"KaYAMAN"
Pormal Na Pormal ang mukha niya nang humarap kay Attorney. Villacrus . Wala mabasang ekspresyon sa kanya mukha
Sa kasuotan niyang itim na itim na may pagka konserbatibo ang tabas ay halatang halata na labis niyang dinamdam ang pagkamatay ng taong pinatutungkulan niya ng pagluluksang iyon.
tahimik siyang naupo sa long table, paharap sa abogado.
" Narito na ang kumpletong mga papeles na nagsasalin sa pangalan mo ng lahat ng ari arian ni Don Dominggo Chan , Dianna .
Notaryado na ito at pirmado lahat ni Mr. Don Dominggo Chan bago ito namayapa." Iniabot sa kanya ni Attorney. villacruz ang makapal na papeles na kung siya lamang ang masusunod ay hindi niya gustong maging kanya ngunit hindi pumayag si Don Dominggo Chan na hindi siya ang magmamay ari ng mga mahahalagang papeles na ito .
Kasabay ng paghawak niya sa mga dokumentong iyon ay pumatak ang kanya mga luha . Luha par sa lalaking marahil ay hinding hindi na niya makakalimutan pa habang siya ay nabubuhay. Si Don Dominggo Chan na sa mata ng tao at mata ng diyos ay legal niyang asawa .
Hindi niya nagawang tanggihan ang alok nito na pakasalan siya matapos siyang maka graduate sa kolehiyo .
Naging Napakabuting asawa ni Don Dominggo Chan .
Tinuruan siya nitong maging matatag sa pagharap ng problima.
Tinuruan din siya nitong magmahal. Isang uri ng pagmamahal na hinubog sa respeto at pang unawa.
At marahil , kung bibigyan siyang muli ng pagkakataon para mamili ng lalaking mamahalin at pakakasalan ay hindi siya magdadalawang isip na piliin muli si Don Dominggo Chan . Hindi niya naiwasan ang paninikip ng kanyang dibdib pagkaalala kay Don Dominggo Chan .
Papaano ba naman niya makakalimutan ang isang lalaking Siyang pinagkakautangan niya ng malaking utang na loob kung bakit naabot niya ang kanyang estado ngayon?
Isang lalaking walang naging hangad sa buhay noong ito ay nabubuhay pa kundi ang siya ay matulungan at mabigyan ng magandang kinabukasan.
Marami sa mga kaibigan ni Don Dominggo Chan ang nagtaas ng kilay.
At alam niyang marami rin sa mga kamag anak nito ang lihim na nainis sa kanya nang magpakasal siya sa lalaki. Isa na si Mrs. Sarah Chan Dela Cruz. Na ang mga tingin sa kanya noong kasalukuyang nakaburol si Don Dominggo Chan ay hindi niya gustong salubungin.
Pakiwari niya, pumupuno ng poot ang babae sa kanya .
Ngunit ano naman ang kanyang magagawa? Nasa kapasidad ba siya para tutulan ang alok ni Don Dominggo Chan na pakasalan siya?
Ang lalaking iyon na natutuhan niyang igalang at ilagay sa isang pedestal magmula pa noong siya ay dalagita at makilala niya ito.
Nakakasakit nga lang ng kaloobang isipin na wala na si Don Dominggo Chan.
Ang nag iisang taong nagpadama sa kanya ng pagmamahal magmula nang siya ay maulila.
At tunay na dinaramdam niya ang labis na pagkamatay nito .
Aanhin niya ang kayamanang nasa mga kamay niya ngayong kung wala naman ang taong tangi niyang kinagisnang nagmamahal sa kanya.
Panay ang agos ng kanyang mga luha habang nakatingin naman sa kanya si Attorney. Villacruz . Sa Malas ay pinababayaan siya ng butihing abogado na ilabas ang lahat ng kimkim niyang damdamin sa pagkawala ni Don Dominggo Chan.
"Okay ka na ba?"
pagkuwa'y tanong sa kanya nito nang mapansing nahinto na siya sa pag iyak.
"Yes, Attorney. villacruz," basag ang tinig na tugon niya.
"kung gayon ay basahin mo ang mga papeles at saka mo pirmahan ang mga dapat mong pirmahan na siyang magsasalin sa iyo ng lahat ng mga ari-arian ni Don Dominggo Chan.
Tahimik na binasa niyang lahat ang mga dokumentong nakaipong na kinabibilangan ng bahay at lupang tinitirahan niya ngayon, ang ilang pintong apartment na nasa kabila ng kanyang tinitirhan.
At ilang mga lupain sa bayan ng Tagaytay at Olonggapo na ang pinakamalaking share ay nakadeposito sa isang family Corporation ng mga Dela Cruz kung saan ito ay isa sa major stockholders, at marami pang mga properties na kinabibilangan ng mga sasakyan na tulad ng private cars at mga trucks na for rent.
Anupa't tunay na nakakalula ang laki ng halaga ng mga kayamanang iniwan ni Don Dominggo Chan sa pangalan niya.
At gusto niyang mangimi nang tanggapin iyon.
Gayon pa man, parang hindi niya magawang matuwa dahil sa pagkawala ng isang taong masasabi niyang tanging nakauunawa at nakakaalam ng kanyang mga saloobin.
At sa palagay niya ay walang maaring pumalit pa kay Don Dominggo Chan
Muli siyang napaiyak. Mabuti na lang at natapos na niyang i-scan ang lahat ng mga papeles niya.
Napirmahan na ang mga dapat niyang pirmahan.
Kung nagkataon ay baka nabasa pa iyon ng mga luha.
Muling kinuha ni Attorney. Villacruz sa mga kamay niya ang mga dokumento.
"By next week ay mahahawakan mo na lahat ang mga papeles na nagpapatunay na sa iyo iniwanan ni Don Dominggo Chan ang lahat ng kanyang mga kayamanan.
Ngunit bibigyan na kita ng warning, Dianna. mag iingat ka sa pamilyang Dela Cruz. Desidido silang ipaglaban ang kanilang karapatan sa kayamanan ni Don Dominggo Chan.
At pinakamasigasig ang pamangkin ni Don Dominggo Chan na si Marcus Dela Cruz.
Salamat sa paalala ninyo, Attorney. Villacruz. I think, wala naman akong dapat na ipangamba. At wala rin silang dapat na ipangamba sa akin. Malaki ang natutunan ko kay Don Dominggo Chan Kung papaano haharapin ang lahat ng tao at naniniwala akong makakatulong iyon sa akin sa pagharap ko sa kung sino mang kamag anak niya na gagambala sa pananahimik ko."
"Natutuwa naman ako at matatag ka, Dianna.
Kailangang kailangan mo yan.
Hindi ordinaryong lalaki si Marcus Dela Cruz. Siya ang tipong lalaking hindi umuurong sa laban.
Be careful in dealing with him.
He is deceiver, Dianna .
Napakagandang lalaking Deceiver," babala pa ng abogado.
Nang makaalis ito ay naiwanan siyang nakatulala.
Ang totoo ay nagtapang tapangan lang siya nang sabihing kaya niyang harapin ang sinumang kamag anak ni Don Dominggo Chan na gagambala sa kanya .
Lingid kay attorney. villacruz ay nakatanggap na ng tawag ang kaniyang sekretarya buhay kay Marcus Dela Cruz.
Nakikipag appointment ang lalaki.
Pero ibang klaseng makipag-appointment ang lalaki dahil siya ang pinapupunta nito sa opisina.
"Napakalamig ng boses, Mrs. Dianna Chan.
At tila napaka authoritative. Hindi ako nakahindi nang sabihing kailangang kailangan ka raw makausap bukas na bukas rin at eigth o'clock in the morning sa opisina niya."
Iniabot ni Miss Jasmin ang kapirasong papel na kinasusulatan ng address ng opisina ni Marcus Dela Cruz.
Tahimik na binasa niya ang nakasulat at address sa papel samantalang si Miss Jasmin ang tila natataranta.
Nang tapunan niya ng tingin ang sekretarya ay namumutla ito .
"What's bothering you, Lovely?"
"I've heard, sobrang istrikto ang Marcus Dela Cruz na iyan.
His voice over the telephone scares me.
How much more kung makakausap ko pa siya sa personal?"
"Ayokong takutin ang sarili ko, Lovely .
Kahit anong uri pa siyang creature, nakahanda akong harapin."
"kung sa bagay, you're armed with charm, beauty and guts.
I just hope, hindi ka madaig ni Mr. Marcus Dela Cruz.
From what i've heard he's a big hunk of a man.
At super guwapo."
Pangalawang tao na si lovely na nag sabing guwapo raw si Marcus Dela Cruz.
Gaano ba kaguwapo ang lalaking iyon at tila masyado popular sya sa mga tao .
It remains to be seen, bulong niya sa sarili.
At pinag uubusan niya ng pag iisip nang maghapong iyon nakatakda niyang pakikipaharap kay Marcus Dela Cruz.
MRS.DIANNA CHAN." Tanong sa kanya ng babaeng nakaupo sa pinaka-reception area ng opisina ni Marcus Dela Cruz.
Hinulaan niyang sekretarya ito ng lalaki.
"Please sit down, Ma'am,"
wika nito .
Inihatid siya sa isang mahabang sofa na nakaharap sa mesa ni Marcus Dela Cruz.
Hinulaan niyang mesa ni Marcus Dela Cruz ito dahil nabasa niya sa ibabaw ng mesa ang name plate na nakalagay ay Mr. Marcus Dela Cruz . President.
The time is quarter to eight o'clock in the morning.
"Care for a drink Ma'am?"
"No, thanks. Hindi naman ako magtatagal."
Eight o'clock pa ho ang dating ni Mr Marcus Dela Cruz."
" ' Yon ang sinabi ng sekratarya ko. That's why I'm here."
Dumating ang eight o'clock. Pero ni anino ni Marcuz dela Cruz ay hindi pa niya nakikita.
Lumagpas ang singko minutos sa kanyang relo.
Tumayo na siya.
"Tell your boss na may prinsipyo ako sa punctuality. At sa ng ayaw na ayaw ko ay ang naghihintay."
Matapos na suklian ng matamis na ngiti ang babae ay umiibay ang balakang na lumabas siya ng opisinang iyon .
Dumiretso siya ng bahay para magpalit ng bihisang masyadong formal ang kanyang attire ng umagang iyon. Usually, nagsusuot lamang siya ng ganito kapag may business conferences silang dadaluhan ni Don Dominggo Chan noon.
Magpapalit na sana siya ng damit nang biglang mag ring ang kanyang telepono.
Boses ng babae ang narinig niya nang angatin niya ito.
"Ma'am, sa office po ito ni Mr.Marcus Dela Cruz. Gusto raw po kayong makausap ni Sir."
So this guy, bulong niya sa sarili.
"Hello," wika niya sa istriktong tinig.
"Hello, malamig, malaking tinig ang sumagot.
Tama si Lovely. Parang napaka Istriktong lalaking ang kausap niya.
"Mr.Dela cruz ?" agaw niya.
"Yes. What the hell are you doing there gayong may appointment ka sa akin?"
"I know. At pumunta ako diyan on time. but I am sorry to inform you, Sir, na hindi ako pwede sa hintayan . I am a very punctual person, in case na hindi mo alam."
Nang bigla ay makarinig siya ng sunod-sunod na katok sa gate ng bahay niya, kasabay ang boses ng isang babae na malakas at tila natataranta.
Sa pagkabigla ay naibaba niya ang telepono at napasugod sa gate .
Isang babaeng buntis na sapu-sapo ang tiyan ang nabungaran niya ba nakatayo sa kalsada.
Sa tapat ng gate pa ng bahay niya inabutan.
"Miss , Maawa ba po kayo samin ng anak ko . Ang sakit sakit na po ng tiyan ko !" daing ng babaeng buntis.
"M-manganganak ka ba ?"
"Opo!"
Wala pa naman ang katulong niyang si Layda.
Nasa palengke ito at namimili ng mga kakailanganin nila sa bahay.
Hindi na siya nag aksaya ng panahon o oras.
Nakalimutan ng hindi pa siya nakakapagpalit ng damit.
Deritso siya sa kotse at tinapatan ang babae.
At tinulungan niya itong makapasok sa loob ng kotse .
Inihatid niya ito sa isang pinakamalapit na clinic kung saan ay kilalang kilala siya doon .
"Eh, Mrs. Chan ,
nasaan po ang asawa ng babaeng ito?"
"W-wala po akong asawa,"b
Nahihiyang wika ng babaeng buntis .
"E, sino po ang magbabayad sa bills niya, Ma'am?"
"I-admit n'yo na siya at i charge na lang sa akin ang bill.
Babalikan ko nalang siya mamaya,"
Walang pag aatubiling wika niya.
"Ma'am, Salamat po, Maraming pong salamat ! .
Nakangiwi ang babae ngunit halata sa mukha nito at tinig ang matinding pasasalamat sa kanya .
Nagbalik siya sa bahay. Tinamad na siya'ng Pumasok sa opisina.
"Bukas na ako papasok, Lovely.
Ipunin mo na lang ang mga pipirmahan ko at ipadala mo kay Samuel dito sa bahay," utos sa sekretarya.
Tinatamad na nag inat inat siya . Noon lang niya napansin ang kanyang suot.
Hindi niya naiwasan ang sarili mapatawa sa sarili.
Kumakain siyang mag isa ng tanghalian ay hindi niya naiwasan ang hindi mapaiyak na isiping nag iisa na siya.
At Lalong maninikip ang dibdib niya nang mapako ang mga mata niya sa dating inuupuan ni Don Dominggo Chan kapag sila ay kumakain.
Papaano nga ba niya makalimutan si Don Dominggo Chan gayong sa bawat sulok ng bahay na ito na ipinagawa ng lalaki para sa kanya ay may iniwang masasayang alaala ang lalaki.
At kung mayroon mang nakakaunawa at nakakaalam ng buong katotohanan sa kanyang buhay ay walang iba kundi si Don Dominggo Chan lang .
Hindi na niya nagawang ubusin ang kanyang pagkain.
At ipinaligpit na lang niya kay Layda ang kanyang pinagkainan.
Magpapahinga sana siya kundi lang may narinig siyang humintong sasakyan sa tapat ng bahay niya at walang pangingiming nag doorbell na tila hindi aabutin .
Inis na pinatingin niya kay Layda kung sino ang dumating .
Si Layda na isang matandang dalaga ang nakasama na niya magmula pa nang ikasal sila ni Don Dominggo Chan.
Ito ang pinagkakatiwalaan niya sa bahay kapag siya ay wala .
Nang magbalik ito buhat sa gate ay nangangaykay na sa takot .
"Eh , Senyorita Dianna , may lalaki ho na naghahanap sa inyo .
Ang laki laki ng boses !
parang kulog ! At ang laki laki pa hong tao ! pero Guwapo guwapo !"
Bulalas ni Aloha.
"Ano 'ng hitsura ? Galit ba o nakakatawa?"
"Mukha hong hindi na matawa.
Papasukin ko ba ?"
"Sige , patuluyin mo ."
Kinakabahang naghihintay siya sa sala .
Hindi siya mapakali. For the first time kasi ay makakaharap niya si Marcus Dela Cruz.
Ang lalaking tumatakot sa kanya ilang gabi na ang nakakaraan magmula nang marinig niya kay attorney. villacruz ang tungkol sa sa pagiging istrikto nito at palaban .
Nabanggit rin ni Don Dominggo Chan ang tungkol sa pamangkin hindi basta basta nagpapatalo at hindi maloloko .
Kasalukuyang lumilipad ang isipan niya nang may marinig siyang malakas na yabag na tila lumilindol.
Nang lingunin niya, nabuglawan niyang nakatayo sa pintuan ang isang lalaking ubod ng tangkad , malaki ang pangangatawan.
At tama si attorney. Villacruz at Layda , guwapung guwapo ito .
Ang hindi nga lang maganda sa mukha ng lalaking ito ay nakasimangot .
Ang mga kilay ay mistulang mga higad na nakakislot.
At ang nagpataas naman ng mga kilay niya ay napansing bumaba tumaas ang mga mata ng lalaki sa kabuuan niya .
Noon siya nakadama ng hiya sa sarili .
Nakasuot nga lang pala siya ng t-shirt at shorts.
Ubod pa naman ng iksi kaya litaw na litaw ang mga hita niya .
"Now I know kung bakit nabaliw nang husto sa iyo si Uncle Don Dominggo ,"
bungad ng lalaki .
"Hindi ko alam na magkakaroon ako ng biglaang bisita,"
namumula ang pisnging sabi niya na para bang binibigyan ng justification ang kasalukuyan niyang suot .
"Napasugod ako rito para sabihin sa iyo na sa lahat ng ayaw na ayaw ko ay ang binabagsakan ako ng telepono! Huwag mo ng uulitin iyon , Dianna , kung ayaw mong banggain kitasa lahat ng korteng alam mo ."
"Korte? Masyado naman yatang drastic ang move mo?
Korte kaagad gayong naibaba ko lang ang receiver ng telepono ko dahil sa isang manganganak na naligaw sa gate ng harapan ng bahay ko."
"Manganganak?" ulit ng lalaki .
"Yes, isang manganganak na pinag magandahang loob ko na ihatid ko siya sa isang malapit na clinic .
Iyan ang dahilan kung bakit accidentally ay naibaba ko ang awditibo."
"Gusto mo yatang magpa impress sa akin .
Parang gusto mong palabasing isa kang goog Samaritan."
" Wala akong intensiyong magpa impress kahit na kanino . Now , kung may sadya ka puwede bang sabihin mo na? Oras na kasi ng pahinga ko at nakakaistorbo ka."
"Oras ng pahinga sa oras ng trabaho. Hindi ba dapat ay nasa opisina ka at sinisinop ang kabuhayang iniwan ng uncle ko?
O, baka naman masyadong malaking kayamanan ang iniwan sa iyo ni Uncle kaya ka nagpapabandying bandying lang ."
"Totoo nga pala ang nababalitaan ko tungkol sa iyo.
Na matapang ka at palaban .
The way you talk,
pati yata dila mo ay palaban!"
"Maraming laban na alam ang aking dila .Anong klase ang gusto mo ?"
Namula na naman ang mukha niya nang makuha ang ibig sabihin ng kaharap .
"Bastos !"
" Sino ang bastos ?" Walang pangiming nilapitan siya ng lalaki .
Sa matinding pagkabigla niya ay pakuyumos na hinahalikan siya nito.
Naramdaman niya ang dila ng lalaki na nagpupumilit na buksan ang nakasara niyang bibig.
At nagawa nitong magtagumpay. She was so shocked to be kissed ! Nanginig ang buong katawan niya, pati na tuhod .
"Playing innocent, ha ?" pagkuwa'y sabi ni Marcus Dela Cruz nang maramdaman nitong hindi siya gumaganti sa halik nito. "Anyway , napatunayan ko sa iyo kung gaano kagaling ang aking dila ."
"Napakabastos mo ! Walang modo ! " humihingal na sabi niya.
Umaalonang dibdib niya sa tindi nga ng galit at sama ng loob .
"Hindi na ako magtatagal, Dianna . O baka naman isipin mo na hindi kita iginagalang, Auntie Dianna.
Hindi pa ito ang huling nating paghaharap.
Next time, be ready to discuss with me ang tungkol sa naiwanang share of stocks ng uncle ko
Hindi na ako interesado sa ibang pang mga properties ni Uncle . Only sa share niya . Nag kakaintindihan ba tayo, Aunty Dianna?"
Panggigigil ang naisagot niya sa lalaki. As in gigil na gigil . Nakaalis at nakaalis na ang kaharap ay umaalon pa rin ang kanya dibdib sa halo halong damdamin . Tunay na natulala siya .
Na may kasamang pagkalito .
"Kung ako naman sa iyo, Dianna , benta mo na lang ang mga share of stocks na hinahabol ng Marcus Dela Cruz na yan ." Hindi na sekretarya ang dating ni Lovely kundi isang adviser .
"Palagay mo , ' yon ang mabuti kong gawin ?"
"For me, oo anyway, hindi mo na naman kayang pamahalaan ang iba pang negosyong naiwan ni Don Dominggo Chan.
Ito nga lang maliit na negosyobg naiwan sa iyo ay parang hirap ka ng i-manage ."
Ang malaking shares of stocks ni Don Dominggo Chan ay nasa mismong kompanyang pinamamahalaan ni Marcus Dela Cruz at ayon sa isang papeles na iniwanan ni Don Dominggo Chan ay siya ang ipinipalit sa posisyon nito Ngunit sabi nga ni Lovely , mahirap makipag laban pa siya sa mga kamag anak ni Don Dominggo Chan. At sang ayon Din siya naipaubaya na sa mga iyon ang pagmamaniobra ng pinakamalaking negosyo ng asawa .
Gayon pa man ay hindi siya nag aksaya ng panahon na tawagan si Marcus Dela Cruz. Katwiran niya,
kung talagang interesado ang lalaki ay dapat lang ba ito ang tumawag sa kanya.
Ngunit tatlong araw na ang nakaraan ay hindi pa rin siya kinokontak nito.
At sa loob ng tatlong araw na iyon ay para namang tuksong ang hudyong lalaki ang laman ng isipan niya .
Bakit ba hindi niya malimut Limutan ang pagkakahalik ng lalaking iyon sa kanya ?