Entry 11
Dear Diary,
Ngayon ko lang napansin… wala pala akong masyadong kaibigan, ano? `Yong mahahampas ko `pag kinikilig ako. `Yong mababasa ko ang damit `pag magsha-share ng pang-MMK.
I mean, aside sa`yo na `di nakapagsasalita, wala na akong ibang network of friends. Fact: 90% ng friends ko sa social app e `di ko naman talaga kilala. Bale, 10 % ako ang nag-a-add (either because required o curious lang ang lola) but 90% sila ang nag-a-add sa`kin.
E kaganda ko kaya sa dp, diary!
You might say siguro sa ibang mukha yung ginamit ko but no… ako `yon. Sadyang dalubhasa lang ako sa paggamit ng photoshop. Kung may nanggising lang sa`kin noong nagpa-ulan si Papa God ng kaputian siguro kasing puti na ako ng fluorescent lamp.
Kung `di siguro ako pinaglihi sa uling o gawang photoshop ang kagandahan, marami-rami na siguro akong friends and followers. It’s kinda lonely when you’re not recognized…even lonelier when you’re recognized only to make fun of.
Supposed to be dapat `di na nila ako inaaway or inaasar or ini-issue-han. I’m not worth their time. But then siguro, diary, I owe it to myself – for projecting that I’m strong.
To them, siguro, ‘Ah, strong ka pala, ha? ‘Kay! Mag-isa ka riyan!’ Di nila knows na just because I appear strong doesn’t mean I have no soft spot. Si Samson nga, bes, `pag pinutol ang hair, humihina. Si Achilles, `pag pinuntirya ang heels, gapang din. Ako pa kaya?
E bakit ba kasi ang emo ng entrada ko, diary? Hindi naman siguro dahil sa kanunuod ko ng kadramahan o MMK, ano? Or maybe it was! Nadala ko kasi gloomy na aura ko sa school earlier.
“Guys, Holy Week na!’ announce ni Onin shortly after kong makapasok sa classroom.
“Tange pre, matagal pa!” sagot ng isa, natawa sa kabobohan niya.
It’s only a matter of time nang m-realize kong ako pala shina-shade niya.
“Kung matagal pa, ba’t `yong isa ro’n pang-Biyernes santo na ang mukha?”
Agad nag-two become one ang kilay ko, seswang. Nananahimik ako sa sulok ta’s aanuhin niya ako?
Sa classroom kasi may kanya-kanyang mundo; they don’t mind kung matulog ka riyan or whatever. And yet of all the students, why is this Onin minding me?
“Anong sabi mo, ha? Ha?” Tinulak ko si Onin sa kinauupuan, sinapian na ng pagka-gangster. “Gusto mo magpulot ng ngipin? Aga-aga, imbyerna.”
“`Yon na nga e, ang aga-aga, nakasimangot ka na! Nakaganda ba kaya?” aniya, may kasama pang hand gesture tulad sa mga nagfi-fliptop.
If it’s fliptop that he wants, it’s fliptop that I give.
“Ay sorry, `kala ko si Tweety! Ang daldal mo kasi! Busalan kita ng kiwi! Kung `di ka lang matyugi!”
Ta’s may nag ‘boom!’, diary. I guess I can be the next Nicki Minaj. Dineactivate ko ang fliptop mode and asked, “Kailan ka pa nangialam?”
“Nito lang!” Sumagot pa talaga.
“Well, I don’t need that. Itikom mo na `yang bibig mo kasi kung hindi –”
“Hahalikan mo `ko?”
Nanlaki mga mata ko, sis, alinsunod sa pagkati ng aking kamao. Until later…
“Aaaahh!” Napahawak siya sa bunganga. “Walangya! Ang lakas mong sumuntok, a! Manny Pacquiao, ikaw ba `yan?”
Na-feel ko na ang remorse e kaso humirit nang ganyan. “Si Floyd Mayweather `to! Gago!”
Kasabay no’n, Harold came in, seeing me in that very unfortunate stance. Kinuha ni Onin ang pagkakataong gumanti.
“Ah, ah! Ang sakit talagang manuntok ni Dana! Parang lalaki! Ah!” Hindi naman siya kasali sa drama club pero ang galing niyang umarte.
Pumunta siya kay Harold at siya’y kwinelyuhan. “`Wag na `wag kang lalapit kay Dana! Nakita mo `tong nguso ko? Gan’to mangyayari sa`yo! Kaya `wag –“
Sinambunutan ko nga ang impakto. “Ah, Harold, `wag kang maniwala sa kanya kasi sinto-sinto `yan.”
“Coming from you na pinagpipilitan sa crossword ang pangalan ta’s ang clue: kutis porselana?”
Kinurot ko nga sa tagiliran and cleared myself from this case. “He brought that to himself. Kung hindi niya ako inasar, `di `yan mangyayari.”
Nangiti lang si Harold, with a pinch of pity. “You don’t need to explain to me, Dana, but if I were you dadalhin ko na `yan sa clinic bago pa kayo sunduin ng Students Affair.”
Then he smiled again, going to his chair. He’s so perfect, `no? Instead na ma-turn off sa`kin, he did not. Napaka-diplomat talaga, ses, kaya nga I crush him e! Haha!
As he wished, dinala ko nga ang baluga sa clinic. Dapat hindi na since malayo naman ang bunganga sa bituka pero baka kasi tanungin ako ni Harold `pag nabalik ng classroom so push na lang din.
Pumasok kami sa clinic na akala mo’y kalakihan at kasukalan para hindi kami marinig ng nurse. But it turned out, wala pala ro’n ang nurse. Nag-out for lunch. Gan’to ang school clinic – hahayaan na lang na open because they assume nagpupunta lang naman ang mga estudyante para matulog (palibhasa aircon). Hindi kasi kasama sa in-assume nila na may masasapak ako at 12: 30 pm e.
“O, diyan ka na, ha?” sabi ko nang makaupo na si Onin sa may bedside.
“Iiwan mo `ko?” “Oo, bakit? Magpapasama ka pa? Sa laki mong `yan?”
“Hindi ko kaya mag-isa!” May dramatic reach of hand pa si bakla.
“E `di wow,” sagot ko, palabas na pero siya namang pagpasok ng nurse na nagtatanggal pa ng tinga.
Hindi na nahiya sa`kin. The disrespect. Char. Sabi ko may dinala akong pasyente, nasa bedside na. Pero heto akong gorang-gora na, tinawag ako bigla. “Dana?”
Nagsumbong ang gago. So I stepped a little and asked with matching turo sa sarili, “Ako po?”
“Sino pa bang ibang maitim dito?” real talk ng hugis frigider sabay ikot ng mata. The nerve! `Kala mo kung sinong kaputian. `Wag niya lang hintaying matanggal na paggamit ng ‘po’ ko sa kanya, kay na!
Lumapit ako papunta sa kanila; Onin smirking.
“Anong ginawa mo dito?” turo niya sa bibig ni Onin.
“Nang-asar po kasi siya. E madali akong mapikon! Lalo na kapag inasar akong ‘maitim’? Ay, wala po talaga akong sinasanto!” sabi ko. “Kung `di niyo lang po naitatanong boksengero po ang tatay ko. So alam na alam ko po kung saang part ng mukha madaling paduguin.”
Looking at the nurse’s eyes, alam kong natakot ko siya. I even saw her lunok-lunok her saliva. Haha! Ang conyo, pvta.
“Ikaw naman kasi bakit mo inasar?” Si Nurse Balimbing kay Onin.
“Luh, parang ikaw, ho, `di nang-asar, ha?” ani Onin.
“Ay, sandali, nakalimutan ko `yong cp ko sa eatery. Wait lang, babalikan ko!” “Oy, wait lang, anong gaga –”
Nagkumahog na sa paglabas ang nurse para balikan kuno ang cellphone kahit all this time hawak niya `to. I knew dinahilan niya lang `yon dala ng takot.
Noong kami na lang uli sa loob, tumingin ako sa tambakol. “Anong gagawin ko sa`yo?”
“Ikaw… anong gusto mong gawin sa`kin?” ganti nya ng tanong in a sensual way possible. Can you just imagine, diary…si Onin, nakahiga sa kama, nakahayahay at may pataas-baba pa ng kilay? But I must admit, kinilig ako do’n a.
“Aba’y huwag mo nga `kong sine-seduce ikaw na dimunyu ka!” hampas ko sa kanya na siyang salag naman niya.
“Joke lang! Haha! I-nurse mo na `ko.”
“Tsee! Mas mahalaga ang studies ko kesa sa pagnu-nurse sa`yo, `no!”
“Weh, ni wala ka ngang tina-take down notes.”
Well, he’s right there, ha? Nadale ako ro’n. Ba’t ko naman kasi pahihirapan sarili ko magsulat kung puwede ko namang picture-an?
In the end, I channeled my inner Florence Nightingale at ginawan siya ng first-aid, kung first aid nga bang matatawag `yon. Once done, nag-slouch ako sa sofa, I felt like a slowly deflating rubber ball. And Onin noticed, so eto na naman kami.
“Ano ba talagang problema mo?” sit-up straight niya sa kama.
I stared at him, diary, to prove to myself that he’s just blabbing (may masabi lang ba). But when he stared back at me, na hindi inaalis ang tingin, I knew then that he was asking me sincerely.
I let out a gasp bago ako nag-open.
“Feeling ko kasi ang loner ko. Like, wala akong circle of friends, kahit man lang triangle o square!”
“May mga friends ang iba diyan pero hindi happy.” He cited. “Kaya bakit mo ibabase sa ibang tao happiness mo?”
“This sounds cliché pero I never fit in kasi. I wanted to. Sure, I appear to be Ms. Independent but something in me is like dependent. Na-ge-gets mo?”
He got off the bed, tumabi sa`kin and stared at nothing in particular. “Alam mo kahit anong gawin mo, meron at merong magpaparamdam sa`yo na hindi ka belong, hindi ka ‘fit in’. Pero meron din naman magpaparamdam sa`yo na okay lang kahit hindi. Why would you try to if you can stand out? You stand out.”
It was only when he mentioned the last sentence did he look at me. I felt my stomach’s been tickled by monarch butterflies. I was so happy I could cry.
“At ano `yang sinasabi mong wala kang kaibigan?” Onin continued. “Hindi ako magpapasapak sa bunganga kung hindi tayo magkaibigan. Pero hindi ka rin dapat makumpiyansa kasi lintik lang ang walang ganti.”
“Taena, ano, sasapakin mo rin ako?” “Haha! Loka! I don’t hit women. Women hit on me. You just did.”
“Lul!” Sinapak ko siya sa balikat, then shortly I chuckled. “Thank you for this talk, Onin.”
“Walang anuman.”
Taena mo, diary, nikilig si Inday.