabella `pag `di suot ang bulaklaking amulet. Hanggang sa may nambulabog sa`king pagdradrama. “Hoy! Babae!” Binato ako ng papel ng bulangog. Hindi ako kumibo ni nag-grunt man lang even no’ng lumapit siya sa puwesto ko’t kalabitin ako sa ulo. “Huy!” “Kansel na muna natin, Onin. Badtrip ako ngayon. Baka samain ka sa`kin,” ang sabi ko. “Hindi puwede. `Di ako nag-lunch dahil alam ko, sagot mo!” sabi niya. “Ba’t ka nagpagutom? Hunghang ka pala e!” sagot ko naman, raising my head. He reminded me of Tito Dolphy’s expression when he saw my pakening face. “Pa’no kung sabihin ko sa’yong tagmimisong tokneneng lang diyan sa kanto ang ililibre ko?” “Call!” aniya, binalik sa normal ang ekspresyon. “Basta ba unli e.” Tagmimiso nga lang para tipid gusto pa unli? Iba rin. So I said my ever trusted phrase. “Ba’la ka diyan.” “Bahala ako? `Ge ha, `pag ako nahimatay dito, naulol, nagka-ulcer, nagka-” “Bwiset `to? O sige na, sige na! Kakain na tayo. A la carte lang meal mo, ha.” “Tss. `Di na lang gawing buffet.” Siya na ililibre niyan, diary, ha? Our lunch time was not exactly at twelve. Walang paki schedule ng klase sa kalam ng sikmura namin. The class we’re at was finished by two. Binisita ako ni Onin sa dulo, sukbit ang bag, rub ang tiyan para bigyang-diing siya’y gutom na. “O, para san `yang pulbo?” tanong niya nang nakalapit. “Duh? E `di pampaganda,” sabi ko sabay gracefully saboy nito sa mukha ko. “Wow,” ang sambit niyang namamangha until he added, “No visible results, ha.” Pa-slowmo kong dinilatan ang dimunyung nagsabi no’n. “`Wag kang gagawa ni magsasabi ng ikafo-forfeit ng `yong free dinner. In tiende?” “Sabi ko nga e.” At hindi na siya nagsalita. Ha! Takot lang niya. Kailan lang uli siya nag-sound off ay no’ng nakalabas na kami ng school gate. It’s not like he started the conversation because what happened really was, sinitsitan ako no’ng tindero ng mangga sa area lang din ng gate. “Psst! Pssst! Miss Ganda! Psst!” Without hesitation, lumingon ako, believing it was I being called. But then kinalabit na lang ako ni Onin, asking, “Huy, ba’t ka lumingon?” “E kasi –” “Maganda ka ba?” And everyone thought Onin was a disciple of God, where in fact, ito ang patunay na siya’y may sa demonyo, which I would have believed kung `di lang dinugtungan ang sinabi, “Ako kaya `yong sinisitsitan niya!” Nahampas ko tuloy braso niya’t tawang-tawa. “Baklang `to! Umaariba ka na naman, ha?” “Pinapatawa lang kita!” sagot niya sabay tawag talaga do’n sa babae na bumili ngunit naligtaan ang sukli. We went inside the mall at tumuloy sa same food chain we ate before. Normally, the guy would be the one to order but this time, I volunteered, knowing `di pa siya kumakain. Mamaya, biglang maging Hulk si bakla. After a millennium, nakaalis na rin ako sa counter, with my order. `Di na ako nagpatulong magpabuhat kasi I’m strong. But when I was about to head to our table, somehow I felt weak. Ikaw ba naman masaksihan ang ka-date with albinong b***h by his side. Baka kalbuhin ako ng babaeng `to `pag dumiretso ako sa impakto. I mean, she’s all over him – gazing and all that s**t. She also tried to make him eat. Pero tulad do’n sa commercial ni Juday na hirap pakainin ang anak despite all the acts, nagtaka ako bakit `di binubuksan ni Onin ang bunganga gutom na gutom na pala siya. Unless he lied. “Angelica, ayoko. Umo-order pa ka-date ko. Iyo na lang `yan.“ Diary, paki-slap nga ako ng leaflets mo kung tama ba narinig ko. He resisted his lightbulb of a gf for me? And anyway acknowledged this as a date? Now that’s cute. Kakilig, sure. But I wondered what the girlfriend felt. My plan then, was to turn around and as casual as possible, find another table. But Onin recognized my back. “Oy, Dana, sa’n mo dadalhin pagkain ko?” Onin asked. He was dumbfounded samantalang ang dila ko, na-twisted. “A, eh –” “I, O, U! Dana, ano, nursery lang?” sabi niya. He then gestured to Angelica. “O, alis na kakain na kami.” You knew, hindi ko pinalagpas ginawa ng gago, however, Angelica stood to go. That b***h might get on my nerve pero my heart went out for her. Onin’s mouth was watering when I put the tray down. Pero bago siya makahawak ng anumang pagkain, piningot ko tenga niya. Bahagya siyang napaangat sa kinauupuan. “Ah!” “E,I, Dimunyu!” Umupo ako’t tinanggal sa tray ang aking pagkain, silently. Binigyan ko siyang chance malaman pagkakamali niya, but he mistaken my silence as something else. “Are you ready to pray, classmate?” aniya. Napalagay ako ng kamay sa mukha. “Gunggong.” “Ano ba kasi problema mo?” “Bakit gano’n trato mo sa girlfriend mo?” Ang makapal na Onin, in-ignore lang tanong ko, tinanggal sa wrapper ang burger, at lumafang. “Mabulunan ka sana,” sabi ko, clear enough para marinig niya’t magreply. “Pinsan ko si Angelica.” Kung kanina galit ako, now I felt shock and disgusted. “Pinsan mo ang girlfriend mo?” “Ang linaw-linaw ng pagkakabigkas ko, Dana. Pinsan ko si Angelica. Narinig mo bang sinabi kong ‘girlfriend’? Gano’n lang talaga `yong pinsan ko. Sa gwapo ko ba naman `to, syempre kailangan ko ng sekyu. Alam ko kung ano ang incest.” So nagsinungaling lang pala sa`kin ang glow-in-the-dark na bwakana. Probably natakot siyang malaman ko then and there ang pagpapanggap kaya gumora-bells na. Pero really had they not become cousins they look good together. Now, I admit, may face value rin naman kasi `tong si Onin, `di nga lang ka-lebel ng kapogian ni Harold. E ‘tong mukhang `to? Anong value? Residual value. Sure, most of the time kaya kong panindigan na maganda ako. Si Onin na nagsabi, ang wild ng imagination ko. But really sometimes, when I’m down, I’m really down. Mahihiya talaga ang sinkhole sa Alemanya. And I’m afraid, diary, it showed that day. Buti sana kung bulag ako’t pipi na `yong bulungan ng mga tao sa paligid, especially girls, ay `di ko marinig. But theirs were crisp like the fried chicken I ate. Rinig ko kung gaano sila kame-mean sa`kin. Maybe this is the consequence of being a bully – you’re being bullied by a more bully. “Hoy!” Onin snapped his fingers in front of me. “Ano na naman `yan? Sumasayad na mukha mo sa lamesa, o!” I blinked a few times and asked a crucial question. “Onin, maganda ba `ko?” “Of course not!” ang mabilis niyang reply. `Yong `di na kailangang pag-isipan. `Yong hundred percent, sure na. “`Yan ba kinalulungkot mo? O siya, sige, nakikiramay ako.” “Bwiset ka!” Binato ko siya ng tissue. But I had to admit it made me laugh. “`Di, pero seryoso, bakit nga?” Inusog niya ang upuan as if to show he’s eager to listen. I let out a sigh and told him. “Kasi itong girls sa kaliwa natin... Opss! Huwag mo silang lingunin para `di makalahata sila topic natin.” My instruction was clear pero tumingin pa rin ang kulugo. Nakakutob na tuloy sila. Nonetheless, I continued kasi siya naman nagbanta na kapag `di ko raw tinuloy lalapitan niya `yong mga babae’t sila ang tatanungin. “Kasi narinig ko silang pinag-usapan ako. Sabi ng naka-black, ‘Swerte naman `tong hipong `to! Nakabingwit ng gwapo!’ `Tas `yong naka-red, um-oo’t nag-side comment ng, ‘Ano kaya nakita niya sa unggoy na `to? Mukha kaya siyang joke!’ ‘Mas makinis pa kaya puwet ko sa face niya,’ sabi naman ni ate mo gurl in yellow tapos –” Tumigil ako kasasalita nang mapansin kong hindi nakikinig si Onin – nakapangalumbaba lang ang kumag at nakangiti. “May nakatutuwa ba sa kwento ko, ha, Dudung?” Nagtapon na naman ako ng tissue, breaking him from his trance. Umayos siya ng upo’t nagsinungaling. “Nakikinig ako, Dana. Marami akong nalaman.” “Mind reader ka ba?” “Hindi. But I know you’re insecure.” Ang hard niya talaga, bes. “Ang problema, masyado mong ini-internalize ang sinasabi ng iba. Hindi ka maganda sa paningin nila; fine. Wala ka ng pake ro’n. You don’t need to mind their business. It’s theirs. “At ba’t ka magpapa-apekto? They’re measuring beauty subjectively. Be okay with your imperfections. It’s easy to fall for someone who is herself than someone who isn’t.” And while he’s saying those, ako naman ang napatitig sa kanya. “Chukchakera kang bakla ka!” “Alam mo `yan!” Binali niya kuno ang kamay. “Kaya, `wag ka ng malungkot, ha? Babangungutin ako sa mukha mo e.” Tignan mo, `yon, sissy. Chineer up ako, iche-cheer down din sa huli. May saltik ang putek! But I couldn’t just deny he didn’t bring up my smile. Ang dami pa namin napag-usapan. It’s like, Tom and Jerry took a break from being each other’s pain in the butt. At totoo pala talagang hindi siya nag-lunch. Kasi para lang siyang ako that night nang ilibre niya `ko. We were prepping to go nang mag-lean forward ang Onin. “Salamat sa libre, ha?” Itinigil ko ang pagpre-pressed ng press powder sa`king t-zone and said, “`Yan lang sasabihin mo halos sumampa ka na sa lamesa. O. A. girl, ha.” “Kung puwede sana maulit `to.” “Ay, wow! Bakit, mayaman ako? Kwits na tayo, ano.” Napahawak siya ng batok. “Hindi `yan ibig kong sabihin.” “E ano pala gusto mong maulit?” Tinuloy ko ang pagre-retouch but stopped soon as I heard him say, “This date. Parang gusto pa kasi kitang makilala. Huwag ka mag-alala, next time ako naman taya.” I said, ‘Sure. Libre pala e.’ in the most casual tone possible. But that’s just to mask something bubbling and pumping and beating inside my rib cage. I came home. Sabi ni mamsh, para raw akong nakahithit ng m*******a but really that was just my face contemplating whether it’s the chicken wing I ate or I’m having a crush on Onin na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD