Chapter 9

1916 Words
Entry 12 Dear Diary, Taena, `di ako nakapasok. First time ko maging Rapunzel. Ask me why and how? Well, not because insecure ang mother ko’t ginagamit ang kagandahan ko to make herself youthful. It’s just that required akong mag-self isolate dahil may bulutong-hangin ako. Saksi ka sa araw-araw kong ginagawa. And you know very well that I’ve been a good human being. Okay, except siguro kay Onin. But that couldn’t be because of him kaya ako nagkaganito, `di ba? `Di pa nga nagfa-fade dark spots ko meron na naman? Nakakaloka. But I’ve been thinking: Kung titigilan ko na ba ang palihim na pangungutya kay Onin titigilan na rin ako ng dark forces? Ikagaganda ko na ba `to? Sagot: asa ka, ghurl. Walang therapeutic claim ang nagsasabing mawawala dark spots mo or puputi ka in just 7 days kung hindi mo na kukutyain si Onin. Pero `pag `di ako nakakakutya, it’s like I’m depriving myself of fun. Just like what I’m doing right now. Ngayon, diary. Ngayon. E pa’no ba naman, hindi ko siya nakita. Absent ako. Pero hindi naman ako gano’n ka-obsessed o unstable tulad sa kanta ni Beyonce na Halo, do’n ba sa part na, ‘everywhere I’m looking now, I’m surrounded by your embrace’ kay maayos pa naman ulirat ko, but not so maayos to a point na pinagpapahinga ako ni mudra, instead nagmovie marathon lang si itetchiwa. See? I’m perfectly normal. I was in my fourth consecutive movie, nakatalukbong sa kumot, on the verge of crying, when suddenly binulyawan ako ni mudra bumaba. E nanunuod ako, `di ba? “Mamaya na!” sigaw ko. “Hindi puwede!” ang sigaw ng lola mo in return. “Bigyan mo `ko ng isa pang chance!” hagulgol kong ganyan sabay singa ng bongga. Putek, diary, ang hard kasi ng ginawa ni Loydi. Sigurado ba siya na mahal niya `yong isang girl o gusto niya lang gumanti sa panghu-hurt ni Bea sa kanya? Ayoko this. Nilayo ko muna ang laptop sa’kin, nagpatong ng unan sa mukha’t nagpalamon na sa sistema. “Ako na lang John Lloyd! Ako na lang! Ako na-” “Hoy, ano’ng ako na lang? Pinagsasabi nito?” Tinaas ko ang basang pillow and there I saw Onin. “What the hell? Papa’no mo natunton ang kingdom ko? Are you my knight in shining armor?” “Hindi, akyat-bahay gang ako, fifth generation,” sagot ng loko. Hinarap niya sa kanya ang laptop, played it and mocked it. “Nanonood ka nito? Ang baduy.” That’s my clue na hindi lang ako na-sobrahan sa langhap ng katol. He really was here. “Saka ka na manghusga kung hindi ka na mukhang paa,” sabi ko sa kanya. “Saka, ba’t ka ba nandito?” “Dumadalaw lang. Sabi kasi nila nagkaketong ka, so tinignan ko kung totoo. `Di naman pala.” “Ang layo naman ng chicken pox sa ketong. Mga hayup `yon, a!” Bumalik ako sa kanya and snapped, “E kung may ketong nga `ko anong gagawin mo?” “Siyempre, magdiriwang.” “Walang hiya ka! Labas!” sigaw ko sabay duro sa pintuan. “Oy, pinaakyat ako ng Mama mo, `wag ka.” “Ma~” Long distance kami magtawagan ni Mama. And so, no’ng makarating ang beautiful voice ko sa kanyang tenga, she responded, “Bakit~” “Tumawag ka ngang PDEA!” “Hoy, grabe ka naman!” reak ng kaharap ko, na-hurt kuno. “Ano ba talaga kasi pakay mo? Sabihin mo na.” “May pinakopya si Ma’am sa`tin na discussion notes. Dito raw kukuha ng ite-test sa Friday so eto, kopyahin mo na.” Binigay niya sa`kin ang notebook, which to my shock, was very legible. Hindi mo ma-i-imagine lalaki ang nagsulat. “Okay, thank you. Makakaalis ka na,” sabi ko, dragging him to the doorway until, “Hindi sa`yo `yan mag-oovernight dahil kailangan ko rin `yan pag-aralan.” “E `di go, i-uwi mo na. You think hindi ako makakahiram ng notes sa iba?” “Wala silang notes. Hindi sila komopya. Ako lang.” “Kahit si Harold?” “Hindi na kailangan ni Harold komopya, matalino siya.” “May point. But in that case, `di na lang ako kokopya.” E `di ko naman in-expect ire-reverse psychology ako nitong gagong `to, diary, kay pumwesto man lagi sa pintua’t pinarinig ang sinabi, “Ano, Dana? Ibabagsak mo na lang `yong subject mo na `to? Pinapahiram na nga kita ng notes ayaw mo pa?” Shortly after, nasa bungad na rin ng pinto si mudra, ang mga kamay sa bewang. “Hoy ‘Day, sambunutan kita ngayon, ‘Day! Mag-aral ka o pag-aaralin kitang maglabandera! Mahiya ka naman sa boyfriend mo. Sinadya ka pa talaga para riyan sa note-note na `yan!” “Hindi ko boyfriend `to,” ani ko sa dinudurong baluga, with slight pandidiri. Choosy ang peg. “Ke jowa o hindi, gusto ko kopyahin mo `yang note-note na `yan!” “Pero kasi ang dami!” sabi ko kahit isang pahina pa lang naman nakita ko. My mom dropped the mic when she said, “Dana, may bulutong ka lang. Hindi ka pilay.” Eventually, kinuha ko ang note, pakamot-ulong nakabusangot. Whatever happened to the word, ‘pahinga’. Nagtungo ako sa study table with my sando and pajamas on. “Hoy, `pag natapos ko `tong kopyahin, lumayas ka na, ha?” ani ko nang nakatalikod sa kanya. “`Pag natapos mo,” he said, a bit sarcastic. With my pen and notebook ready, in-open ko ang kanyang kwaderno’t in-scan ang pages. Now I understood why they didn’t copy. “Masyado `tong marami!” sabi ko. “Ano, buong three hours nagsulat lang kayo?” Nasaan ang mercy and compassion na ina-advocate ng Papa? Ba’t hindi nag-reflect sa iskwela? Pero dahil `di naman kokonti ang susulatin ko kare-reklamo, sinimulan ko na lang. But I couldn’t seem to get in the mood of writing. Pa’no ka makapagsusulat e kung may panay isturbo? Kung hindi magtatanong, mang-uusisa ng gamit. Pati ba naman tampoon, pakikialaman? Now kung bakit ako may tampoon was another story. “Uhm, puwede bang tsupi ka muna sa kwarto ko? Puwede? `Di ako maka-concentrate e. Don’t worry, bibilisan ko nang makalayas ka na rin.” “Sus! Distracted ka lang sa`kin e. `Ge, take your time. Sa baba muna ako. Bonding muna kami ng mama mo.” That he said like an hour ago. But after one hour, `di pa `ko nakaka-two pages. That might have something with me, being curious kung ano ibig sabihin niya ng ‘bonding’. Sumilip ako sa hagdanan upon hearing them laugh. Inagaw ko agad ang photo album sa kamay niya. “Ma!” “O bakit? Pinapakita ko lang naman family picture natin, ha?” “E bakit may pagtawa?” “E ba’t ka bumaba? Bakit, tapos mo na?” sabat naman ni Onin. “Gutom na ako e kaya ako bumaba!” pagtataray ko. Tumayo si Mama. “O tamang-tama! Maluluto na `yong sinigang ni Onin!” “Pakainin niyo na, ho, baka mamaya kumain na naman ng kandila!” Pagkabigkas niya nito, tinaas niya ang 1st birthday picture ko kung saan mas una kong nilantakan `yong birthday candle kesa cake. So alam mo na, diary, kung anong klaseng ina meron ako? Pinapakain ng kandila ang anak. De joke lang. “Akin na nga `yan!” Hinablot ko ang picture at maingat itong in-insert sa album. Then I asked, “Kanina ko lang na-realize, nakakahawa ang bulutong, `di ba? Hindi ka ba natatakot?” “Graduate na `ko diyan e, `di na `ko mahahawa,” aniya. “Basta dapat `wag mong gagalawin. Hayaan mo lang ba.” “Salamat, Doc!” kanta ko sabay ngisi. Nag-slouch siya sa sofa, and hearing him sigh was an indication na exhausting ang klase kanina. “Anong mga ganap sa school?” “Hm, wala naman masyado. Mahaba lang talaga sinulat namin. Oh, muntik ko na makalimutan, dumating nga pala ro’n `yong mga tao ng isa sa sikat na lotion product, namigay sila ng bago nilang variant.” Nalakasan ko ang sara sa album. “Shocks! Naka-menos sana ako sa lotion! Kainis! Ba’t `di ka kumuha?” Naging kasalanan pa tuloy ni Onin. Lukring rin ako e. “Hindi naman ako naglo-lotion e,” sabi niya. “Para sa`kin ba!” “Naglo-lotion ka?” Inayos niya ang upo, then quickly couched back. “Sorry, `di halata.” Bwisit siya. Shortly, tinawag kami ni Mother for dinner. Sinandukan niya na rin pala kami kaya `di na nabalik. He was about to sit at my usual spot nang pigilan ko. “Ako riyan,” sabi ko. Nilakihan niya `ko ng mata’t salitang tinignan ang plate with a lot of rice and I. “Mauubos mo `yan?” he asked. “Usually. Pero kung lasang basura ang ulam, malamang, hindi,” sagot ko. As if nakatikim na `ko ng basura. I was really hoping for a bad cooking just to prove na he’s an abomination on this field but crap, ang sarap ng luto niya! Ang yummy. “Puwede ka na mag-asawa!” biro ni Mama. Onin laughed, looked at my direction, and said, “Mag-gi-girlfriend po muna `ko bago mag-asawa.” Call me assuming, diary, but somehow I felt my cheeks burnt while those eyes were on me. No’ng matapos kaming kumain, Onin insisted na siya na maghuhugas, which would have been nice kung hinayaan na ni Mama. Ako kasi nakatoka sa hugasin e. But since, essentially, isa siyang bisita, he was spared. No’ng umakyat ako sa kwarto, I saw Onin lying on my bed. Ang hinampak, sinunod nga to the dot ang remark ni mama na ‘feel at home’. Naturally, I would shoo him away but didn’t act on it. I could give him that deserve nap in exchange with him, lending his notes to me. However, magka-quarter to 9 na no’n at wala pa talaga ako sa kalahati ng nasusulat. So with a unanimous decision (kahit ako lang naman ang nag-decide), sinara ko ang notebook niya’t binigay `to sa kanya. Onin woke up. “`Di ko `to kayang tapusin ngayon. Ang dami.” “Sabi ko sa`yo e.” Onin took it, shove it in his bag, and then played Clash of Clan. Hindi ata na-gets na kaya ko binalik notebook niya’y para makauwi na siya. “Sa Friday na ba talaga test dito?” No’ng hindi ako agad sinagot, hinampas ko. “Hoy, tinatanong kita!” “Oo nga,” aniya. “O, so pa’no `yan `di mo natapos?” “E `di kung ano lang nasulat ko, `yon na lang rereviewhin ko,” I said helplessly. Then Onin paused his game at may pinull-out na stapled papers. “Alam ko naman talagang `di mo matatapos e. Eto o.” Ini-scan ko kung ano and it immediately made my eyes squint. Hindi ko alam kung maasar ako o matutuwa. Pinagsulat ako ng impakto may photocopy naman palang dala! “Bwiset ka! Kung kanina mo pa `to binigay sa`kin natapos ko na pinapanood ko!” But then, hindi niya naman siguro ibibigay sa`kin `to without at least working for it. Pero, “Bakit hinintay mo talagang mag-alas nuebe bago ipaalam sa`kin?” Nagkibit-balikat ang impakto’t pinagpatuloy ang paglalaro. “`La lang. Hindi naman nasayang oras ko e.” “Pa’nong `di nasayang?” “Basta! Gano’n na `yon! `Wag mo na `kong pag-explain-in.” His brows furrowed, kunwari, busy-busyhan. In a way, I was glad because he didn’t catch me smile. “Thank you, Onin.” “Oo na! Ay sh~” Napahawak siya sa noo, as if pissed off. Dumungaw ako. “Alam mo naglalaro rin ako niyan.” “Talaga?” tanong niya before segueing to, “Gusto mong bumuo ng clan?” All of a sudden, I felt shy, embarrassed, and overall wanted to punch Onin just because… argh! Sometimes, I just hate my mind. Pero gusto ko nga bang bumuo ng clan, diary? Well, alluding to his earlier answer, siyempre, hahanap din muna ako ng boyfriend who would then become my husband before we make a clan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD